Chapter Nine Mabuti na lang at hindi kami magka-klase ni Jasmine ngayong araw. Hindi ko din kasi siya pinansin kahapon. Nang nasa loob na kami ng sasakyan, pinipilit niya akong magsalita pero iniilingan ko lang siya. “Celie!” tawag niya sabay yugyog sa akin. “Siya ba talaga ‘yon?” tanong niya. Umiling lang ako at hindi na nagsalita. Ni hindi ko siya tinitingnan. “Eh sabi ni Kuya Jun siya ‘yon eh!” aniya. Sinamaan ko siya ng tingin. Mas lalo lang siyang lumapit sa akin. “Siya talaga ‘yon?” tanong pa niya ulit. I bit my lower lip to stop myself from talking. WALA! Hindi ko alam! Manong Arnold stopped the car in front of Jasmine’s house. Napatingin ako sa best friend ko. Lumapit siya sa ‘kin at humalik sa pisngi ko. “Bye, Celie!” aniya bago kumaway at binuksan ang pint