THIRD PERSON'S POINT OF VIEW HINDI maipaliwanag ni Xavier ang nararamdaman niya dahil sa nalaman niyang katotohanan. Ang bigat ng dibdib niya. Ilang alak na ang nainom niya pero tila ba 'di siya malasing. He was fooled, nagpupuyos siya sa galit. All this time, akala niya ay buntis si Michigo! He can't even imagine that he developed some concern towards her lie. Inisip niya na baka kapag pinagbigyan niya ang sarili niya at baka soon ay matutunan niya 'to mahalin. But it's not. Hinding- hindi n'ya 'to matutunang mahalin dahil galit lang ang nararamdaman niya sa dalaga. Niloko siya nito. "Sir, Michigo is acting like crazy. I tried to stop her pero gustong- gusto 'ho niya matuloy ang inyong kasal. She said that she was trying to get read of Ms. Lailani. Dapat po ay matagal ko na 'tong sinab