5

1794 Words
Makulit at masiyahin si Maxine kaya naman siguro agad na nahulog ang loob sa kaniya ni Noah na isang tahimik, suplado at anak mayaman. Alam ni Maxine na hinding hindi siya matatanggap ni Senora Elia ang Ina ni Sube lalo na at magkaiba sila ng mundo na ginagalawan. Mayaman ang pamilya ni Noah habang siya ay anak mahirap. Nabalik siya sa huwisyo ng makatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang kaibigan na si Lucille "Naglalakad na ako pauwi, malapit na ako kaya wag ka na mag alala—" hindi na siya natapos ang sasabihin niya ng banggitin ni Ivy ang pangalan ni Noah "Si Señorito Noah... Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sayo pero kailangan mong pumunta sa simbahan—" Hindi na siya nagtanong pa dahil masama ang kutob niya. Agad siyang sumakay ng tricycle at nagpahatid sa nag-iisang simbahan sa bayan ng San Isidro. Nanlalambot ang kaniyang mga tuhod dahil sa kaniyang nasasaksihan "H-hindi—" mahina niyang sambit. Akmang bibigay ang kaniyang tuhod ng may sumalong mga braso sa kaniya. Paglingon ni Maxine ay nakita niya ang kaibigan na si Ivy na malungkot na nakatitig sa kaniyang mga mata. "Alam mo ang namamagitan sa inyo pero nanatili akong tahimik." Mas lalong naluha si Maxine at panay ang hikbi. Umiling siya at muling lumingon sa loob ng simbahan. Gusto niyang tumutol at isigaw na itigil ang kasal ngunit hindi niya magawa. Para siyang pipe na panay lamang ang pag-iyak. Nanatili lamang siya sa ganoong sitwasyon hanggang matapos ang kasal. Hanggang sa matapos ang kasal ay wala siyang ibang nagawa kundi ang tumangis. Hawak-hawa niya ang pulseras na ibinigay niya noon kay Noah. Iniabot sa kaniya iyon ni Ivy kanina, ipinapabalik ni Noah. Naglalakad palabas ng simbahan ang bagong kasal, hinihintay ni Maxine na magtama ang mga tingin nila ni Noah ngunit ng makita siya nito ay nag-iwas lamang ito ng tingin na animo'y hindi siya nito napansin. "Max!" Muling tawag sa kanya ni Ivy "Umalis na tayo" marahan siyang inalalayan nito pababa ng hagdan ngunit hindi pa din maalis ang tingin ni Maxine kay Noah "I-vy" nangungusap ang kaniyang mga mata na tumingin sa kanyang kaibigan. "Kailan mo pa alam?" mapait niyang tanong sa kaniyang kaibigan. Hindi makasagot si Ivy at nag-iwas na lamang ng tingin. "B-bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" tanong muli ni Maxine. Nang hindi siya sinagot ng kaniyang kaibigan ay muli siyang lumingon sa sasakyan kung saan lulan nito si Noah at ang bago nitong asawa. Hindi niya matagalan ang nakikita niya. She didn't expect that she would feel so much pain when Noah cheated on her. Nang marinig niya ang balita mula sa bibig ni Ivy ay halos gumuho ang mundo niya. At totoo nga ang nabalitaan niya, kinasal si Noah sa babae na anak ng pamilyang kinasusuklaman niya, kitang-kita mismo ng dalawa niyang mga mata. Pagkatapos niyang matunghayan ang isa sa delubyo ng buhay niya ay nagtungo siya sa talon sa likod ng Mansyon ng mga Castellanos. Hindi alam ni Maxine kung anong susunod niyang gagawin dahil na pag-alaman niya na tinangal na siya sa trabaho kani-kanina lang. Nakatulala sa harap ng rumaragasang tubig at iniisip kung bakit nagawa sa kaniya iyon ni Noah. "Niloko mo lang ako at ako naman ay nagpaloko sa isang katulad mo" mapait at madamdamin niyang sambit. Lumuluhang tinanggal niya ang gawang singing ni Noah at walang pag-aalinlangan na itinapon sa tubig "Dinurog mo ang puso ko pati na ang mga pangako mo." Dumaan ang limang taon ngunit hanggang ngayon hindi niya pa din makalimutan ang lalaking minsan niyang minahal. She still seeks the solace of Noah's love. Sa loob ng limang taon, hindi nagpakita si Noah para man lang bigyan siya ng paliwanag na nararapat para sa kaniya at kahit isang hibla ng buhok o anino nito ay hindi na niya nakitang muli. Bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa paglalagay ng mga gamit niya sa bag niya. Ang Munisipalidad ng San Isidro ay namamahagi ng Scholarship at isa siya sa mga mapalad na mabigyan kaya bumyahe siya para pumunta sa Maynila at doon ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral. Kahit na may pag-aalinlangan siya susubukan pa rin niya para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. She will try to get an education to pursue her parents' dream. And one more thing, being poor and helpless caused her to lose Noah kaya sa huli pang pagkakataon ay ninais niyang makapagtapos at makakuha ng diploma ng sa gayon ay hindi na maulit ang bangungot ng kahapon. Maxine was nervous walking in the hallway of the school. She could feel the judgmental eyes of the rich students at that university, so she walked quickly until she came across the room. Walang tao sa loob ng silid kaya naghintay siya ng ilang minuto hanggang sa isa-isang pumasok ang mga estudyante na magiging kaklase niya rin. Someone just introduced herself to her, a woman named Ashley Fuentes, mystic but obviously of foreign descent. "Are you newcomers too?" tanong nito sa kaniya. Maxine could not immediately answer the woman's question "Yes, Y-ou... Ahm... Tagalog?" ano ba ito nalintikan na hindi ako marunong mag english, napakamot na lang siya sa ulo. "O-w sorry, Yes... I know how to speak Tagalog" anito. Nakahinga ng maluwag si Maxine pagkat marunong pala ang dalaga na magtagalog "Ah, Oo galing akong probinsya sa San Isidro" mahiya-hiyang niyang sagot. "Pasensya na, Matagal na kasi akong tumigil sa pag-aaral pero marunong ako umintindi ng Ingles. Pagpasensyahan mo na ang kaimoralan ko" hindi niya mapigilan na mapayuko sa hiya. "Nako, Huwag kang magsalita ng ganyan, Naiintindihan kita at hindi mo kailangan manghingi ng tawad... Moving on, Ano nga palang pangalan mo?" tanong nito sa kanya. "Maxine... Maxine Rylee Nievez" nakipag kamay sa kanya si Ashley, mukha naman na mabait ito kaya't napalagay ang kanyang loob. Her other classmates quickly entered and sat in their respective seats "Andyan na si Sir!" narinig niyang sabi ng ilang kaklase niya. Nag-ayos siya ng upo para maging mukhang disenteng tingnan sa tabi ni Ashley. Tahimik silang nag hintay hangang pumasok ang kanilang Guro. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang lalaking pumasok "N-oah?" pabulong na sambit ni Maxine. Narinig ni Ashley ang tinuran ni Maxine "K-ilala mo si Sir?" may pagtataka nitong tanong. Napatango na lamang si Maxine at bahagyang natigilan. "A-yos ka lang ba? Bakit parang nakakita ka ng Multo?" Bulong ni Ashley. Parang bingi si Maxine at hindi maibuka ang kaniyang bibig. Nanatili siyang nakatingin sa lalaki na inaayos ang parisukat na gadget at ikinokonekta sa malaking screen. "Ehem" tumikhim ito upang kunin ang atensyon ng mga estudyante "Good morning class" paninimula niya. "Good morning Sir" saad ng mga estudyante. Napahinto si Noah ng mahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na babae. "Max" saad niya sa isip niya. Umakto siya na parang natural lamang upang hindi mahalata ang kanyang pagkagulat. Umiwas siya ng tingin upang iwasan ang mainit na titig sa kaniya ng dalaga. "Open your books on page 8 entitled THE CONQUEST" umusad ang discussion na parang normal lamang na araw pero para kay Maxine simula na naman iyon ng magiging problema ng puso niya, puso niya palagi siyang pinagtataksilan. Natapos ang session na wala namang pagbabago "Let's call it a day, Good Bye and see you tomorrow class" malamig na tugon ni Noah at agad na lumabas ng silid. Habang si Maxine naman ay nag paalam kay Ashley na hindi makakasabay papunta sa Cafeteria. "Pasensya na talaga may kailangan lang akong habulin-sa susunod na lang pangako" tumango na lamang si Ashley at walang nagawa. Agad agad na naglakad ng mabilis palabas ng silid si Maxine upang habulin si Sir Noah ngunit pag labas niya ay wala na ito. Maxine took a walk until she came to the opposite side of the library when suddenly someone grabbed her arm and pulled her to a corner. There were no students there because it was lunchtime, so Noah made sure no one could see them. "Bakit nandito ka?! anong binabalak mo?!" matalim na nakatingin siya kay Maxine. "A-ng lakas ng loob mo na tanungin sa akin yan! At ano bang ginagawa sa Eskwelahan? Hindi ba't para mag-aral?!" pabalang niyang sagot. Noah chuckled weakly because of the courage and pride she showed "Fine" pagkasabi noon ni Noah ay bahagya siyang humakbang palayo sa dalaga. "Bakit?" bulalas ni Maxine kaya't natigilan si Noah. "Bakit mo ako niloko, wala pa akong eksplanasyo na natanggap mula sayo. Deserve ko naman siguro na makatanggap ng eksplanasyon!, Diba?" Hindi mapigilan ni Maxine ang kaniyang sarili na magtanong kay Noah. Natigilan si ang Guro sa tanong ni Maxine at lumingon sa gawi ng dalaga "Hindi ko sinasadya at wala akong nagawa" ani Noah. "Ano 'yon?!" puno ng sarkasmong saad ni Maxine "San nanggagaling ang sagot mong 'yon. Iniwan mo na lang ako na walang paalam. Ni hindi ka nga nakipaghiwalay sa akin ng maayos. Malalaman ko na lang na ikakasal ka na! sa araw ng mismong kasal mo pa. Paanong hindi sinasadya?" Purong sama ng loob ang naramdaman ni Maxine, kaya't hindi mapigilang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Walang emosyon na nakatingin siya sa dalaga, kahit sa loob loob niya ay nasasaktan din siya para rito. "Pinagkasundo kami ng mga magulang namin kaya't wala kaming nagawa. At napakabata ko pa noon para lumaban sa mga magulang ko. I know that I broke your heart as well as my promises, naging duwag ako-" "Gumawa-gawa ka ng pangako hindi mo naman pala kayang panindigan. Alam mo ba na hanggang ngayon nagdurusa pa rin ako sa pangiiwan mo sa akin?." Maxine dried her tears and intensified accordingly "Hindi mo alam dahil bigla mo na lang ako binitawan" her voice was trembling then step away from where they are. "It's been f*cking five years Max and it's time for you to move on" sambit ni Noah habang nakatingin kay Maxine na naglalakad paalis. "Sana nga ganun lang kadali, kung mauutusan ko lang ang puso ko ay matagal ko ng ginawa. Alam mo ba kung bakit hindi mawala-wala yung sakit? Kase wala ka naman ibinigay na dahilan bago mo ako iwan. Walang tigil sa kakatanong kung anong mali na nagawa ko. Pwede mo naman sabihin saken na 'Max, ayoko na, hindi na kita mahal' baka iyon maintindihan ko pa. May dahilan sana ako para agad na maka move on. Kaso wala, basta-basta mo na lang ako binitawan sa ere at pagkatapos nagpakasal ka sa Angel na iyon na sabi mo hindi ko dapat pagselosan kase sabi mo hindi mo siya gusto. Pero anong nangyare? Bigla mo siyang pinakasalan." Bago niya tuluyang lisanin ang guro lumingon siya rito muli "Mahal pa rin kita kahit nakakatanga na" mangiyak-ngiyak niyang sabi pagkatapos niyang sinambit ang mga salitang iyon ay tuluyan niyang iniwan ang guro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD