Chapter Five

2247 Words
Chapter Five   “Natanong mo na ba ‘yung mga body guards mo tungkol doon sa mystery guy mo?” tanong ni Jasmine nang makaupo na kami sa couch sa living room.   Umiling ako. “Hindi pa,” sagot ko. “Nahihiya ako eh,” dugtong ko pa. Nagulat ako ng tumawa siya ng malakas. “Hala, Jasmine, nakakawalang poise sa ‘yo iyang tawa mo,” sabi ko sa kaniya.   Mas nakikita ko pa ang sarili kong tumawa nang ganyan. Pero siya? Eh ang hinhin niyan tapos ngayon grabe kung tumawa. Napakalakas.   “Kasi naman, Celie!” sigaw niya sabay tawa ulit.    Tiningnan ko lang siya ng seryoso. “Ang saya mo ngayon ah,” puna ko. “Masaya ka?” tanong ko pa. Siyempre with hidden meaning ‘yan. My brother and my best friend talked. I know she is happy because of it.   Napatigil siya sa tawa at sinamaan ako ng tingin. “Shut up,” saway niya.   I raised my eyebrow at her. “Eh bakit ka nga kasi tumatawa?” tanong ko ulit.   Natawa na naman siya. “Eh kasi naman, Celie! Kailan kappa nahiya?” tanong niya pabalik.   I glared at her. “Ngayon lang. Bakit ba,” sagot ko naman.   Nag pa kwento pa si Jasmine tungkol sa lalaki kagabi.   “What was he look like?” she asked.   Napatingala ako. Pilit kong iniisip kung ano ng aba ‘yung mukha noon.   “Matangkad, his body is not too bulky and not too thin… sakto lang,” sabi ko. “He has a nice jaw… matangos din ‘yung ilong niya. Pero kasi hindi ko nakita sa malapitan ang mga mata niya pero kahit malayo naman ang ganda din tingnan,” dugtong ko pa.   “Bakit kasi hindi mo itinuro agad kagabi sa ‘kin?” pagmamaktol niya  pa.   “Eh baka kasi magka-crush ka din,” biro ko.   She glared at me. “Tanga. Alam mo naman kung sino ang gusto ko,” sabi niya.   Tumawa ako ng malakas. “Of course, I know who it is,” sabi ko. “Kuya,”   “Celie! Bunganga mo marinig ka,” saway niya sa akin.   My eyebrows furrowed at her. “Ano bang sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya. “Andiyan si Kuya, oh,” sabay turo ko kay Kuya na nakababa na ng hagdan. “Tinawag ko lang naman,” sabi ko pa. Ang galing ko talagang mag maang-maangan.   “Nakakain na kayo?” tanong ni Kuya. Napatingin siya kay Jasmine ng sandali bago bumaling ulit sa akin.   I  shook my head at him. “Not yet,” sabi ko. “Hinintay ka namin,”   Tumango si Kuya. “Okay, kain na tayo,” pag-aaya niya. “Jasmine…” tawag pa niya sa kaibigan ko.   Jasmine smiled. “Okay po,” magalang na sabi niya at saka tumayo.   Nakita ko kung paano nalukot ang mukha ni Kuya pero hindi iyon nakit ni Jasmine dahil nakayuko siya. Napatawa ako ng mahina habang naglalakad kaming tatlo papuntang dining area.   “What’s funny?” tanong ni Kuya ng lingunin niya kami. Nakabusangot ang mukha niya. Napahinto kamini Jasmine sa paglalakad. Nakita kong napatingin din ang kaibigan ko sa Kuya ko dahil sa tono ng tanong niya. Pinilit ni Kuya na ayusin ang mukha niya when he saw Jasmine looking at him.   Umiling ako. “Nothing,” seryosong sagot ko kahit na gustong-gusto ko nang tumawa.   Tumalikod na siya sa amin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami sa dining table ay saktong inilalapag na ni Nana Lourdes ang pagkain sa lamesa. Naupo ako katabi si Jasmine. Sa harap ko nakaupo si Kuya Rely.   “Thank you, Nana,” sabay na sabi namin ni Kuya.   Tumango lang si Nana sa amin. “Kumain kayo ng madami,” sabi niya.   “Na, sumama ka na sa aming kumain,” sabi ko naman. Madami naman ‘yung niluto mo,” dugtong ko pa.   “Oo nga, Na,” sabi naman ni Kuya pero umiling lang si Nana sa amin.   “Hay nako, wag na. Mamaya na lang ako kakain,” sabi ni Nana. “Sasama na lang ako mamaya sa ibang kasambahay pagkatapos niyong kumain,”   Wala na kaming nagawa nang umalis na si Nana.   “Here,” napatingin ako kay Kuya nang magsalita siya. Nakita kong nilalagyan niya ng kanin ang plato ni Jasmine.   Gusto kongiikot ng iikot ang mata ko. Sana all ‘di ba?   “Thanks,” Jasmine whispered. Pulang-pula ang mukha niya habang nakayuko. Aabutin pa sana ni Kuya ang bowl kung saan nakalagay ang ulam nang maunahan siya ni Jasmine. “Ako na,” sabi naman ng kaibigan ko.   Tumango na lang si Kuya kaya sumingit na din ako.   “Ako Kuya, hindi mo ba lalagyan ng kanin sa plato?” tanong ko nang nang-aasar.   Sabay silang napatingin sa akin. Si Jasmine hiyang-hiya na kaya hindi ko na ipinagpatuloy ang pang-aasar ko.   “Joke lang,” bawi ko sabay kuha ng kanin agad. Hindi na lang ako tumingin sa kanila.   We started eating after that. Si Jasmine ay nakatingin  na lang sa baba. Ewan ko ba dito. Palagi naman ‘to pumupunta sa bahay pero nahihiya pa din kay Kuya. Eh ‘yung Kuya ko nga walang hiya naman. Nag da-da movespa kay Jasmine.   “May pupuntahan kayo pagkatapos kumain, Celie?” tanong ni Kuya.   I turned to my best friend. “Do we have somewhere to go?” I asked her.   She shrugged. “Wala naman akong plano kaya nga dito ako pumunta sa ‘yo,” sagot naman niya. “Pero ikaw,” sabi niya. “Maybe you want to go somewhere? Shopping, maybe?”   Tumango ako. “Okay, we can do that,” sabi ko naman.   We ate silently after that. Nang matapos kami ay niligpit muna namin ang mesa.   “Nako naman!” sigaw ni Nana Lourdes nang papasok siya ng kusina. Napatingin kami sa kaniya.Nasa kamay ko pa ang mga plato namin. “Bakit kayo nagliligpit ako na dyan!” sigaw niya ulit.   Kukunin niya sana ang mga plato sa kamay ko pero mabilis ko itong iniwas. “Ako na dito, Nana,” sabi ko sa kaniya. “Iyong dala na lang ni Jasmine ang kunin mo,”   Tumango naman si Nana at mabilis na kinuha ‘yung dala ni Jasmine. Ayaw pa sanang ibigay ‘nung kaibigan ko pero sinaway na siya ni Kuya kaya mabilis din niya ibinigay.   Inilagay ko sa sink ang mga plato. “Ako na diyan,” sabi ni Nana.   Tumango na lang ako. “Aalis siguro kami ni Jasmine, Nana,” pagpapaalam ko.   “Oh, sige,” sabi niya sabay tango. “Dalhin mo mga body guards mo, ha,” pagpapaalala niya.   “Opo,” sagot ko abago lumabas ng kusina at pumuntang kwarto muna. Nadaanan ko pa sina Kuya at Jasmine na nag-uusap pero hindi nila ako nakita dahil nakatingin lang sila sa isa’t-isa.   Nang maka akyat na ako sa kwarto ay kinuha ko lang ang cellphone at wallet ko. Naabutan ko sina Kuya at Jasmine na nag-uusap pa din. At dahil dakilang panira ako sa kanilang dalawa, umepal na agad ako.   “Jas! Alis na tayo?” tanong ko sabay upo sa gitna nila ni Kuya.   Kuya Rely glared at me pero hindi ko siya pinansin. Tumango naman si Jasmine sa akin. Tumayo na kaming dalawa.   “Bye, Kuya!” pagpapaaalam ko sabay lapit kay Kuya. Hinalikan ko ang pisngi niya.   “Bye, Kuya,” mahinang sabi naman ni Jasmine.   Tumango lang si Kuya. Naiirita na naman ‘yan dahil tinawag na namang Kuya nitong kaibigan ko. “Ingat kayo,” sabi ni Kuya Rely. “Celie, your body guards,” pagpapaalala din niya tulad ni Nana Lourdes.    I nodded at him. “I know, Kuya,” sabi ko sabay higit sa kay Jasmine palabas.   “Iyan lang suot mo?” tanong niya habang naglalakad kami.   Tumango naman ako. “Oo, tinatamad na din kasi akong magbihis,” sabi ko naman.   “Sabagay,” sabi naman niya. “You really go to mall with just your pambahay,”   Napangisi ako at hindi na lang nagsalita. “Kuya Arman, Kuya Jun,” tawag ko sa dalawang body guards ko na nakabantay sa pinto ng bahay. “Aalis tayo. Pupuntang mall lang. Nasaan si Kuya Arnold?” tanong ko patungkol sa driver namin.   “Tatawagin ko po teka lang,” sabi ni Kuya Jun at umalis.   Naglakad na lang kami ni Jasmine papuntang sasakyan. Si Kuya Arman na lang ‘yung nag start ng sasakyan para makaakyat na kami. Maya-maya ay dumating na din naman si Kuya Jun kasama si Kuya Arnold.   Sinabi ko kay Kuya Arnold kung saan kami pupunta. Nang makarating sa mall ay ni-drop niya lang kami sa entrance. Bumaba kasama namin ni Jasmine ‘yung mga body guards ko.   “Kuya, pwede bang kami na lang ni Jasmine ‘yung mamasyal?” pagpapaalam ko sa kanila. “Sa loob ng mall lang naman kami,” sabi ko.   Mabilis naman silang umiling na dalawa. “Pasensya na Ma’am. Hindi po pwede, eh,” sabi ni Kuya Arman. “Mahigpit pong bilin sa amin na hindi po kayo dapat mawala sa paningin namin,”   Tumango ako. “Okay po,” sabi ko na lang. As if I have a choice ‘di ba.   Nagsimula na kaming maglakad papasok ng mall. Nang makapasok na ay pinagtitinginan na kami ‘nung mga tao.   “Ngayon lang ba sila nakakita ng matanda na pero sinusundan pa din ng body guards?” malakas na tanong ko kay Jasmine. Napaiwas naman ng tingin ‘yung mga nakatingin na nakarinig ng sinabi ko.   Natawa na lang si Jasmine. “Just don’t mind them,” she said.   “Saan tayo pupunta?” tanong ko kay Jasmine habang nakahawak ako sa braso niya.   Umiling siya. “Hindi ko din alam, Celie, “ sagot niya. “How about you? Where do you want to go?” she asked back.   I shrugged. “Wala din akong idea,” sagot ko at napatingin sa mga daliri ko sa kamay. Nakita kong nasira na ‘yung nail polish ko sa isang kuko ko. “Pa manicure na lang tayo,” biglang aya ko.   Tumango din naman si Jasmine. “Sure,” sabi niya.   Naglakad kami papuntang favorite beauty salon namin. When we went in, nakasunod pa din sa amin ‘yung body guards ko.   “You can just wait outside, Kuya, please,” sabi ko kina Kuya Arman at Kuya Jun pero umiling sila.   “Hindi po talaga pwede Ma’am,” sabi ni Kuya Jun.   Napabuntong-hininga na lang ako. “Hi!” I greeted the manager of the salon. Sa sobrang dalas namin dito ni Jasmine, naging ka close na namin si Alyana, ang manager.   I kissed Alyana’s cheek. Ganoon din si Jasmine. “Hi!” Alyana greeted back. “It is so nice to see you two again,” she said. “What service do you want today?” she asked.   “Mani and pedi kami ni Jasmine ngayon, Yan,” sagot ko. “Pero pwede bang nasa loob din ‘yung body guards ko?” pagpapaalam ko. Nakakahiya din kasi at medyo crowded ngayon sa loob dahil nga weekend ngayon.   Tumango naman din si Alyana. “Of course. It’s no big deal, Celie,” sabi niya.   “Thank you,” sabi ko bago niya kami iginiya papuntang mani and pedi area. Magkatabi kami ni Jasmine at nasa magkabilang gilid namin sina Kuya Arman and Kuya Jun.   Hawak ko ang cellphone ko habang nililinisan ng babae ang kuko sa paa ko.   “You okay?” tanong ko kay Jasmine nang lingunin ko siya.   Tumango naman siya. Kumakalikot na din siya sa cellphone niya nang bigla siyang bumaling kay Kuya Arman na nasa tabi niya.   “Kuya, may tanong ako,” walang hiyang sabi ni Jasmine. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanya pero ni hindi siya bumaling sa akin. Nakatingala lang siya kay Kuya Arman.   “Ano ‘yon, Ma’am?” magalang na tanong ni Kuya Arman.   “Nakita ko po kasing may kausap kayo na lalaki kagabi,” panimula ni Jasmine. Tumigil muna siya sa pagsalita at nilingon ako. Kumindat siya sa akin samantalang nanlalaki naman ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.   Bumaling ulit siya kay Kuya Arman. “Itatanong ko po sana kung anong pangalan niya,” matapang na dugtong ni Jasmine.   Gusto kong hilahin ang buhok niya! As in talaga!   “Sino pong kausap? Ano pong suot?” tanong naman ni Kuya Arman.   Mabilis namang bumaling si Jasmine sa akin. “Anong suot nga niya, Celie?” tanong niya pa sa akin. “I forgot about what he was wearing,” dugton niya pa. Kunwari lang naman ‘yan. Hindi nga niya nakita ‘yun.   I rolled my eyes at her bago ako tumingin kay Kuya Arman. “He was wearing a white button down long-sleeved shirt and black pants,” sabi ko kay Kuya.   “Kunwari ka pa,” bulong ni Jasmine sa tabi ko. “Gusto mo din namang malaman eh,” dugtong pa niya kaya kinurot ko sa braso. Napa aray siya.   Sandali pang nag isip si Kuya Arman. “Ah, akala ko naman kung sino,” natatawang sabi niya dahilan para mapatingin kami ni Jasmine ulit sa kaniya. “Si Alastair ‘yun, kasamahan namin sa trabaho,”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD