CHAPTER FOUR

1637 Words
Bellia’s Point Of View Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto niya, maraming bagong gamit ang mga nandito, hindi ako makapaniwala na ganito na ang kanyang kwarto dahil matagal na rin nang isinama niya ako sa dorm niya. Umupo ako sa kanyang kama at hinawak ang lamp na ang disenyo ay pusa. “You still keeping this one? I thought you’d abandoned it?” Isinara niya ang kanyang cabinet at inabot sa akin ang magkaterno na damit at pajama, “This will suits you,” umupo siya sa aking harapan, “Yeah. Robert gave me that. I just can’t abandon that thing, you know? That was the only thing that he gave to me, madamot na Robert.” Natawa ako sa kanyang sinabi. Ang kanyang binabanggit ay ang kanyang ama na nangaliwa ng pamilya, he’s still alive pa naman panigurado, pero pinatay na niya ang ama niya sa kanyang panaginip at isip. “Seems like you’re still mad at him,” tanging lumabas sa bibig ko. Sumimangot siya, “Who wouldn’t be? We were doing fine until he got busy with his untrusting reasons. There are some days where he promised me that we will spend time together with mom, but I always end up waiting for him, for nothing,” aniya at nangingilid na ang mga luha.  Inabot ko ang kanyang kamay at hinawak ito, tumingala siya upang mapigilan ang pagbuhos ng kanyang luha. “He... He always forgets me and his promises. I can feel that he’s lying sometimes. I even asked him if he still loves his family, hoping that he will stop lying and will tell me how much he loves his own son and his wife, but he ended up letting us go without uttering a single word.” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti, “At the age of seven, he left me crying inside my mum’s closet, and he didn’t come back to see me again, at the age of seven, I want to punch my father nonstop,” ngumiti siya at binigyan ng tawa ang kanyang sinabi. Tumawa rin ako. “But I’m so thankful to God for giving me a friend like you, that was enough for me, having a friend who’s willing to listen to my rants in life. I even made you believe in my craziness, that is so awful for you.” Hinampas ko siya sa balikat. Hindi ito nagreklamo, sinabayan ko siya sa pagtawa hanggang sa humikab na siya. Nagkasalubong ang mga mata namin. Ang kanyang mga mata ay puno ng galit at lungkot, ngunit pilit ng kanyang labi ang maging masaya. “Thank you for existing in my life,” aniya at binigyan ako ng yakap. Hinaplos ko ang kanyang likod at kumalas din sa aming yakapan, “Matulog na tayo, we have class tomorrow, and we have to help Jordan to find her book.” Tumango siya at nagsimulang ayusin ang kanyang kama. “Sa sofa ako matutulog, my bed is all yours,” aniya at inilatag ang kanyang kumot sa sofa. Nginitian ko ito at humiga na sa kanyang kama, tinitigan ko ang kisame at nang pinatay niya ang ilaw ay nakita ko ang mga bituin at isang buwan na nakadikit sa isang plywood. “I can still remember those days, tayo ang mga nagdikit sa mga ‘yan sa plywood, look, hindi ko inalis, ginawa ko pang kisame. I don’t have a plan to remove them.” Natatawang sabi niya. Huminga ako ng maluwag, “Good night, Gab.” “Good night, Belle.” Sa kinaumagahan ay sabay kami sa pagpunta sa University. Salamat at mahimbing naman ang tulog ko kaninang gabi at walang naganap na kung ano-anong panaginip.  Tahimik kaming naglalakad habang kasabay ang mga kaunting estudyante papuntang University. Inabot niya ang isang terno ng kanyang earphone na kulay puti, tinanggap ko ito at napakinggan ang tumutugtog na kanta. Sinulyapan ko siya na ngayon ay nakangiti. “I love this song, Bohemian Rhapsody. It never gets old. And you know, earphones are not just earphones, for me it’s the best way to understand and appreciate music.” “I know. You were a big fan of Queen, until now, I guess,” sabi ko at tumingin sa aming nilalakaran. Hindi na ito umimik at sabay na lamang kaming naglakad habang nakikinig sa mga kanta. Ang mga nadadaanan at nagsisidaanan na mga estudyante ay nakatingin na sa amin, but it didn’t bothered us. “Hey, Gab, it’s been months since our last talk.” Tiningnan ko kung sino ang nagsalita at nakita kong may nakaakbay na lalaki sa kanya. Sinulyapan ko ang badge nito at nakita ang badge ng mga A-1 student. Mukha siyang mayabang at playboy na walang ambag sa classroom. Inalis niya ang kamay na nakaakbay sa kanyang balikat, “Yeah, we didn’t talk since I defeated you in our debate,” aniya at inalis ang nakapaloob na earphone sa kanyang tainga. Ngumiti ang lalaki at sinulyapan ako. “Hmm, same badge. She’s pretty, but not really,” sabi nito at tinapik ang balikat ni Gabriel, “I gotta go, wait for me at the cafeteria.” aniya at umalis na. Hinintay kong makalayo ang lalaki sa amin bago ako nagtanong sa kanya. “Who’s that?” Kinuha niya ang earphone na nakapasok pa rin sa aking tainga at inayos niya ‘yon at ipinasok sa kanyang bulsa. “It’s Ygon Gil, brother of Jordan Gil. Do you still remember when I won in the debate about emotions? He was my competitor. I can still see his tears glittering when I defeated him that day, he’s so pathetic.” Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko malimot ang sinabi niya tungkol kay Ygon hanggang sa makapasok na kami sa University, naghiwalay kami dahil mayroong tumawag sa kanya. Ilang minuto na lang din naman at magsisimula na ang first period namin. Pumunta ako ng cafeteria mag-isa at bumili ng isang balot ng cookies sa halagang kinse pesos. Dumaretso ako sa kung saan ang laging pwesto naming dalawa sa cafeteria, nang paliko na ako ay naramdaman kong muli ang malamig na parte ng pader dito. Tinitigan ko ito nang hindi pa umuupo sa upuan, mayroong dumadaan na estudyante sa aking harapan kung saan ang pader na tinititigan ko ngunit parang hindi niya ito naramdaman kaya’t nilapitan ko ang pader at hinarap ang aking kamay doon. “Ms. Laurent, what are you doing there?” rinig kong sabi ng babae na nagmumula pa sa exit ng cafeteria. Inilingon ko ang sarili ko sa nagsalita at nakita si Mrs. Casanova na papalapit sa aking direksyon. Ipinagdikit ko ang aking dalawang kamay sa aking palda at yumuko, “Good morning, Ma’am.” Tumango siya at nagsimulang ayusin ang kanyang salamin, “Five minutes remaining, the first period will start. You should eat your cookies inside your classroom while waiting for the first period, okay?” Mabait na sabi ni Mrs. Casanova kasama na rin ang paghawak niya sa aking balikat. Tumango ako at naglakad papalayo sa kanya. “Ma’am Coreen, Sir Arthur wants to see you at the headteacher’s office,” rinig kong sabi ng pamilyar na boses ng estudyante na lumapit kay Mrs. Casanova, hindi ko ito nilingon dahil abala ako sa paglalakad. Pumasok ako sa aming classroom at nakita ang mga kaklase ko na may sariling mundo, dumaretso ako sa aking upuan at inayos ang aking necktie. Nang nakaupo na ako ay sumilip ako sa ibaba kung saan ay maaaninag mo ang oval ng University, ipinikit ko ang aking mata at suminghap ng hangin. Nang buksan ko ang aking mata habang nakangiti ay nakakita ako ng estudyante na nakatayo sa gitna ng oval na nakatingin sakin, tinitigan ko ito ngunit bigla itong ngumiti kaya’t iniwasan ko ito ng tingin at hindi na binigyan ng pansin. Nagsimula ang klase namin nang hindi dumarating si Gabriel, hindi nagtanong ang aming professor kung nasaan siya at kung bakit hindi ito nagbigay ng excuse letter. Tahimik ang classroom namin, tanging ang tunog ng aircon lamang ang naririnig namin at ang tunog ng chalk na ginagamit ng professor namin sa pagsulat sa board. Nawala ang atensyon ko sa pakikinig, sumulyap akong muli sa oval namin, wala na ang estudyante roon, lumuwag ang pakiramdam ko at ibinaling ang aking ulo sa pintuan ng classroom. Sa aking pagtingin sa pintuan ay nakita ko roon ang estudyante na nakatayo sa oval kanina. Nakayuko ito, ngunit unti-unting tinitingala ang kanyang ulo at dumaretso ng tingin sa akin, lumapad ang ngiti niya at lumuha ng dugo. Lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil hindi ko makontrol ang aking sarili na alisin ang tingin ko sa kanya. Napansin kong papalapit ito at dahan-dahang binubuksan ang pinto, sumingaw ito at ikinagulat ko nang si Jordan ang pumasok sa aming classroom. “Okay, Jordan, so where did you just go? Bakit ngayon ka lang?” Tanong ng aming professor. “I’m sorry, Sir. I won’t let this happen again,” paghihingi ng tawad ni Jordan. Binitawan niya ang hawak niyang chalk. “No, it will happen again, and I will not allow you to enter this room if I’m your first period, you understand?” “Understood, Sir.” aniya at naglakad patungo sa kanyang upuan. Hinintay kong sumulyap ito sa akin ngunit nabigo ako, inilabas niya ang kanyang notebook at ballpen at nagsimulang makinig at magsulat sa mga sinasabi ng professor namin. Binalewala ko na lamang ito at nakinig na lamang sa aming professor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD