Chapter 6

1877 Words
TINANAW ko ang bawat gusali at mga sasakyang nadadaan namin. Ang sinag na nanggagaling mula sa araw ang nagbibigay sa akin ng pag-asa dahil nasa Pilipinas na kami. Kaba at pag-asa ang nararamdaman ko. I just knew that in no time ay makakawala na ako. Mas madali dahil nasa sarili akong bansa. Hindi ako sigurado kung nasaan kami pero alam kong nasa kamaynilaan kami. Tahimik lang ako at mataman na nakikinig sa pag uusap ng mag-amo. I was trying my best to get a possible information. Para alam ko kung saan ako pupunta pagkatapos. Dalawang sasakyan ang nakasunod sa amin. Ilang tauhan ni Rix ay kasa-kasama namin sa mga byahe at ang karamihan ay mga sumalubong sa’min. Akala mo maglilipat-bahay dahil ang tatlong sasakyan ang ginamit. Ngingisi na nga ako na baka kailangan pa ng wang-wang dahil feeling presidente lang. Tss. “Sir, okay na raw po sabi ni Teddy.” ani Lex mula sa passenger seat. Magkatabi naman kami ni Rix sa likod. But I made sure na hindi kami magdidikit ng balat. Baka masunog ako. “Good.” sagot nito. Lahat na lang ba kailangan iutos niya? Napaka.. I cursed him mentally. Ilang oras na rin kaming nasa byahe. Not until na makarating kami ng Tagaytay Highlands. Inihinto nila ang sasakyan at nagbabaan din ang laman ng dalawang sasakyan. Tinitingnan ko sila at nakiramdam kung kailangan ko ring bumaba. But Rixor stopped me from moving. “Dito ka na lang.” sabi niya. Sinulyupan ko lang siya at inirapan. Pinanood ko siyang bumaba at sinalubong ng nakangiting lalaki mula sa resort o golf club na ‘yon. Nakipagkamay siya at kinausap ang lalaki. May katandaan na at masasabing may kaya. Did they own this place? Saglit na nag-usap ang dalawa. May itinuturo pa ang lalaki kay Rixor at tumatango lang ito bilang sang-ayon o sagot. Lumingalinga ako. Mag-isa lang ako sa sasakyan. Pumasok sa isip ko ang tumakas kaya lang..paglingon ko sa kanan ko ay may nakabantay sa bintana ko. I heaved out a deep sigh. Not this time. Ilang sandali pa ay natapos ang pag-uusap ng dalawa at bumalik na sa sasakyan si Rix. Walang nagsalita at pinaandar na muli ng driver ang sasakyan. Ilang minuto lang ang lumipas ay ipinarada na nila ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay. I was mesmerized with the exterior architectural design ng bahay. Pinagbuksan ako ng pinto ni Lex. Kaya pagbaba ko ay binalik kong muli ang paningin sa bahay. It was more beautiful than the houses I saw in Vancouver. It was a combination of light brown and cream color. Ang sarap sa paa ng kulay luntian na damo. Tila ba alaga ito at pinanatili ang pagtatabas. Dalawang palapag lamang pero malaki ang espasyo na tanaw mula sa kinatatayuan ko. The pine trees were dancing with the rhythm of the wind. May malaking terrace sa nakaharap sa amin na tinernuhan ng hinahangin na puting kurtina. Sa lamig at kapreskuhan ng Tagaytay parang kay sarap mamahinga at magsiyesta sa bahay nito. Nawala lang ako sa pagpupuri sa bahay ng biglang hilahin ni Rix ang wrist ko at hinatak papasok sa loob. Tinanaw ko ang malapad niyang likuran. Paanong naaatim ng masamang damong tulad niya ang banayad na lugar na ito? Napapairap na lang ako sa hangin habang tumatakbo sa isip ko ang lalaking ito. Nakakasanayan ko na rin ang paghatak-hatak niya sa aking parang batang mawawala. Kinaiinisan ko iyon no’ng una dahil dumidikit na naman siya. But then, I remembered what happened last night. Bumulusok ang init ng mukha ko. s**t! The more that I loath him, the mere fact that he was getting into my nerves, mas nagsusumiksik siya sa’kin. Hindi pinapansin ang panggagalaiti ko sa kanya! O talagang pinapangatawan niya ang pagtatago sa’kin para sa maiitim niyang balak. Whatever he was dealing with, ang sama-sama pa rin niya! Bahagyang nawala ang pagbusangot ng mukha ko ng may sumalubong sa’ming maliit na matandang lalaki. He was smiling from ear to ear while looking at us. Suddenly, I felt homey with his aura. “Welcome back to the Philippine, Señorito Rix!” masaya niyang bati rito. Nilipat niya ang tingin sa’kin at sa kamay naming dalawa. Nakita ko ang kaunti niyang pagkamangha at bahagyang paglaki ng mata. Muli niya akong tiningnan at nginitian. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay. “Welcome po. señorita!” magalang niyang bati sa’kin. Hilaw akong napangiti sa tinawag niya sa akin. Señorita? Hindi ako sanay sa mga ibang tawag, maliban sa nurse. “Maayos ba ang lahat, Mang Teddy?” naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Rix sa akin habang kausap ang matanda. Napatingin ako sa kanya. “Opo, señorito. Nakapaghanda na rin po kami ng kakailanganin ninyo rito at puno na ng stock. Malinis na po ang lahat.” Tumango si Rix at binalingan ako. “Gutom ka na ba?” Napanguso ako. Ayoko sanang sagutin pero nasa harapan namin si Mang Teddy. Umiling ako bilang sagot. Hindi naman talaga ako gutom pa dahil kumain kami pagkalapag ng eroplano. Pumasok ang ilang tauhan ni Rixor at ipinasok ang ilang maleta niya. Inasikaso naman agad iyon ni Mang Teddy. “Magpapahinga muna si Lauriel sa kwarto niya. Kakausapin ko kayo pagbalik ko.” sabi niya at muli na naman niya akong hinatak bago pa man makasagot ang kausap. Kwarto ko? Umakyat kami sa ikalawang palapag. Nakita ko kaagad ang malawak na balcony. Nalanghap ko ang malamig na simoy ng hangin. Nakakaengganyo. Binuksan ni Rix ang isang pinto na katapat ng balcony. Hila-hila niya akong pumasok doon. The king size bed welcomed me with pink bed sheets. May comforter din. Malaki ang kwarto na may kumpletong gamit sa loob. Aakalain mong pinasadya. May malaking flat screen TV pa at stereo. Binitawan niya ako at inimuwestra ang paligid. “Kumpleto na ang gamit dito. Except sa mga ibang personal mong gamit. Kaya aalis na muna ako para ibili ka..” aniya. Gulat akong napabaling sa kanya. “Aalis ka?” tanong ko pa. Para akong nakakita ng pagkakataon para makatakas.Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay. He nodded. “May gusto ka bang ipabili?” Nakaramdam ko ng excitement ng malamang aalis siya. Pero pilit kong tinago at tumikhim. “Wala naman, okay na ako rito.” His lips twitched as he was staring at me. Hindi ako nagpahalata. “Okay then. I’m leaving you here.” Tumalikod na siya papunta sa pinto. Nagkunwari naman akong busy sa pagtingin ng mga muwebles. Nang tumunog ang paglapat ng pinto ay agad akong tumakbo sa pintuan. Ang balak ko at tumambay sa baba para inspeksyunin ang dadaanin. Pero ng pinihit ko ang doorknob ay hindi ko na ito na nabuksan pa! He locked me in this room! Kumabog ang dibdib ko. No..no way! Sinubukan ko pang pihitin ang doorknob pero ayaw talaga. Kumatok pa ako at umasang baka napagsarhan lang ako sa loob. “Rix! Rixor! Open the door!” sigaw sabay kalabog sa pinto. I became impatient ng sa makailang ulit ay walang tumugon sa akin. Nilaksan ko pa ang katok at kalabog pati ang sigaw, baka hindi lang nila ako naririnig. “Rixor! Open the f*****g door!” I screamed out. My voice became desperate. Hanggang sa halos maiyak na ako sa frustration. Lumapit ako sa bintanang may bakal na rehas. Mabilis na ang pagtibok ng puso na kinutuban na sinadya niya ito sa akin! Nakita ko siyang sumakay ng sasakyan kasama sina Lex at naiwan sa ibaba ang ilan niyang tauhan. Halos pigilan ko ang sariling humikbi sa kaba. Hindi makapaniwalang magagawa niya ito sa akin. Bumalik ako sa pinto at sinubukan ko pa ring buksan. Nanatili iyong nakasara kaya padabog ko iyong hinampas. Lumapit ako sa kama at umupo. Ramdam na ramdam ko ang paninigas ng lalamunan ko sa naipong galit. Lumandas ang luha ko na kanina pa bumabalong sa mata ko. Kinulong niya ako dahil alam niyang tatakas ako. That’s why he said na kumpleto ang gamit sa kwartong ‘to dahil hindi niya ako palalabasin! He was smarter than I thought. He made sure I was jailed under him. *** Ilang oras ang lumipas. Umiyak ako ng umiyak sa sama ng loob ko sa kanya. Lahat na ang mura at sumpa ay binanggit ko para kay Rixor. Napatingin ako sa pintuan nang tumunog ang doorknob nito tanda ng may papasok. Agad kong pinunasan ang bagong landas na luha ko. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mang Teddy na dalang tray ng pagkain. Alanganin niya akong tiningnan. Alam kong nakikita niya ang luha ko kaya medyo nahihiya siyang tingnan ako. Tumayo ako. “M-Mang Teddy..t-tulungan niyo po ako.. Tinatago ako ni Rixor sa pamilya ko. P-Pakiusap tulungan niyo po ako..” Inilapag niya ang tray sa lamesita at parang hindi nagulat sa paghingi ko ng tulong. “Señorita, magmeryenda na po muna kayo. ‘wag kayong mag-alala, baka papauwi na rin si Señorito Rix.” malumanay niyang sagot at tinalikuran na ako. Ngunit agad ko siyang hinawakan sa kanyang braso kaya napatigil siya. “Pakiusap po. Nakikiusap ako. Tinakot lang ako ni Rix para sumama sa kanya. This is against my will! Masamang tao po ang pinagsisilbihan ninyo.” Pero marahan niya lang tinanggal ang kamay ko sa braso niya. Halos manlumo ako sa tugon ng matanda. “Señorita, kumain na lang po kayo at hintayin ang señorito. Lalabas na po ako.” pumihit siya papalabas pero inunahan ko na siya. Tumakbo ako pinto at binuksan ito. Tinawag ako ni Mang Teddy pero hindi ko na ito pinansin. Ngunit agad din akong napahinto ng sa pagbukas ko ng pinto ay may nakatayong dalawang unipermadong tauhan ni Rix. The two men looked at me. Hinarang ang mga katawan sa dadaanan ko. “Señorita Lauriel..” banayad na tawag ni Mang Teddy sa likuran ko. But I am desperate! Kaya lakas loob akong sumugod papalabas. Pero agad akong pinigilan ng dalawang lalaki. “Ma’am sa loob na lang po kayo.” sabi ng isang lalaking tinulak pa ako papasok. But my lips formed a thin line. Anger and fear crept into my mind. Humakbang ulit ako at pareho na akong hinawakan sa magkabilang braso ng mga lalaki. Hinila nila ako sa papasok sa loob. “‘Wag ninyong hawakan!” narinig kong sigaw ni Mang Teddy. Binitawan lang nila ako ng nasa loob na kami ng kwarto. Iyong lalaking may pilat sa leeg ang sumagot sa matanda. “Kapag hindi namin hinawakan, tatakasan niya kami! Kami ang malalagot.” Napahawak ako sa aking braso dahil sa diin ng pagkakahawak ng lalaking may pilat. Mang Teddy looked so horrified while staring at that man. “Tara na, pare.” yaya ng isa ng makitang nahaluan na ng init ng ulo ang kasama. Kabado ako sa aking ginawa pero parang nadagdagan pa ng makita ng pag-iinit ng ulo nila. Lumabas ang dalawa at naiwan na lang kami ni Mang Teddy habang marahan kong hinaplos ang kanang braso ko. Hindi rin nagtagal ay lumabas na uli ang matanda. Wala na akong nagawa at napaupo na lang sa gilid ng kama. Nakatingin lang ako sa bintana. Hindi ko ginalaw ang dinalang pagkain para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD