Chapter Six

2099 Words
Chapter Six   It has been weeks since nalaman ko ang pangalan ng mystery guy na iyon. Kuya Arman told me his full name. It was Benjamin Alastair Del Rosario. I tried searching his name on f*******: but nothing came up. I also  tried finding him on i********: pero wala pa din. So I just gave up.   I did not want to dwell too much on it. I was just attracted to him because he is good looking but that’s just it. Hanggang doon na lang ‘yon.   It’s already December. May boyfriend na ako ngayon. His name is  Martin. One week pa lang kaming mag on. He is nice but then again, this is just for fun.   I was always taught by my Mom not to take any relationship seriously at this agae. Dahil pag ikaw daw ang mas seryoso, ikaw ang mas kawawa lalo na dahil sa generation ko, cheating and infidelity is such a trend. Hindi na pinapahalagahan ng mga tao ang relationships.   As for me, I learned not to take relationships seriously but… I always tell myself that if ayaw ko na, sasabihin ko. I wouldn’t cheat. At kapag may nag cheat naman sa akin, I wouldn’t run after you, boy. Never. I will leave and never look back again.   At ‘yun ang nangyari sa amin ni Elton. Now, wala na din naman sila ni Ericka.   “Celie!” malakas na tawag ni Jasmine. Nasa gazebo siya ngayon sa gilid ng soccer field ng school. Kasama niya ang ibang kaibigan namin from high school.   “Hi!” bati ko sa kanila nang maka akyat ako sa gazebo. Naupo ako sa upuan katabi ni Jasmine. Sa kabilang gilid niya ay sina Tamara at Trisha.   “G kayo mamaya?” tanong ni Wilbert, isa sa mga kaibigan namin.   “Saan?” tanong naman ni Jasmine.   “Usual club,” Trisha answered. “Ano? G kayong dalawa?” tanong niya pa sabay tingin sa akin.   Napatingin ako kay Jasmine. Tumango naman siya. “Sige ba. G!” sagot ko.   Pagkatapos noon ay umuwi na kami ni Jasmine. Pareho na kaming walang pasok samantalang ‘yung ibang kaibigan namin ay may mga pasok ka.   “You want to come home with me?” I asked Jasmine. Naglalakad kami ngayon papuntang parking area. Nakasunod sina Kuya Arman at Kuya Jun sa amin.   “Pwede din,” sagot naman niya. “I can just stay at your house until we go to the club,”   I nodded. “Yeah, that would be fine,” I said. “Tawagan mo na lang driver niyo. Pauwiin mo na,”   Tumango naman siya. We stopped in front of our car. Nag-dial muna si Jasmine nang number ng driver nila.   “Hello, Kuya,” sabi niya nang nasagot na ang tawag. “Sasama po ako kina Celie sa bahay nila. Umuwi ka na po. Tatawagan ko na lang si Daddy,” napatigil siya sandali. “Opo… opo, promise po tatawag ako sa bahay… sige  po, salamat po, Kuya. Ingat ka,” ani Jasmine at ibinaba na ang tawag.   “Let’s go?” aya niya. Tumango naman ako. Sabay na kaming pumasok ni Jasmine sa sasakyan.   “Na-miss mo si Kuya, ‘no?” pang-aasar ko sa kaniya.   She turned to me with her dagger looks. “Bunganga mo,” saway niya sa ‘kin.   Tumawa ako. “Sige, hindi na kita aasarin,” sabi ko na lang.   Nang makarating kami sa bahay ay saktong papalabas din ng sasakyan niya. Nag reply muna ako sa text ni Martin. Nagtatanong kasi siya kung lalabas ako mamaya. Nang makapag reply na ay bumaba na agad ako ng sasakyan. Sumunod din naman si Jasmine sa akin.   “Kuya!” tawag ko kay Kuya Rely. Napalingon naman sa amin si Kuya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya nang makita si Jasmine sa tabi ko.   “Si Jasmine nga pala,” sabi ko sabay lahad sa kaibigan ko. “Naalala mo pa ba siya?” tanong ko pa. Pang gago lang.   Sinamaan ako ng tingin ni Kuya. “Siyempre, oo,’” mabilis na sagot naman niya.   “Miss mo ba siya?” tanong ko pa. Mas lalong nagalit ang tingin ni Kuya sa akin. “Siya kasi miss ka daw niya,” dugtong ko pa.   Napasigaw ako nang tinampal ni Jasmine ng malakas ang kamay ko. “Ouch!” maarteng sabi ko sabay baling sa kaibigan ko.   “Celie!” saway niya nang namumula ang mukha. Gusto kong matawa kaso kawawa naman ang best friend ko.   Kaya bumulong na lang ako sa kaniya. “Huwag kang mag alala. Mas miss ka ni Kuya,” sabi ko pa.   “Celie!” sigaw ni Kuya. Alam kong narinig niya kasi medyo nilakasan ko ‘yung pag bulong ko.   I turned to him with a huge smile on my face. “Po?”   “Get inside. It’s getting dark,” Kuya said before he turned his back on us.   I shrugged before I continued walking. Hinigit ko na din si Jasmine papasok.   “Celie, nakakahiya…” ungot niya sa tabi ko.   Tiningnan ko siya. “Huwag kang mahiya sa ‘kin,” sabi ko.   Kinurot niya ‘yung bewang ko. “Eh, hindi naman sa ‘yo, Celie!”   Napatawa ako ng mahina. “Ay, hindi ba,” pang-aasar ko pa.   Pumasok na kami ng bahay. Ang alam ko ay wala sina Mommy at Daddy ngayon dahil may dinner meeting pa sila. Kami na namang tatlo nina Kuya ang sabay na kakain ngayon. Magiging third wheel na naman po ako.   Dumiretso muna kami ni Jasmine sa kwarto ko. “Magbibihis ka?” tanong ko sa kaniya pagkapasok namin.   Tumango naman siya. Sabay kaming nagbihis na dalawa. May mga damit din naman si Jasmine dito dahil minsan ay dito siya natutulog. Mabuti na lang at hindi strict ‘yung parents niya.   Nang matapos kaming magbihis ay tumambay lang muna kami sa kwarto. Naghanap na kami ng masusuot namin sa party mamaya.   “Here,” sabi ko sabay pakita ng dress na gagamitin ko mamaya. “What do you think?” tanong ko kay Jasmine.   “It’s too revealing, Celie,” she said.   Napakamot ako sa ulo ko. Bakit ko pa kasi siya tinanong ‘no? “Okay, sige. Hanap na lang ako ng iba,”  sabi ko bago naghalungkat ulit sa closet ko.   Nang makahanap ako ng bagong dress ay hindi ko na ipinakita kay Jasmine dahil ayoko nang maghalungkat ulit. Final na ‘to.   “Kamusta kayo ni Martin?” tanong ni Jasmine nang maupo ako sa kama sa tabi niya. Kinuha ko ang phone ko sa bedside table. I saw a text message from Martin. I opened it and read the message.   From: Martin See you later, babe. Want me to fetch you?   Mabilis akong nag type nang reply habang sinasagot si Jasmine. “Okay naman kami, bakit?”   To: Martin No need. I’ll be with Jasmine. I’ll just see you there.   I sent the message bago ako bumaling kay Jasmine. “The last time you asked about me and my ex-boyfriend, may alam ka. Now, spill,” I said.   Umiling naman siya. “Grabe naman, Celie!” sigaw niya. “Nangangamusta lang. Masama?” tanong pa niya.   Pinanliitan ko siya ng mga mata. “Talaga?” I asked as I tilted my head.   Napabunton hininga pa si Jasmine at sinamaan ako ng tingin. “If I know something, I will tell you immediately. Best friend kita eh,” she said. “But right now? I know nothing,” sabi niya sabay iling. “I just want to know how are you… if you are fine with him being your boyfriend…”   I smiled as I hugged my best friend. “Ah! You are so sweet!” sabi ko habang niyayakap siya. Napatawa naman siya ng mahina. “But I’m fine. Martin is nice naman,” dugtong ko bago ko siya pinakawalan. “Thank you for your concern,”   She smiled at me. After that, Jasmine and I went downstairs. Nakasalubong pa namin si Kuya sa hagdan. Napahinto kami nang nasa harap na kami ng isa’t-isa. “Saan punta mo?” tanong ko.   “I was about to call you two,” sagot naman niya. Napatingin na naman siya kay Jasmine. Nagkatinginan silang dalawa at ako na naman ang sumira sa moment nila.   “Tara na, baba na tayo,” sabi ko at nauna nang bumaba. Mabilis namang sumunod si Jasmine sa akin. Nahuli si Kuya.   Nang makarating kami sa dining area ay naupo na agad ako. Umupo si Jasmine sa tabi ko at si Kuya ay naupo sa harap ko.   “Let’s eat!” masayang sabi ko. Ako lang siguro ang masaya dito dahil tahimik lang ang dalawang kasama ko.   Alam ko na ang gagawin ko. Ako na lang ang gagawa ng move since nagkakahiyaan pa ang dalawang ‘to.   “Jas,” tawag ko sa kaibigan ko nang matapos kaming kumain. “Mauuna muna akong maligo ah. Dito ka muna, usap muna kayo ni Kuya baka kasi ma bored ka sa kwarto pag natagalan ako,” ani ko.   “Ah, hindi, okay lang,” mabilis na tanggi naman niya sabay iling ng ulo. Napatingin ako kay Kuya Rely. He looked sad kaya I feel bad.   “Dito ka na muna, please,” sabi ko ulit kay Jasmine. “Wala ka din namang gagawin sa kwarto. Tatawagin na lang kita kapag tapos na ako,”   Hindi na nag salita si Jasmine. Nakatingin lang siya sa akin. Alam kong ayaw niyang iwan ko siya dito pero kasi gusto ko din silang tulungan ni Kuya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na may gusto sila sa isa’t-isa kaya tutulungan ko na lang si Kuya.   “Kuya, do you mind?” baling ko sa Kuya ko.   Umiling naman siya “Take your time, Celie,” ani Kuya. “Ako muna ang bahala sa kaibigan mo,” dugtong pa niya. Alam kong alam niya ang nais kong iparating.   Ngumiti ako sakanilang dalawa bago nagpaalam. Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. When I was done, I changed into my dress. Hindi ko muna inayos ang mukha ko dahil tatawagin ko pa si Jasmine.   I went out of my room and went downstairs. I saw my brother and my best friend in the living room. Nakaupo silang dalawa sa couch habang nag-uusap. Nakangiti na si Jasmine kay Kuya habang nakikipag-usap.   Hmmm. I smell something fishy. Huminto ako sa gitna ng hagdan habang nakatingin sa kanila.   “Jasmine!” tawag ko habang nakangit. Napatingin naman silang dalawa sa akin. “You’re turn,” sabi ko kay Jas.   Tumango naman siya at tumayo. “Akyat muna ako,” paalam niya kay Kuya. Nakangiting tumango naman si Kuya sa kanya.   Mabilis na naglakad si Jasmine paakyat. “Tara na, Celie,” aya niya sa akin. Tumango lang ako. Nauna na siyang umakyat. Papaakyat na din si Kuya kaya inantay ko na.   Pinanliitan ko siya ng mata ng makarating na siya sa tabi ko.   “Ano pang hinihintay mo, Celie?” tanong niya nang bumaling sa akin.   “What did you do?” mahinang tanong ko sa kanya habang mabagal kaming naglalakad paakyat.   Ngumiti si Kuya sa akin. “I asked her if I could court her,” masayang sagot niya.   Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Napahinto pa ako sa pag-akyat. “Oh, my gosh! Hindi nga?” hindi makapaniwalang tanong ko.   He nodded happily. He had that huge smile on his face. Napatalon na din ako sa sobrang tuwa. Niyakap ko si Kuya. “Oh, my gosh! Congrats, Kuya!” sabi ko sa kanya bago ko siya binitawan. “Hindi ka na torpe!” dugtong ko pa.   He glared at me. “Ewan ko sa ‘yo,” aniya. “Maliligo na din ako. I’ll come with you,” sabi pa niya bago nagpatuloy sa pag akyat.   Nanlaki ang mga mata ko. “What?!” I asked in a loud voice as I trailed behind him pero hindi na niya ako sinagot. Mabilis siyang naglakad papuntang kwarto niya.  Wala na lang din akong nagawa kundi pumasok sa kwarto ko.   When I got inside, nakapasok na si Jasmine sa shower. Naligo na din. Dumiretso na lang ako sa vanity table ko para mag-ayos ng mukha ko. Habang nag-aayos, iniisip ko ang mga itatanong ko sa best friend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD