Chapter 18: Save Me!

2450 Words

MICHIGO HELA RIVAS NAPAKABIGAT nang mga mata ko ng nagising ako dahan- dahan ko itong minulat. Ang puting liwanag sa kwarto ang bumungad sa akin. Ginalaw ko ang kamay ko pero mahapdi ito. "Xavier..." bulong ko sa kaniyang pangalan. Kinasal na kami. Asawa ko na siya. Hindi niya ako pwedeng iwan. "Michi, he's not here." Nadinig ko ang malamyos na boses ni Ate Jela. Napatingin ako sa kaliwa ko, nakita ko siyang ngumangata ng Twister galing sa KFC. "Si Xavier, ate... Nasaan s'ya?" "Bakit mo nagawang magsinungaling sa aming lahat ha? Michigo, 'di ka talaga buntis! Anong klaseng utak ba ang nagkaroon ka ha?! You lied to everyone!" Bungad n'yang sermon sa akin pero 'di ko siya pinansin. Hinanap ng mata ko ang kahit na anong senyales ng presensya ni Xavier pero wala akong nakita. "Hindi...

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD