Chapter 2: Crushin' on you
MICHIGO HELA RIVAS
ANG AKALA ko ay madaling mawawala ang nararamdaman kong crush kay Sir. Xav. Ganoon naman ang crush diba? Minsan nga kapag nagsawa ka na sa crush mo e 5 days pa lang wala na. Kapag dumadaan siya, dedma ka na. But that's not the situation for me. It's been two weeks and my heart keeps on beating whenever he's around. Bigla ko ring naisipang bumili ng Liptint at face powder sa Ever Bilena para magkakulay naman ang mukha ko. Inaral ko ang magkilay buong linggo para lang magbago naman ang itsura ko kahit papaano. Nagulat nga sila sa classroom dahil bigla akong naglugay ng buhok ko na hindi ko naman ginagawa.
My crush for him is getting worst at ngayon... ito ako, I'm thinking of ways para lang mapalapit sa kaniya. Hindi ako makapag focus ng dahil doon, even his sexy posture sa t'wing nagsusulat siya sa pisara ay gustong- gusto ko.
"Wow girl, nakalip tint ka ata ngayon Anong mayro'n?" tanong ni Judy sa akin at saka niya tinaas ang kaniyang kilay.
"Ano pa bang mayro'n? Edi 'yon oh!"Amy pointed using her mouth kay Sir. Xav na busy'ng nagsusulat sa pisara. "Lahat halos ng girls sa school nito palihim ng nagli-liptint bago ang World Literature at English Classes nila. Lalo na 'yung mga nasa Grade 7! Yung mga teachers naman biglang nagkaroon ng kilay on fleek. Kasama na sa mga nabiktima no'n ay si Michi." Giit ni Amy at saka niya nilabas ang Liptint niya na roller at pinahiran ang labi n'ya.
Tumingin ako sa kanila. "Bakit 'di ba bagay sa akin?" tanong ko sa kanila.
Sabay nila akong hinusgahan. "Huwag kang mag-alala bagay sa'yo. Hindi ka mukhang maton dahil nakaliptint ka." Sabi niya sa akin at saka siya nag-wink sa akin. Nahawakan ko ang pisngi ko, napansin kaya ni Sir. Xav ang pagbabago sa aking mukha?
"Tinamaan talaga siya kay Sir. Xav, no?" tanong ni Judy kay Amy. Tumango naman ito sa kaniya bilang pagsang-ayon.
Tumingin si Sir. Xav sa amin at saka mahinang ngumiti. "Tapos na ba kayong kopyahin ang nasa board?"
"Yes, Sir!"
He smiled. "Class President, ipa-photocopy mo 'yung binigay kong kopya ng poems and short stories. Tandaan n'yo, I need all of you to choose 10 stories para bigyan ng analysis." Giit niya sa amin.
Tumayo ang class president namin na si Reina at saka lumapit sa kaniya. "Sir, 'yon lang po ba ang ipapagawa n'yo?" tanong n'ya rito.
"Bakit gusto niyo pa ba ng isa pang homework?"
"Tangina naman Reina e." Sigaw ni Andrei at saka nito pabagsak na nilapag ang notebook. Reina looked at him at saka ito umirap. "Kung gusto mo ng homework, solohin mo na lang. Huwag mo na kaming idamay!" reklamo naman ng iba naming lalaking kaklase. Sir. Xav laughed at them.
"Don't worry, hindi naman na ako magbibigay ng panibagong homeworks. Wala na akong iba pang ipapagawa, Ms. Class President."
"Talaga po ba sir?" At talagang ipipilit pa niya. Sabagay gusto naman kasi ng lahat na mapansin sila ni Sir. Xav.
"Okay class dismissed na tayo. You can proceed with your snack break." He said at isinara na niya ang kaniyang laptop. Tinuruan niya kami tungkol sa iba't ibang stories na sikat sa iba't ibang period. Mula Beuwolf hanggang Romeo and Juliet. Iba't - ibang stories na sumasalamin sa iba't - ibang writing styles. Napapikit ako at nanatili ako sa loob ng classroom.
He looked at me. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip ko ng mga oras na 'yon at tumayo ako. Napangisi ako ng mapagtanto ko ang gusto kong gawin. Nais kong mapalapit sa kaniya. I found myself walking towards him. "Sir. Xav." I called him.
"Bakit Ms. Rivas?" He asked.
"Sir, alam n'yo po 'di lang halata pero mahilig ako sa literature. I love reading." Pagsisinungaling ko sa kaniya. Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ko. Did I actually lied right now?
"Really? Bihira lang ang mga nasa edad n'yo na mahilig magsulat at magbasa." Giit niya sa akin. Mahina akong napangiti, 'di nga ako nagbabasa ng novels e. Hindi ko alam kung saan patungo ang mga pinagsasabi ko ngayon.
"Kayo po sir, do you also write and read?" I asked him.
"I won't be able to become a Literature Teacher if I don't like to read. " He told me. "Bakit mo natanong, Ms. Rivas?"
"Well, Sir. Xav... Uhm, gusto ko po sanang manghingi ng magagandang books para basahin. I want to ask for your help." I told him.
He smiled at me, pakiramdam ko bigla akong lumutang sa ere. "Well, I can suggest you some books to read. You can try Hamlet, Anna Karenina, To Kill a Mockingbird, The Great Gatsby, Inferno---"
"I already read all of that, sir!" I blurted kahit 'di ko pa naman nababasa ang mga pinagbabanggit niya. I just realized that I need to do something para makausap ko siya ng matagal at makilala ko siya.
Muli s'yang tumingin sa akin at saka siya ngumiti. "Wow, you have a good taste. Marami ka na bang nabasa?" tanong n'ya sa akin. Tumango ako sa kaniya, in our family 'di ako mahilig magbasa but my sister does. Kung ako ay may shelf na puno ng albums ng EXO at Super Junior, may dumadagdag ding NCT sa collection ko. My sister have f*****g shelves and storage boxes with different books on it. Hindi ko alam na makakakilala ako ng lalaking halos katulad ng kapatid ko sa kaadikan ng books.
"Yes sir! I already read..." I bit my lips. "Meg Cabot, L.J Smith, William Shakespeare, Nicholas Sparks, Edgar Allan Poe and my favorite Stephen King!" Kahit na naalala ko lang naman ang mga authors ng mga books na binabasa ng ate ko.
"That's pretty good authors huh? I love Stephen King." He said. Napangiti ako sa kaniya muli. "So naghahanap ka ng bagong mababasa mo?" He asked me. I nodded at him as a response.
"Yes, I pretty much have everything at home kahit nga w*****d books e." I told him. Pinasok n'ya ang laptop niya sa bag pack niya at saka niya sinunod ang mga libro na dala niya kanina sa lesson namin.
"Well if you are really looking for a place that offers good reads. Well then, I know a place. It's a little bit far from here. Nasa Quezon City kasi 'yung lugar na 'yon e. Do you want me to jot down the address and give it to you?" He asked me.
Umiling ako sa kaniya. "Mas maganda po sana kung samahan n'yo po ako." I bravely told him.
"Don't you know that asking a stranger to come with you is dangerous." He told me. "Hindi ka naman po stranger. Teacher ka po namin, right? I think I'll be even more safe kasi sasamahan n'yo po ako. And I'm from Modesta pa po, I think QC is too far to be travelled alone." Sabi ko sa kaniya, he looked at me for a while.
Huwag mo akong tingnan ng ganyan, Sir! Natutuwa este natutunaw po ako!
"I don't think I would be able to come with you, Michigo. I'm sorry." He said at saka siya kumuha ng kapiranggot na papel at may sinulat dito at saka n'ya inabot sa akin.
Tweedle Book Cafe
106B Sct. Gandia St, Diliman, Quezon City
"Yan ang address ng cafe na madalas kong pinupuntahan. They have good reads and nice book selections. You can try going there with your friend or boyfriend." He said at saka n'ya kinuha ang bag niya at tuluyan ng umalis. Napapikit na lang ako, akala ko ay sasamahan niya ako.
Ang hirap namang magpapansin kay Sir. Xav!
Napabuntong hininga na lang ako. Umasa pa ako, si Reina na maganda at laging presentable e dinedma niya, ako pa kaya na halos maton ang itsura.
***
"FOCUS, Michigo! Focus!" sigaw ni Coach habang nagkakaroon kami ng practice ngayon sa open court. Hindi ako makapag focus dahil para akong nadi-disappoint. I was almost a centimeter away from the opportunity tapos bigla pang nawala.
Pumito si coach bilang senyales na dapat na akong mag serve. Nakapag serve ako pero mahina ko lang 'to nagawa, 'ngi 'di nga lumabas sa net. "Michi, ano bang nangyayari sa'yo?" Coach asked me. Napatingin ako sa kaniya.
"Wala po, Coach! Pasensya na po medyo bangenge lang po." Napailing siya sa akin.
"Red!" sigaw ng isang malalim na boses. Biglang tumibok ng malakas ang aking puso, Coach walked behind me kaya naman napatingin ako sa pinuntahan niya. Si Sir. Xav ang tumawag sa kaniya. Nakasuot ito ng kulay puting T-shirt, black pants and white Balenciaga sneakers. Sa kamay n'ya ay may hawak siyang Chuckie.
Is he really a teacher?
Napakagat ako ng aking labi. nagsitakbuhan naman lahat ng mga co- Varsity ko para lapitan si Sir. Xav. Nakuha naman no'n ang attensyon ni Coach. "Mag practice lang kayo diyan!" sita niya sa mga ka-teammates ko.
"Sir naman e!" angal nila. Sir. Xav's arrival at school took the eye of all the ladies in this campus. OLOPSC is a Catholic School pero kahit mga guro at staff sa canteen ay gustong - gusto siya. "Ang sabi ko mag practice lang kayo diyan!" he said.
"Huwag kang masyadong mahigpit sa mga bata, Red."
"I'm not usually strict pero ang mga batang 'to parang hindi pa nakakakita ng magagandang lalaki na gaya natin." Umiiling na giit ni Coach sa kaniya. He chuckled softly, saglit ng nagtagpo ang aming mga mata.
He softly smiled at me. Nagulat ako ng bigla s'yang tumakbo palapit sa akin, I was surprised when his arms reached right above me at gamit ang kanan n'yang kamay ay tila ba hinagkan niya ako. I heard my heartbeat, bigla itong tumigil ng dahil sa moment na 'yon. Mas lalo pa akong namatay ng maamoy ko ang pabango niya, gumuhit ito sa ilong ko na tila ba isang amoy na 'di ko malilimutan kailanman. Mahina akong napangiti sana biglang huminto ang oras para madama ko lalo ang bisig niya.
He looked at me. "Are you okay?" he asked me. Napatingin ako sa kamay niya at nakita kong nakahawak na ito sa balikat ko. Hindi ako nakasagot agad. "Ms. Rivas, are you okay?" muli n'yang tanong sa akin.
"Y-yes, sir!" He sighed. "Namumula masyado ang pisngi baka nabigla ka." Muli n'yang giit sa akin. Napahawa ako sa pisngi ko, nasobrahan ata ako sa lip and cheeck tint ko at mukha na akong kamatis sa harap niya. "Pangit po bang tingnan?" tanong ko sa kaniya.
"No, it doesn't look bad. Kaso lang bigla kang namula. Kailangan mo bang mag-clinic?" he asked me. Umiling ako bilang sagot sa kaniya. "Xavier! Natapon na ang Chuckie mo!" Coach Red said. Napunta naman ang attensyon niya kay coach
"Mag-ingat ka sa susunod. Mag focus ka sa practice mo." Giit niya muli sa akin.
Tumango ako sa kaniya bilang sagot. "Thank you po, Sir. Xav." Giit ko sa kaniya. He smiled at me at ginulo ang buhok ko. "Mag- focus ka na." He said at tumakbo siya pabalik kay Coach Red, napatingin naman si Coach at napailing na lang sa akin.
Lumapit sa akin ang mga teammates ko. Siniko ako ni Shaira at saka kinindatan. "Naks naman, anong kabutihan ang nagawa mo ngayon ha?" tanong n'ya sa akin. Hindi na ako nakasagot pa dahil naka-pocus na ako sa pag-alala ng kaniyang bisig sa aking katawan.
***
"MA'AM Michigo at Ma'am Jela, may gusto pa po ba kayo?" tanong ng katulong namin sa akin habang kumakain kami ni Ate Jela, my sister. Maraming costumer sa Cafe store namin kaya 'di pa nakauwi si Mama. Marami kasing mga estudyante ngayon kaya full pack ang mga tao. Umiling si Ate Jela sa kaniya at ganoon din ang ginawa ko. "Kailan daw dadalaw si Papa sa akin? Did Papa told you?" I asked her.
"Hindi po Ma'am e. Wala rin pong nababanggit ang Mama ninyo kung dadaan ba si Sir. Marco dito." Giit naman niya pabalik sa amin. My sister looked at me, "Alam mong may ibang priority si Papa, Michigo. Dadalaw siya kung kailan niya gusto. Don't go looking for it." Ate Jela told me.
"He promised me that he will come over, ate Jela." Dahilan ko sa kaniya. Napapikit si Ate sa akin, "Naiintindihan mo kung ano tayo nila Mama sa pamilyang ito diba?" tanong n'ya pabalik sa akin.I clenched my fist, we should be the our father's priority. Kung 'di niya kayang panindigan kami sana 'di na lang niya pinaparamdam na importante kami.
"Alam ko kung ano tayo, ate. Anak din tayo ni Papa dapat prioridad rin n'ya tayo." Sambit ko sa kaniya at saka ako tumayo sa hapag kainan. Tumakbo ako papunta sa aking kwarto at saka sinara ang pintuan. Napatingin ako sa aking computer at lumapit dito.
I pressed the enter on the keyboard at bumungad sa akin ang aking wallpaper. Napangiti ako agad ng makita ko ang litrato niya. "Nararamdaman kong malapit mo na akong magustuhan. Ang mga titig mo magiging akin na 'yan tuluyan. Ako ang magiging mundo mo. Sisiguraduhin ko 'yan." Napangisi ako habang hinahawakan ang maganda n'yang mukha sa screen.
Sir. Xavier....