4

1564 Words
Chapter Four Manager Tots. Siya ang Diyos dito sa Angel's Heaven Club. In short AHC. Siya ang nasusunod sa lahat. Hindi nila ako pinalabas kahit na nagpupumilit ako. Fake na pagpipilit. Kasi kung gusto ko talaga, tiyak na nakalutang na ang mga ito sa Ilog Pasig. "Maligo kang mabuti. Tinatlo ko na itong mabangong sabon. Kahit pudpurin mo ay okay lang. Kailangan bumango ka. Lalo na ang pekpek mo." "Parang jina-judge mo naman ang pukelya ko. Mabango ito, 'no." "Tsk. Hindi ko na kailangan pang maamoy para lang masabi kong amoy panghi. Sa itsura mo pa lang ay alam ko na." "Tsk. Jina-judge ba naman ang pukelya ko. Mabango ito. Mapink-pink pa." "Wala akong pake d'yan. Maligo ka na. Para makapagsimula ka ng trabaho today." "Hindi ko kailangan ng trabaho, Bechie. Uuwi na ako sa amin." "Subukan mo lang, Bebang. Hindi ka pa man nakalabas ng club ay may bala na iyang ulo mo." "P-apatayin n'yo ako, Bechie? Bad iyan. Hindi ka papapasukin ni Lord sa langit." "Girl, ang tunay na langit ay nasa lugar na ito. Pera ang sinasamba namin dito. Anghel sa paningin namin ang mga parokyano rito. Tignan mo iyong mga girls dito. Dati'y sarat pa ang mga ilong. Ngayon ay nagtatangusan na. Alam mo kung bakit? Kasi afford na nilang magparetoke. Makakaipon ka rito, Bebang. Maganda ka naman eh. Tiyak na malaki ang makukuha mong tip. Magtiyaga ka lang. Kulang lang talaga kami sa tao ngayon." "Ayaw---" "Subukan mo lang ngayong gabi. Tapos kapag hindi mo talaga nagustuhan ay tutulungan kitang makaalis." Panghihimok nito. "Talaga?" ani ko pa. "Oo nga. Promise ko iyan sa 'yo. Sige na, maligo ka na. Aayusan pa kita." Nagpasya akong kumilos na papasok ng banyo. Napakadumi ng banyo. May ebak pa nga na binuhusan ko na lang para hindi ko makita. Ang sosyal sa labas, tapos ganito rito. Naligo ako. Sinabunan kong mabuti ang katawan ko. Pagkatapos ay nagbihis ako. May bagong underwear naman, kaso see-through naman iyon. Para lang iyong kulambo. Kung may bulbol ay tiyak kong lalabas lahat doon. Buti na lang malinis ang kapatagan doon. Halos hindi naman natakpan ang katawan ko. Ang malusog kong dibdib ay parang nais kumawala sa dress na suot ko. I think ito'y isang uniform. Kasi pareho lang ng suot ko iyong suot no'ng ilang babaeng nakita ko paglabas ko. Kita rin sa dress na ito ang pisngi ng pwet ko. Kaunting tuwad... langit agad. Ano ba naman itong panty nila? Labas agad pati dignidad. "Halika na rito! Malapit nang magbukas ang club. Darating na iyong mga parokyano natin. Uulan na naman ng pera. Galingan mong gumiling." "Te, magse-serve lang ng alak 'di ba? Eh 'di matatapon iyong alak kapag gumiling-giling." "Tanga talaga." Bulong ng babae na sinisimulan na ang pagma-make up sa akin. "Tanga pero maganda. Namamasura lang pero clear skin." "Isa pang komento mo sasaksakin kita." Natakot ata ito. Nanahimik. Habang abala ito sa mukha ko'y iyong ibang babae rito ay busy sa pagkembot. Nawiwindang pa ako lalo't bigla na lang may nagtwe-twerk. "Tapos na. Ang ganda mo, Bebang. Pero ang pangit ng pangalan mo. Palitan kaya natin?" "Hindi pwede. Bebang ang itawag n'yo sa akin." "Ang pangit kasi!" "No'ng nakita ko iyang mukha mo ay hindi naman kita nilait. Tapos ngayon nilalain mo iyong pangalan ko." Napatakip pa sa bibig si Bechie. Nakaka-offend ba iyong sinabi ko? Wala akong pake. "Bebang!" tawag ng manager sa akin. May sasabihin pa sana si Bechie pero hindi na n'ya nagawa. Agad akong tumayo. Gumuhit sa mukha ng manager ang amazement n'ya. Gandang-ganda ata ito sa akin sa mga oras na ito. "Mag-extra ka na lang kaya sa mga table?" ani nito. Hindi naman ata iyon ang gusto n'yang sabihin. Pero nagandahan sa akin kaya iyon ang lumabas sa bibig n'ya. "Naku! Pass ako d'yan. Aalis na talaga ako kapag pinilit n'yo pa." "Tsk. Ito na iyong apron mo. Ito iyong listahan at ballpen. Dito mo ililista ang mga order nila. Marunong ka naman sigurong magsulat." "Marunong po pero hindi po ako marunong mag-spelling." "Okay na iyon. Basta mauunawaan pa rin. Galingan mong mambola ng customer para marami kang mapa-order. Bibigyan kita ng dagdag sa sahod mo kung magustuhan ko ang performance mo." "Manager Tots, hindi po ako magtatagal. First and last ko na po ito." "Sinong may sabi? Ako ang magde-decide kung pwede kang tumagal o hindi. Galingan mo, Bebang. Obserbahan kita." Napatitig ako sa papel na ibinigay mo. "Hindi talaga, Manager Tots. Kahit i-under observation mo pa ako. Kapag dito ako nagtrabaho lalamigin ang pukelya ko. Tignan mo nga, oh." Tumalikod ako't tumuwad. "Kita agad ang pinto ng langit." "Hoy! Huwag mo sa akin ipakita iyan. Nananahi ako ng kiki." Mataray na ani ng baklang manager. "Doon ka sa mga customer maggaganyan. Tiyak gaganahan ang mga iyon. Mga gutom sa k**i ang mga iyon." "Tsk. Papasukin nga ng lamig." "Wala akong pakialam. Kilos na. Trabaho na." Nang hindi ako kumilos ay tumabi na sa akin iyong bouncer na may baril. Kaya bagsak ang balikat na kumilos ako. Sumunod sa utos ng manager. Bawat hakbang pakiramdam ko'y kinikiliti ang pwet ko. Sino bang nakaimbento ng panty na parang kulambo? Daig pa ng pukelya ko iyong ipinasok sa ref. Ang lamig kasi rito. Naka-aircon. Shiiit, tilapia na nasa ref ang dating. Tapos ganito lang ang suot. Nang lumabas ang mga girls ay lumabas sa mga bibig ng mga kalalakihan ang excitement. Mga server pa lang ang lumabas ay para na silang naulol. Si Bechie na kanang kamay ni Manager Tots ay alam kong nakasunod ang tingin sa akin. Tumingin pa nga ako rito na waring nanghihingi nang tulong, eh. "Punta ka roon sa table 5." Utos ni Karen. Base sa nameplate n'ya. Ako... Bebs ang nakalagay sa nameplate ko. "Wow, may new face." Puri ng isang lalaki sa table 5. Bale apat sila roon at lahat nakatanghod sa kagandahan ko. "Naku, ser! Walang bagong isda rito. Order n'yo po?" nagtawanan sila. "I mean new face, bagong mukha." "Ah, ayusin mo kasi ang pagbigkas. Ano pong order n'yo?" tanong ko ulit. Handa na akong magsulat. "Pwede bang maupo ka muna rito? Samahan mo kaming umisip ng pwedeng inumin." "Lah, wala na nga akong isip. Ipapatrabaho n'yo pa iyan sa akin. Kayo na bahala mga sir." Ewan ko ba, aliw na aliw sila sa akin. Nagbungisngisan sila. "Sige, 4 shots of tequila." "Ano, sir?" "Apat na shots ng tequila." Isinulat ko ang 4. Sunod ang tekela. "Tekela, sir?" patingin-tingin pa ito sa akin. "Yes, tequila." "Okay, tekela." Napabuntonghininga ang lalaki. "Beer. 10 bottles ng beer." "10 bottles of bir." Bigkas ko habang isinusulat iyon. "Mayroon pa po ba?" "Ano ang masarap na pulutan?" "Pulutan? Masarap iyong cornick lang, sir. Sisig din at isaw ng manok." Nagsalubong ang kilay ng mga rich boy na narito. "What's that?" tanong ng isa sa kasama n'ya. "I don't know. Iyon ang recommended ni Miss Bebs. Sige, iyon na lang." Lah, tinanong nila ako. Hindi ko naman recommended iyon. Sinabi ko lang iyong mga alam kong pulutan. Pero isinulat ko na lang din. "Kurnik, Sisig, at isew neng menok. Iyon lang po ba?" "Ikaw." "Ako po, masarap po ang steak at cold beer." "No, no, I mean ikaw? Pwede ka bang i-table?" "Grabe naman kayo, sir! Mukha po ba akong lamesa? May table naman po d'yan. Waitress lang po ako rito. Hindi lamesa." Napasimangot pa ako. Nagtawanan na naman sila. "Iyan lang pala. Pero kung magbago ang isip mo. Pwede mo kaming samahan dito. Bibigyan ka namin ng tip." "Pass na lang mga sir. Excuse." Nilayasan ko sila at lumapit ako roon sa counter. Tinanggap agad ni Bechie ang order slip. Tinitigan nito iyon. Saka napamura. "Tangina naman, Bebang. Maganda ka lang, pero bobo ka. Ano itong tekela?" "Iyon ang sabi ng mga lalaki sa table 5. Apat na tequila raw. Tapos sampung beer." "Beer ito, Bebang. Hindi bir." "Wrong spelling wrong ba rito, Bechie?" "Hindi." Tugon ng babae. "So, correct pa rin ako." Saka nito muling in-check ang order slip. "Hoy! Ginawa mo namang cheap itong club na ito. Anong kurnik? Walang cornick dito. Sisig pwede pa. Ano itong isaw? Gawa-gawa lang ng menu, girl?" "Ano bang alam ko?" nakasimangot na ani ko. "Tsk. Hindi mo kasi binitbit iyong menu. Ayon, oh!" turo n'ya sa patong-patong na menu. "Oh, ayon pala. Nagmukha pa akong mangmang doon. Oh, anong susunod kong gagawin?" "Mag-ikot ka pa. Tignan mo iyong wala pang waitress na nag-a-assist." Kumilos naman ako. Nakita ko ang table 9 na wala pang kumukuha ng order nila. Lumapit ako roon. May tatlong matatandang lalaki ang naroon. "Wow, may masarap na putaheng bagong dating." Bulalas agad ng isa. Ang tingin ay agad humagod sa katawan ko. "Mukhang masarap ito." "Naku! Kung ako po ang tinutukoy n'yo ay wala akong sa menu. Baka po gusto n'yong um-order na." Sabay abot ko ng menu sa kanila. About lang naman sa pulutan iyong nasa menu. Puro beers ang kinuha nila. "Kailan ka pwedeng order-in, Miss Bebs?" "Ay, hindi po available. Medyo expensive po ako." Pabirong ani ko. Sabay-sabay na naglabas ng wallet ang mga lalaki. "Magkano ka?" tengene nila. Bilhin ko pa mga buhay nila, eh. Isusumbong ko sila kay mommy ko. For only 299 pesos. Complete story ni Atalanta. Available na. Message n'yo lang po ako sa f****b or email n'yo ako sa writerannie18@g*******m para sa mga nais mag-inquire. Si Andeng po ay 299 pesos din po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD