Palihim na nagkikita sina Maxine at Noah tuwing gabi sa may hardin. Iyon lamang ang oras nila para sa isa't isa lalo na at tago ang relasyon nilang dalawa. Tanging ang kaniyang Ate Lucille lamang ang may alam pagkat hiningi ni Noah ang permiso nito. Pumayag naman ang kaniyang nakakatandang kapatid dahil nasa tamang edad naman na si Maxine.
Parehong nakaupo sa may damuhan ang mag kasintahan na si Maxine at Noah. Pumwesto sila sa may sulok para walang makakita sa kanila at tanging sinag lamang ng buwan ang nasisilbing ilaw nila.
"What happened to your mother?" hindi maiwasan na itanong ni Noah.
"Wala na siya, kinuha na ni Lord trese anyos pa lamang ako noon. Naaksidente siya at tinakbuhan ng nakabangga. Nagpaalam siya na mamamalengke lang pero sa ospital na namin siya dinatnan. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya nangailangan ng blood donor... Sabi ng doctor kapag nasalinan ng dugo ang Nanay ko magiging okay din siya kaya agad nagpakuha ng dugo si Ate Lucille para maging donor... Kaso hindi na umabot, kaya binawian din ng buhay ang Nanay ko."
"You said she just needed a blood transfusion, and when you said that, the doctor seemed sure that your mother just needed blood and she would be fine too?. Why did she die? Is there any other reason?" tanong ni Noah.
"Hindi ko alam, basta iyon ang sinabi ng doctor sa Guerrero Hospital. Pagkatapos binigyan nila kami ng pera ng hindi ko alam kung bakit nila ibinigay iyon. Sabi ng may-ari konting-tulong lang daw para sa mga naiwan ng pasyente" napalingon si Maxine kay Noah "Sa tingin mo normal iyon?. Sinagot din nila ang bills kaya wala kaming binayaran."
"Hindi, parang may mali nga. A hospital would not do that, especially Guerrero Hospital. Kaibigan ng mga magulang ko ang mga Guerrero at hindi sila tumutulong na walang magiging kapalit."
Malalim na napabuntong hininga ang dalaga habang inaalala ang nakaraan "Matagal ko ng inaalam ang tunay na nangyare sa Inay pero sabi ni Itay tigilan ko na at hayaan ko na lang daw. Hindi ko alam kung bakit siya ganoon kaya pakiramdam ko talaga may hindi tama."
"Susubukan ko na alamin para sayo" ani Noah.
"Talaga?" biglang nabuhayan ang dalaga dahil sa sinabi ni Noah.
"Hindi ko pinapangako pero susubukan ko."
Hindi napigilan ni Maxine na yakapin si Noah at pang-gigilan ito. "Salamat! Ikaw talaga ang Sube ko."
"Sube?" ani Noah.
"Oo, supladong Prince Charming. Pero sweetie daw ang ibigsabihin noon sabi ni Ate Lucille."
"Ooww" patango-tango pa ang binata ng malaman ang ibig sabihin ng salitang palagi nitong binabanggit "Then call me Sube."
"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Maxine.
Tumango ang binata "Oo, mukha ba akong nagbibiro?."
"Hinde"
"Yun naman pala eh."
"Sige na nga, masyado ng malalim ang gabi. Matulog na tayo, magkita na lang tayo ulit dito bukas sa kaparehong oras" ani Maxine.
Akmang aalis na ang dalaga ng hawakan ni Noah ito sa magkabilang braso "Goodnight Sube ko."
Malapad ang pinakawalan na ngiti ni Maxine at hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata "Goodnight din Sube ng buhay ko..."
Laking gulat ng dalaga ng bigla siya nitong halikan sa mga labi. Hindi siya makagalaw sa kaniyang kinatatayuan at nagsimulang mamula ang kaniyang pisngi. Iyon kase ang first kiss nilang dalawa. Sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan.
Naghiwalay ang kanilang mga labi at pagkagulat pa din ang makikita sa mukha ni Maxine habang si Noah ay malapad ang ngisi "See yah" anito pagkatapos ay iniwan na nakatulala ang dalaga.
Naghahanda ang lahat para daw sa pagdating ng isang panauhin. Kaya't aligaga ang lahat sa paglilinis at pagaayos ng kagamitan. "Ivy? sino bang bisita bakit aligaga ang lahat?" kuryosong tanong ni Maxine.
"Mga Guerrero daw, business partner at kaibigan ng mga Castellanos."
Animo'y sirang plaka itong paulit-ulit niyang naririnig ng banggitin ni Ivy ang mga Guerrero.
"Max? ayos ka lang ba? bakit namumutla ka."
"Ahh, O-oo a-yos lang ako" nauutal niyang sambit.
"Oh Cherylle, I'm happy to see you again. It's been a while" rinig nilang sabit ni Senyora.
Nanlamig ang buong katawan ni Maxine ng marinig ang pamilyar na pangalan na iyon. "Sa kusina na ako Ivy, tutulungan ko si Inay Belia" pagdadahilan ni Maxine.
"I'm also glad to see you too. This is my daughter Angel" ani Mrs. Guerrero.
"Hi Tita, pleasure to meet you" sambit ng anak ni Mrs. Guerrero.
"Oh come on, give me a hug" ani Mrs. Castellanos.
"Sure" ani Angel pagkatapos ay nakipag beso-beso na din.
"Anyways, nasaan nga pala si Alejandro?" tanong ng Ina ni Noah.
"My husband is on a business trip so he can't come."
Pababa ng hagdan si Noah ng salubungin siya ni Angel "Hi, It's been a while" sambit ni Angel sabay yakap kay Noah. Agad na humiwalay sa pagkakayakap si Noah ngunit si Angel ay panay ang dikit ng dikit. Nang makita siya ng Ina ni Angel ay agad itong yumakap sa kaniya.
"Noah, you still haven't changed, you're still handsome like your Dad" puri sa kaniya ni Mrs. Guerrero.
"You too, Tita, you still look young and beautiful like your daughter. I thought mag kapatid nga kayo eh."
"O-ow God, bolero ka pa din hanggang ngayon hijo" anito.
"Senorina, senorito handa na po ang hapunan" ani Inay Belia.
Sa hapag kainan nila pinagpatuloy ang paguusap. Habang si Noah ay panay iwas sa mga haplos ni Angel.
"Son, ipagserve mo naman ng pagkain si Angel" sambit ng Ina ni Noah.
"It's fine Tita, I can do it naman on my own", said Angel.
Para hindi mapahiya ay pinagserve na lang ng pagkain ni Noah ang dalaga.
"Ow so sweet naman" dagdag ni Angel.
Hapag pinaghahain ni Noah ng pagkain si Angel si Maxine naman ay pinapanood ang dalawa at hindi maipinta ang mukha sa selos. Hindi niya matagalan ang pinapanood kaya bumalik na lamang siya sa kusina para tulungan si Inay Belia at Ivy kasama ang ibang mga helpers ng mansyon.
Pabagsak na inihapag ni Noah ang kutsara ng marinig ang sinambit ng kaniyang Ina "I'm not getting married Mom, I'm only twenty -three and so is Angel, we're not ready for that--"
"It's okay for me to get married, especially if Noah. I trust him" sambat naman ni Angel.
"Kung okay lang sa iyo pwes sa akin ay hinde. Hindi ako papayag sa isang arrange marriage lang!" mariin na sambit ni Noah.
"Low your voice Noah, Your Dad and I, as well as Angel's parents, have already talked about this matter, at nakapag desisyon na kami na ipakasal kayong dalawa--"
"You decided and didn't even ask for our opinion?" bulalas ni Noah pagkatapos ay nag walkout. Agad naman itong sinundan ng kaniyang Ina.
"We'll be back in a minute, I'll just talk to my son", pagpapaalam ni Mrs. Castellanos.
"Noah!!, Open the door" anang Ina niya.
Binuksan ni Noah ang pinto at agad na kinumpronta ang Ina "You can't just do that to me, you always dictate what I need to do, you always control my life Mom. Hindi na ba mahalaga ang opinyon ko?."
"Hindi naman sa ganoon anak, wala na talaga kaming magawa ng Papa mo para tanggihan ang mga Guerrero."
"Really?" mapaklang tugon ni Noah "I'm not surprised, you always make decisions even without my permission."
"We owe a lot to the Guerrero. They paid off our company's bank loan at naniningil na sila ngayon. Son, we. You can't lose our company. Your Grandpa and your Dad worked hard for it, so please, pumayag ka na."
"Anong utang? You didn't even tell me about that!!. Kung may utang tayo, pay them money."
"Masyadong malaki ang babayaran natin at ikakabagsak ng pamilya natin iyon. We can only pay half of it. That's why they suggest na ipakasal na lang kayong dalawa ni Angel."
"And she agreed about this?" hindi makapaniwalang tanong ni Noah sa Ina.
"Yes, Please Son pumayag ka na, we can't lose our company" halos lumuhod ang kaniyang Ina sa pag mamakaawa. Naiipit na naman siya sa isang sitwasyon, at hindi niya alam kung anong gagawin niya.
"You're being selfish again Mom" mahinang sambit ni Noah at nanghihina na napaupo sa sofa ng kaniyang kwarto.
"I'm s-sorry Son if you are the one paying our debt to the Guerreros. You need to get married as soon as possible bago pa magbago ang isip ng mga Guerrero at ilugmok tayo sa hirap."
"What you did was killing me" walang buhay na sambit ni Noah.
"I am really, really sorry Son."
"What makes you sorry is different kung paulit ulit din naman at wala namang saysay. You bind me again to an obligation that I do not want to be bound to."
"Kaya ba ayaw mo dahil sa kaniya? sa maid na yon?." Akusa ng kaniyang Ina.
"That idea is so stupid Mom" pagkakaila ni Noah, ang totoo niyan ay si Maxine talaga ang inisip niya sa mga oras na iyon. "Wala siyang kinalaman dito" tugon ni Noah.
"Don't deny it, I know you like that woman."
"Sige, let's just say that I like her, but even without Maxine I would never agree with that stupid idea."
"You have to!!, for our family and for our company."
"No, It's for YOUR ambitions Mom--"
"Think what you want to think, just stay away from that girl and marry Angel Guerrero. You can do nothing but obey me and your Dad. You will marry Angel as soon as possible, end of the discussion!."
"I won't" pagmamatigas ni Noah.
"You will!!, mamili ka, ang babaeng iyon o kami ng Daddy mo?." Hindi makasagot si Noah at mapait na ngumiti. "Now you make me choose?!, Fine- Then I will choose her."