"Ang sabi ko gusto kita dati pa!."
Hindi makasagot si Noah at nakatuon lang ang tingin sa dalaga.
"I like you sa Ingles, kahit na manhid ka. Kahit na masungit, suplado at palaging mainit ang ulo... Ilang beses na nga akong nagpaparamdam kaso manhid ka eh. P-pero hindi ko hinihingi na gustuhin mo din ako, sino ba naman ako diba. Ang akin lang hinahangaan kita. At sana kahit nagtapat ako sayo ay magkaibigan pa din tayo-"
"I don't want you to be my friend anymore" pagputol ni Noah sa iba pang sasabihin ni Maxine.
"H-huh?."
"I said I don't wanna be your friend anymore", ulit ni Noah.
"Sandali naman, kanina mo pa lang ako tinanggap bilang kaibigan mo tapos ngayon ayaw mo na naman sa akin? Ang labo mo naman" nagsimula ng magmaktol si Maxine baka sakali magbago ulit ang isip ni Noah.
"You know what, I really don't like naughty and noisy people, but you" sabay turo kay Maxine "You can't be stopped. Walang preno yang bibig mo. At minsan nakakarindi na."
"Ayiee si Señorito nagtatagalog na haha" pang-aasar ni Maxine.
"See, nakuha mo pa din magbiro. That's what I liked about you; being positive and always happy. Your happiness is contagious, so I don't want you to be my friend anymore. I want more than friendship Max-"
Hindi inaasahan ni Maxine ang magiging tugon ni Señorito kaya hirap siyang iproseso ang lahat "W-wait!, Pinoproseso ko pa." Sa gulat ni Maxine ay hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya. "S-señorito g-gabi na pala. Matutulog na ako. G-goodnight!" Sabay takbo ni Maxine palabas ng pinto.
"Max wait!."
"Goodnight, Happy birthday ulit-" ani Maxine sabay sara ng pinto.
"Wierdo" pabulong na sabi Noah. Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Noah habang itinatabi ang Cake sa kaniyang mini fridge.
Wala sa sarili si Maxine habang naglalakad pabalik sa kaniyang kwarto. Hindi kase siya makapaniwala sa narinig niya.
"Saan ka galing? Anong ginagawa mo sa kwarto ni Señorito?" Biglaang sulpot ni Denis.
Pinagtaasan niya ng kilay si Denis "Bakit tinanong mo pa kung saan ako galing kung alam mo na din pala?... T*nga lang?" Maypagkasarkasmo sa kaniyang boses.
"Sige magtapang-tapangan ka lang. Tingnan na lang natin kung hanggang saan iyang tapang mo" ani Denis.
Hindi pinansin ni Maxine ang mga sinabi ni Denis. Wala siyang oras para makipag bardagulan sa taong makitid ang utak. Pagpasok niya sa kwarto ay hindi niya mapigilan ang pagsigaw sa kilig.
"Ahhhhhhh!!!" Mahaba at malakas niyang sigaw.
"Aysus ginoo!" gulat na sambit ni Ivy at nahulog pa sa kaniyang higaan. "Bakit ka ba nagsisigaw diyan?? Anong oras na oh."
"Pasensya na po mam, eto na matutulog na din" ani Maxine at pasimple pang nagtatalon sa kilig.
Kinabukasan sa may hagdan pa lang ay rinig na ni Noah ang sigaw ng kaniyang Ina. Dali dali siyang bumaba ng makita niya si Maxine na nakaluhod sa sahig.
"That's very unprofessional!, nandito ka para magtrabaho hindi para lumandi!. I shouldn't have hired you!!. Stay away from my son if you don't want to lose your job!" sigaw nito habang mahigpit na hawak ang buhok ng dalaga.
"What the hell is going on?!" Tanong niya. Agad naman nabaling ang atensyon ng lahat sa kaniya.
"T-his maid is sneaking into your room!" sigaw ng Ina ni Noah.
"I invited her--"
"You what?!"
"I Invited her" ulit na sabi ni Noah.
"Eh malandi ang babae na yan!" sabat ni Denis na siyang nagsumbong sa Ina ni Noah.
Matalim na tininingnan ni Noah ang kaulong "You don't know what you're saying!" lumapit si Noah kay Maxine at tinulungan itong tumayo "Are you okay?."
"O-opo Senorito, ayos lang ho ako."
"You can't just defend that woman in front of me?!, she's just our helper!" anang kaniyang Ina.
"And you can't just take the initiative Mom, especially if she hasn't done anything wrong", bulalas ni Noah.
"And now you're defending her!"
"At bakit hinde?, she's a nice person kesa naman sa pinapaniwalaan mong katulong na puro pang-aakusa wala naman ebidensya, Am i right Denis?."
Napayuko na lamang si Denis at hindi na nakaimik.
"Then what is she doing in your room?' anito.
"She was accompanying me to celebrate my birthday, something you didn't do. Sabagay hindi niyo nga naalala eh" may pait niyang sambit.
"S-son--"
"Maxine is my only friend, and she knows me better than you do. I defended her because I knew she wouldn't do any wrong things. Because she is a good person. She is the only person who understands me, as well as how I truly feel. So don't touch the only person I trust. The best thing you need to do is to talk to the person who is giving you the wrong information. Fire her if you want to. I don't care. Let's go Max!" sambit niya pagkatapos ay iginiya ito palabas ng mansyon.
"Madam, patawad po. Hindi ko naman ho alam na ganoon pala--" pagmamakaawa ni Denis.
"Pinahamak mo ako sa anak ko!. Pero hindi kopa din gusto ang babaeng yun."
"Madam?" lumuhod si Denis sa harap nito "Patawarin niyo na ho ako. G-gagawin ko ho lahat ng gusto niyo patawarin nyo lang ako."
"Dapat lang, iyon naman talaga ang trabaho mo!."
"Madam--"
"Umalis ka sa harapan ko hanggat hindi pa ako sumasabog dahil diyan sa katangahan mo!."
Agad na kumaripas ng takbo si Denis dahil sa takot. Namumutla ang mukha nito, pinagpapawisan habang tinatahak ang pasilyo papuntang kusina ng mansyon. Nakit ito ni Ivy kaya hinarang niya ang dinadaanan ni Denis.
"Ano ka ngayon?, Dapat ginalingan mo pa para si Senorito na mismo ang sumisante sayo" ani Ivy.
"Ano ba! umalis ka nga sa dinadaanan ko-"
Hindi umalis si Ivy bagkos ay tinabig niya pa ang balikat nito dahilan upang humakbang paatras si Denis "Sa susunod na ipahamak mo pa si Maxine, kakalbuhin ko na 'yang ulo mo" pagbabanta nito.
Dinala ni Noah si Maxine sa may talon para ilayo sa kaniyang Ina. Pagkarating nila ay dahan dahan niya itong inalalayan paupo sa isang tupok ng bato. "Ayos ka lang ba talaga?, Sana hindi na lang kita pinapunta. Mom wouldn't have been mad at you if I had thought it would happen right away."
"Ayos lang, hindi mo naman kasalanan. Kung dumistansya sana ako hinde mangyayare ito" malungkot na sambit ng dalaga.
Malalim na napabuntong hininga si Noah pagkatapos ay hinawi ang buhok ni Maxine nakatabon sa kaniyang mukha "I'm sorry Max, I,ve never been careful."
Nakayuko ang binata at hindi makatingin ng diretso kay Maxine. Naisip niya kung hihilingin niya sa dalaga ang puso nito lalo lang itong mapapahamak. Sigurado siya na magiging tutol ang kaniyang Ina na makipagrelasyon siya kay Maxine. Kanina pa lang ay halos kaladkarin nito si Maxine palabas ng mansyon paano pa kaya kung malaman nito na may relasyon sila.
"Tumingin ka nga sa mga mata ko" demand ni Maxine.
Ginawa naman iyon agad ng binata. "Sabihin mo nga sa akin na hindi mo ako gusto, para naman maintindihan ng puso ko."
Hindi makaimik si Noah, nalilito din ang puso at utak niya sa tunay niyang nararamdaman. Sinasabi ng puso niya na oo gusto niya ang dalaga ngunit sinisigaw ng utak niya na hindi maaari. Ano ba ang dapat niyang sundin.
"Sabihin mo na hanggang magkaibigan lang tayo, at hindi magiging tayo dahil magagalit ang magulang mo" malungkot na sambiit ni Maxine.
"Gusto kita Max pero natatakot ako sa pwedeng mangyare, na baka sa susunod hindi na kita kayang ipaglaban. Dahil duwag ang lalaking pinili mo."
"Hindi totoo yan, Matapang ka, At alam ko na ayaw mo lang suwayin ang mga magulang mo. At alam natin na iyon naman talaga ang tama. Kaya nga gusto ko marinig sa bibig mo na hindi mo ako gusto para makapag-move on na ako. Kaso baliw ka eh, hindi mo man lang magawang magsinungaling."
"Why would I do that? I just asked you last night to be my girlfriend and now I'll take it back? I won't do that."
Umalis si Maxine sa pagkakaupo sa may bato tsaka marahan na sumakay sa bangka ganun din ang ginawa ni Noah. Kapwa sila walang imik at pinapakiramdaman lamang ang bawat isa. "Won't you even speak? Naninibago ako sa katahimikan mo" ani Noah.
"Pasensya na, hindi ko maiwasan na mapaisip" may lungkot na tugon ng dalaga.
Kinuha niya ang manipis na wire na nakatali sa may sagwan ng bangka at hinubog niya ito na hugis singsing "Max?" tawag niya sa dalaga. Inabot niya ang palad nito at isinuot ang hugis singsing na wire "I want you Max and this ring is the symbol of my promise that I will replace it with a real ring once I have the courage to ask for your hand. Max, will you be my girlfriend?"
"P-pero paano ang Mama mo? Alam natin pareho na magagalit siya."
"We'll tell her at the right time. Now just answer my question, please, I'm getting nervous because of the time you take to decide... Masyadong matagal.
-" matiim na nakatingin si Noah sa dalaga at kinakabahan sa magiging sagot nito.
"May tiwala ako sa iyo, kaya oo ang sagot ko-"
"Yesss!!!" sigaw ni Noah sabay tayo sa bangka sa sobrang saya "You don't know how much you made me happy today. Promise I won't let them hurt you. I will defend you as best I can. Just be with me Max... Just be with me."