Chapter 3: Tripping

2365 Words
MICHIGO HELA RIVAS NAKATAMBAY ako sa 7/11 ngayon. Mamaya- maya ay magbubukas na ang gate ng school at napaaga ako sinundo ng aking service kaya ito ako nakatambay muna sa 7/11 kasama ang mga ka-service ko na si Allaeza at Ysay. Kumuha ako ng extra na Chuckie kasama ng binili kong C2 at siopao. "Babaunin mo 'yan?" tanong sa akin ni Allaeza at saka siya napatingin sa aking binili. "Una mong ginawa ay nagsimula kang mag make up ngayon naman bumibili ka ng extra drink. So sino ba?" She asked me. "Anong sino ba?" tanong ko pabalik sa kaniya. Inabot ko ang 100 sa cashier at sinuklian naman ako nito nito ng trenta pesos. Binigyan din nila ako ng sauce para sa siopao na order ko. Naglakad kami papunta sa inuupuan namin. "Ang lalaking nagpapatibok ng puso mo." Sagot n'ya sa akin. "Lalaking nagpapatibok ng puso ko? Anong kalokohan naman 'yan?" nakakunot noo kong banggit. "Huwag mo ng itanggi. Michigo, magkakaschoolmate tayo ni Ate Allaeza noong Elementary hanggang noong mag first year high school ka. Kung 'di ka nag OLOPSC noong Second year ka e baka sabay pa tayo lumipat dito. Naalala ko noong umiiyak ka kasi inasar ka nila Kuya Hans noong nakalipstick ka since then hindi ka na naglagay ng kahit anong kolorete sa mukha mo tapos ngayon. Taray! Naka drunk blush na nga, naka- kilay on fleek pa!" Giit sa akin ni Ysay, wala sa wisyo akong napahawak sa aking mukha. Tama siya, I don't usually do this stuffs but when Sir. Xavier arrived. Nagkanda leche leche na ang lahat, para akong isang Grade 1 student na nagkaroon ng crush sa teenager sa kapitbahay. I decided to play volleyball to lose weight before and I was able too. From whopping 72 kgs I was able to drop up to 52 kgs. Ako kasi 'yung mataba na ever since elementary. Matalino, mabait pero tabachoy at pangit. Walang may gustong manligaw sa akin noon. I also lose my faith in having a disney movie like story in my life. Akala ko kasi noon pwede akong maging si Gabriela but I'm no beauty. Being bullied made me lose my self confidence, but changing for the better made me confident enough that I will be able to do what I want.  "Wa- walang nagpapatibok ng puso ko!" pagtanggi ko sa kanila. "Wala pang nagpapatibok sa puso ko. Wala pa akong oras sa ganyan!" muli kong giit sa kaniya. "Aysus! Same thing you said when you found out that Hans is dating Bea. Pero kinabukasan umiiyak ka kasi masakit pala. Hindi mo lang kasi siya crush, love mo na siya." Pang-aasar niya sa akin at saka niya ako siniko. "Sino nga?" tanong nilang dalawa sa akin. "Para matulungan ka namin na mahulog siya sa'yo bago ka maunahan ng iba. Para 'di ka na Ma - HansxBea 2.0!" Giit naman ni Allaeza sa akin. Umiling ako, ayokong may makaalam na crush ko si Sir. Xav dahil alam kong ihahalintulad lang naman nila sa mga fangirls sa school. Iba ang pagkagusto ko sa kaniya. Iba ang tungkol sa amin ni Sir. Xavier. Sigurado ako na magiging iba kami. "Bahala ka, anyways, change topic tayo. Tangina, ang pogi nung bagong English teacher natin!" saad ni Ysay. "Mas gwapo pa rin ang boyfriend kong si Scott kesa sa kaniya.' Nakairap na giit ni Allaeza kay Ysay. "Ibang level ang kagwapuhan no'n. May girlfriend na kaya siya?" "Sa pogi no'n sa tingin ko may girlfriend na 'yon. Saka barkada niya sila coach Red e 'di malabo." Sagot naman ni Allaeza sa kaniya, napadiin ako ng hawak sa aking palda at saka napabuntong hininga. May girlfriend na kaya si Sir. Xav? *** NAKITA ko ang sarili ko na naghihintay sa labas ng faculty area, hawak- hawak ko ang chuckie na binili ko kanina sa 7-11. Sa tabi ko ay ang ibang estudyante na naghihintay na lumabas din siya. Lahat sila ay may mga dalang pagkain o 'di kaya ay stuff toy, ang iba ay roses pa ang dala. Lahat sila ay nakatingin sa bintana na tila ba tinatanaw ang ginagawa ni Sir. Xav. Nakisilip naman din ako, nakita ko siyang inaayos ang bag niya at sinisilid ang laptop n'ya doon. Nagkikwentuhan pa ata sila ng ibang teachers na tumitingin din sa bintana at tinuturo kaming mga nakasilip sa kaniya. Ngumiti siya at tumingin sa direksyon namin. Mas lalong namula ang mapula kong pisngi ng magtagpo ang aming tingin. Agad akong lumayo sa bintana at saka pinili na lang na huwag makisilip. Bakit ba ganito ang t***k ng puso ko sa t'wing magtatagpo ang titig namin? Alam kong crush ko siya at fuma-fangirl ako pero bakit ganito kalala ang t***k ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. "Sir!" Tili ng isang estudyante kaya naman napatingin ako. Nagulat na lang ako ng makita kong nakapalibot na ang ibang mga estudyante kay Sr. Xav, inaabot nila sa kaniya ang mga regalo nila.  "Mga bata, kalma! Hindi artista 'yan!" Nang-aasar na giit ng co- teacher ni Sr. Xav na si Ma'am Mariano.  "Sir, saan po kayo magtuturo ngayon?" "Sir, may girlfriend na po ba kayo?" "Sir, single po ako!" "Pumunta na kayo sa mga classrooms n'yo. Magkita na lang tayo sa klase natin." Sabi niya at saka siya tumingin sa akin. Naitago ko ang chuckie na dala ko dahil sa hiya. Magugustuhan kaya niya ang dala ko? O' mapapansin kaya niya na sa akin galing ito dahil sa dami ng mga regalong natanggap niya. "Sir, gusto ka na po kasi namin makita ngayon e!" sabi sa kaniya ng isa pang estudyante. Bakit ba ako nahihiya? Lalapit lang naman ako sa kaniya at magti-thank you dahil sa ginawa niya para sa akin. Saka kaya naman ng iba kong mga schoolmate, bakit ako 'di ko magawa? "Umakyat na kayong lahat." Muli niyang sita sa mga estudyante at pumunta na siya sa stairs para umakyat sa unang lesson niya.  "Sir!" iyak ng mga estudyante. Nakagat ko ang labi ko dahil palayo na siya sa akin. Teka itong Chuckie ko. "S - Si-- Sir!" sigaw ko rin at saka ako tumakbo upang mahabol ko siya.  "Sir, sandali lang po! Sir!" Tumakbo ako paakyat sa hagdanan pero habang tumatakbo ako ay bigla akong nadapa. Napa-groan ako sa sakit na naramdaman ko ng madapa ako. "s**t!" mura ko ng mapagtanto kong natapon ang Chuckie na binili ko para kay Sir. "Ms. Rivas!" nadinig ko na may tumawag sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tatayo ba ako o pipilitin na iligtas ang Chuckie na binili ko. Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko na si Sir. Xavier 'yon. Palapit siya sa akin at pababa ng hagdanan. Lumebel siya sa akin at tiningnan ako. Our eyes met again, iniwasan ko ang tingin niya sa akin. "Are you okay, Ms. Rivas?" He asked me. Tumango ako sa kaniya. "Bakit ka ba nadapa? Alam mong nasa hagdanan ka tapos nagmamadali ka." Muli n'yang giit sa akin.  "M- may ibibigay sana ako sa'yo, Sir. Kaya po hinabol kita. Kaso lang natapon na po." Sabi ko sa kaniya at tumingin ako sa Chuckie na nakakalat na sa hagdanan. Nakakuha ng attensyon ang pagkakadapa ko kaya ang mga estudyante na naghahabol sa kaniya kanina ay nanonood sa amin. "We will meet later in the class, sana doon mo na lang binigay sa akin." Giit niya sa akin. "Ang swerte niya, magpapadapa na rin ako next time." "s**t! Oh s**t!" "P- pero s-sir, nakakahiya kasi kapag sa classroom." Sagot ko sa kaniya. "Kaya mo bang tumayo?" tanong n'ya sa akin.  Tumango ako sa kaniya bilang sagot, inalalayan niya ako upang makatayo pero napasigaw ako ng sumakit ang aking paa.  Muntikan akong matumba ulit pero nasalo niya ako, again, nasa bisig niya ako. I looked at him and our eyes met. "It seems like you sprained your foot." Sabi n'ya sa akin, nakagat ko ang labi ko. "Pupunta muna tayo sa Clinic. I need to have your foot checked." "S- sir, o- okay lang po ako. I think I can walk naman papunta sa room. This is just a sprain." "Hindi." He said at saka siya bumuntong hininga. "I was the reason why your tripped in the first place." Giit niya at tumalikod siya mula sa akin. Bahagya siyang yumuko na tila ba inaalok niya ang likod niya sa akin. "Sumampa ka sa akin, dadalhin kita sa Clinic." "Wow! Ang swerte niya. Girl, sampa na! Kung 'di ako ang sasampa diyan!"  "S- sir, nakakahiya po." Kagat labi kong sambit sa kaniya. "Ayaw mo naman siguro na buhatin kita sa ibang paraan diba?" tanong niya sa akin habang nakangisi siya. Namula ako ng dahil doon. The girls shrieked out of jealousy and kilig, I want to do the same thing too pero nahihiya ako. Sumampa ako sa likod niya, iningatan kong 'di ako maging pabigat sa kaniya. Bumaba kami sa hagdanan at pumunta sa Clinic. Susunod sana ang mga estudyante sa amin pero sinuway niya ang mga ito at pinapunta na sa rooms nila. Nang makarating kami sa Clinic ay walang tao doon. Wala pa ang nurse kaya naman inilapag ako ni Sir sa malapit na higaan.  "I need to find ointment and bandage." Sabi niya habang hinahalughog ang cabinet. Bumalik siya sa akin at umupo siya sa harap ko. Kinuha niya ang paa ko kaya naman napahiyaw ako sa sakit. "Dahan- dahan naman!" sita ko sa kaniya. "I'm sorry." He said. Napailing siya. "Nasugatan ka rin pala sa tuhod mo. Sandali lang kukunin ko lang 'yung agua oxinada." Muli n'yang sambit sa akin. Mahina akong napangiti lalo na ng makita ko siyang naghahanap na naman sa cabinet. Bumalik siyang may dalang mga bulak at band-aid.  Lumuhod siya sa harap ko at saka n'ya ginamot ang sugat ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti, para s'yang prinsipe na handa akong alagaan. "Bakit mo ba ako hinahabol kanina?" "Dahil may ibibigay ako." Sagot ko sa kaniya. "The real reason..." His voice sounded like a command that he wanted me to spit out something. "Gusto ko sanang magpasalamat sa pagligtas mo sa akin sa bola noong isang araw." Sagot ko sa kaniya. He smiled gently at me. "And you put yourself in danger because of that." Sagot niya sa akin. Nakagat ko ang labi ko. "Nag-alala ka po ba ng madapa ako, Sir. Xav?" tanong ko sa kaniya. Alam kong nag-alala ka sa akin. Alam kong iba ang tingin mo sa akin. Alam kong nasa akin lang ang mga mata mo. Alam kong malapit na kitang makuha. "Oo..." Tumingin ako sa kaniya, our eyes met again. Nakagat ko ang labi ko sa galak na naramdaman ko. Sabi ko na nga ba, mahalaga din ako sa kaniya! "Talaga po sir?"  "Don't get it wrong, lahat ng teachers mag-aalala sa estudyante nila kapag may nangyaring masama dito." Sagot niya sa akin. Napasimangot ako, kinuha niya ng band-aid at inilagay niya 'yon sa sugat ko. "Hindi naman po ako nag-iisip ng masama." Sambit ko sa kaniya at saka ko nakagat ang labi ko. Ang sunod n'yang ginawa ay kunin ang bandage para sa sprain ko. "Sa susunod hintayin mo na lang na matapos ang klase kapag may ibibigay ka sa akin. Hindi 'yung nakikisabay ka sa mga ibang estudyante. Ayokong napapahamak ang mga estudyante ko ng dahil sa paghanga nila sa akin." "Ayaw mo akong mapahamak, tama ba?" tanong ko sa kaniya. "Oo naman... ayoko na may mapahamak na kahit na sino. I'm not a special teacher, Ms. Rivas. Normal lang ako, may mas magaling pang magturo ng literature kesa sa akin. May mas gwapo din kesa sa akin, mayro'n di'ng mas matalino kesa sa akin. Minsan nakakasawa na rin 'yung maging tampulan ng paghanga nila dahil lang sa may itsura ako. I also want my students to admire me because of what I can give." He told me. Inikot n'ya ang bandage sa aking paa. Sir. Xav is a different kind of teacher. He is so approachable at parang barkada na rin namin siya sa t'wing may lessons o kaya event. He is different kaya mas lalo akong natutuwa sa kaniya. "Alam mo sir, ang bait mong teacher. Kaya rin siguro maraming mga estudyante ang nagkakagusto sa'yo. Kasi marami namang gwapong teacher kagaya ni Coach Red pero walang may crush sa kaniya kasi mas masungit pa siya sa babaeng may red tide. Ikaw po kasi mabait." Giit ko sa kaniya, natawa siya sa sinabi ko sa kaniya. He laughed his breathe out. Napakaganda niyang tingnan habang tumatawa. Gusto kong magising sa araw- araw na naririnig ang kakaiba n'yang pagtawa. "Pinatawa mo ako doon ha." "Totoo naman po e. Kaya po siguro gusto din kita, sir!" sambit ko sa kaniya. Nakagat ko ang labi ko, napatingin siya sa akin. "I know that you like me the same way like the other student does." "Hindi po sir! Ibang gusto po ang mayro'n ako para sa inyo. Sir, I really do like you. I like you." Giit ko muli sa kaniya, muli s'yang ngumiti sa akin. "I also like you, Ms. Rivas. You are honest and charming.  I like students who thinks and acts like you."  Estudyante... ganoon ako para sa kaniya. Napapikit na lang ako at saka pinanood siyang i-pin ang bandage sa aking paa. "Done! Ihahatid na kita sa klase mo, okay? I'll carry you." Giit niya muli sa akin. "Hindi po kita gusto bilang isang teacher na crush ko. Sir. Xav, I like you as someone who I want to be my boyfriend." Natigil siya sa pag-aayos ng mga kalat sa tabi ko at saka napatingin sa akin. Dahan- dahan siyang napailing. "Ms. Rivas, you can make me your inspiration but you can't like me. I am your teacher nandito ako para lamang i-guide ka. Not to the extent that you want." "Hindi ko naman po sinasabing gustuhin n'yo ako. I just want to tell you that I like you. That my feeling is not like the other students. I seriously like you, Sir." Tumayo na siya at sinubukang iwasan ang mga sinasabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya dahilan mapahinto siya. "Ms. Rivas..." Hinila ko siya papalapit sa akin dahilan para parehas kaming mapahiga sa higaan. Napapikit ako, he was so near me, he was over me. The moment, wala akong ibang marinig kung 'di ang t***k ng puso ko, at kasabay no'n ay ang t***k ng puso niya. Nakagat ko ang labi ko, his heart is also beating fast. It's beating fast as mine. "Si- sir..." "Ms. Rivas, what are you doing?" he asked breathlessly. "Your heart is beating too loud, it's almost as same as mine. Does this mean that you're mine?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD