Bellia’s Point Of View
When our class ended, tumuloy ako sa pwesto ni Jordan. Umupo ako sa kanyang harapan, sinulyapan niya ako at nagbigay ng ngiti. “Thank you, but Mrs. Casanova will help me to find my book,” aniya at umakmang aalis na.
Hinawak ko ang kanyang braso para pigilan na umalis. “Can I… Can I talk to you for a minute?”
Tiningnan niya ang kamay ‘kong nakahawak sa kanyang braso, binitawan ko ito dahil mukhang hindi niya gusto ang ginawa ‘kong paghawak sa kanya ng bigla.
“Sorry.” Paghihingi ko ng dispensa.
Umupo siya at binitawan ang hawak niyang libro. Tiningnan niya ako mula sa aking leeg hanggang sa mata, “Anong kailangan mo?” Mabait na tono na tanong niya.
Huminga ng malalim ang kaluluwa ko, “I saw someone staring at me outside the door, and at the oval, the whole time I guess, when she was supposed to enter the room, you were the one who entered. Now, Uh… Was that you? The one who is staring at me at the oval and outside the room?” tanong ko.
Wala siyang naging expression, tanging ang pagtitig niya lamang sa akin ang ginawa niya. Mabigat nitong pinipikit at minumulat ang kanyang mga mata sa harapan ko.
Binasa niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila at nagsalita, “I’m the one who entered the room, yes. But I did not stare at you the whole time; why would I do that then? We’re not even friends, stop bothering me, beyotch.” aniya.
Nabigla ako sa tinawag niya sakin kaya’t hindi ko napigilan ang sarili ko na hablutin ang kanyang kwelyo at ilapit ang mukha niya sa akin, tinitigan ko ito mata sa mata at nakikita ko sa kanyang kabilang mata na mayroon itong sumisilip na kulay pula, at ang kanan na mata niya ay purong itim ito.
Umiwas siya ng tingin sakin at humingi ng dispensa, “I’m sorry. I didn’t mean to say that kind of word to you. I’m sorry.”
Kumirot ang kaliwa kong mata kaya’t binitawan ko ang kanyang kwelyo at hinayaan nang umalis ng silid. Nang tingnan ko ang aking paligid ay nakatingin sa akin ang mga kaklase namin na nakatakip ang mga bibig.
Lumabas ako ng silid at naglakad lakad sa corridor namin, tumigil ako sa tapat ng room ng A-1, dumungaw ako sa building at tiningnan ang mga nagsisidaanan na mga estudyante.
Nasulyapan ng aking mata na may babaeng tumabi sa akin, tiningnan ko ito at natandaan ang tinuro sa akin ni Gabriel noon sa cafeteria, ito ‘yong babaeng may nunal sa panga.
Nang nakita ako nito ay binigyan ko siya ng ngiti. “Hi,” pagbati ko sa kanya.
Kaagad itong yumuko at umalis sa aking tabi, sinamahan ko siya tingin, sumulyap itong muli nang pababa siya ng hagdan.
Sinamahan ko ito ng tingin habang ito ay papunta sa direksyon ng hagdan pababa.
“You can’t talk to her like that. If you want to be her friend, just be nice to her, no talk, just be nice with your kindest smile,” sabi ng lalaki na tumabi sa akin at binigyan ako ng ngiti.
Nang makilala ko ito ay wala akong naging expression. Tumingin lamang ako sa tanawin na makikita rito sa puwesto ko.
Pansin kong tiningnan ako nito at tiningnan ang tinititigan ko, “The view is beautiful, isn’t it?” Tiningnan ko ito, “I’m Ygon Gil from A-1,” anito at inilahad ang kanyang kamay.
Hindi ko ito pinansin at ibinalik ang aking tingin sa tanawin. Suminghap ako ng hangin.
“Okay? You’re weird, just like your friend, Gabriel, I mean. So, how’s my sister?“ tanong nito.
Tiningnan ko itong muli dahil sa narinig kong tanong. “Jordan, you’re from A-3, right? My sister is from A-3 too. Wait, do not say that you both don’t have the same room? That’s freaking unbelievable.”
Tiningnan ko ito mula sa kanyang bulsa sa uniporme hanggang sa mata. “Will you please stop? You’re freaking talkative. Your sister is doing fine, okay?” sagot ko at saka na siya iniwan.
“Hey, lady! There’s something I wanna ask you,” sigaw nito.
Mabilis ko itong nilapitan. “Lady? Do you know what’s the meaning of lady?”
Ngumiti ito ng nakakaloko, “I guess so? Well, it’s no big deal, don’t be so sensitive, okay?” aniya at tiningnan ang aking ID. “So Bellia, how’s my—”
“Your. Sister. Is. Doing. Fine.” Pagdidiin ko sa rito.
“I know. You seem mad, huh? I mean, how’s my aura?” aniya at inayos niya ang kanyang necktie sa harapan ko.
Tiningnan ko ito na may halong pandidiri at iniwan siyang parang tanga sa corridor.
Bumaba ako mula sa aming building at pumunta sa oval. Pumunta ako sa pwesto ng babae kanina na nakatitig sa akin. Nang makarating ako sa saktong pwesto nito ay hinanap ko ang bintana namin kung saan ako nakaupo kanina, nang makita ko na ay napakalayo pala at napakainit kung tititigan ko ito hanggang mamaya.
“How can she stay on this spot and stare at someone who’s on the third floor? It’s summer, and it was probably 44° a while ago, it’s so weird yet creepy,” bulong ko.
“Belle!” rinig kong sigaw ni Gabriel, tumatakbo siya papalapit sa akin.
“Hi,” sabi ko at tiningnan ang bitbit niyang papeles. “What are those for?”
Tiningnan niya ang bitbit niyang mga papel, “Ah? These are for Mrs. Tuan, wanna come with me?”
“Yes. That would be great.”
“Come on, this is rush,” aniya at hinablot ang aking kamay.
Tumungo kami sa head teacher’s office, wala akong balak na samahan siya papasok dito ngunit hinablot niyang muli ang aking kamay at sabay kaming pumasok sa loob ng office.
Sa aming pagpasok ay simoy ng aircon kaagad ang aking naramdaman, iba ang simoy nito kumpara sa hangin na ibinubuga ng mga aircon sa bawat classroom. Walang alinlangan kong sinulyapan ang mga papel na nakatambak sa lamesa ni Mr. Valdeviezo, ngunit tinawag niya ako at sinenyasan na lumapit ako sa kanya.
Naglakad ako patungo sa kanya, “Ano ‘yon?” tanong ko.
Inilagay niya ang mga bitbit niyang mga papel sa isang lamesa na kulay pula. Kakaiba ang kulay nito kumpara sa apat na lamesa na nandito, kulay pula rin ang mga ito ngunit sobrang dark ang isang ito.
Narinig kong bumukas ang pintuan kaya’t inilingon ko ang sarili ko sa kung sino ang pumasok. Nagalakad papalapit si Mrs. Tuan sa aming direksyon at binigyan kami ng ngiti.
Binigyan ko siya ng daan upang makaupo siya sa kanyang upuan, hinaplos nito ang mga papel na inilagay ni Gabriel sa kanyang lamesa nang makaupo na siya.
Tiningnan niya kaming dalawa ngunit hindi nawawala ang kanyang ngiti, creepy. “Thank you, Gabriel and Bellia, you both can go out now,” aniya at hinawak ang kamay ni Gabriel.
Hinawak ko ang aking kamay at tumango na lamang. “Have a good day ahead, Ma’am.”
“Same as Belle, Ma’am.” sabi ni Gabriel at inunahan ko na siya sa paglalakad papalabas ng office.
Naramdaman ‘kong sinamahan kami ng tingin ni Mrs. Tuan papalabas ngunit hindi ko na ito binigyan ng pansin.
Huminga siya ng malalim. “She’s creepy, but honestly, she’s nice and kind.”
“Mm-hmm, siguro nasa kanya na talaga yung gano’n na kilos, ‘no? Maybe, she can’t help it,” sagot ko.
Bigla siyang napatigil sa paglalakad, “Ah! I forgot,” aniya at tumingin sakin, “Meron siyang anak, ang alam ko rito na rin nag-aaral ‘yong anak niya.”
That hindi-makapaniwala-look ang ipinakita kong reaksyon sa kanya, wala muna akong ibinigay na komento sa kanyang sinabi dahil dama kong may idadagdag pa siya.
Hinawak niya ang kanyang ulo, trying to recall something that he can’t remember.
“What are you trying to remember?” tanong ko sa kanya.
Ipinikit niya ang kanyang kaliwang mata, “I can’t remember his name, but he’s in A-1, perhaps.”
Inalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa kanyang ulo, nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod naman siya. Hindi ko sinabi sa kanya na nakilala ko na ang anak ni Mrs. Tuan, dahil kung sasabihin ko sa kanya ay baka kung ano na naman ang kanyang isipin tulad sa rati kong kinilalang lalaki rito sa University na sinabi ko sa kanya noon, iniisip niya lagi na pinapalit ko na siya bilang kaibigan sa iba kaya ako kumikilala ng iba.
Humarang siya sa aking dinadaanan, “How ‘bout you? Do you know Mrs. Tuan’s son?” tanong niya at patuloy pa rin sa paglalakad habang nasa harapan ko siya.
Umiling ako. “No, besides, ngayon ko lang nalaman na mayroon pala siyang anak. Kung itatanong mo rin sa akin kung anong pangalan ng asawa niya, you should ask her na lang.”
“Sungit, ah? Your day just started?”
Umiling akong muli. “Nope.”
Tumigil ito sa kanyang paglalakad at tiningnan ako sa mata. “Nothing’s wrong,” aniya at patuloy pa rin sa pagtitig sa aking mga mata.
Umiwas ako ng tingin at nagsimulang maglakad. Gusto ko ng oras upang makapag-isip ng matiwasay sa mga nangyayari sa akin ngayon at sa mga nakapaligid sa akin.
Binilisan ko ang aking paglalakad at iniwan siya sa hallway, pumunta ako sa laboratory dahil ito’y nakabukas, walang estudyante at guro rito, ngunit halatang katatapos lamang ng isang discussion at paggawa ng activity dahil mayroong mga hindi nakaayos at nakalagay sa lalagyan na kagamitan sa pag-e-experiment.
Naglakad ako patungo sa isang nakalabas na microscope sa isang table, inayos ko ang aking buhok at hinawak ito bilang ponytail habang nilalapit ko ang aking mukha sa microscope upang subukan ito. Ipinikit ko ang aking isang mata at tiningnan ang mga lumulutang na particles.
“Cute,” boses ng lalaki ang aking narinig.
Tiningnan ko ito habang nakahawak pa rin ako sa aking buhok.