3

1065 Words
Isang lumang-lumang apartment ang nirentahan ko. Tanging karton, lumang rice cooker, isang lagayan ng tubig, at isang dura box na luma na rin ang mayroon ako rito. Ang mga lumang damit ko'y naiayos ko na rin sa lagayan. Ito ang bahay na tutuluyan ko ngayon at sa mga susunod pang araw. Muntik pa ngang hindi iparenta sa akin no'ng may-ari. Paano ba naman kasi, bukod sa mukha akong walang pera no'ng dumating ako rito. Itong bahay n'ya ay kaunting anay na lang at bibigay na. Ang ipinagpapasalamat ko na lang ay malinis ang banyo. "Bebang?" kumatok sa pinto si Aling Juanita. Agad akong tumayo at lumapit sa pinto. "Aling Juanita, bakit po?" tanong ko sa babae. "Ayos ka na ba rito? Aalis na kasi kami. Dalawang buwan lang naman kami sa probinsya. Kung may problema ka rito ay magsabi ka lang sa kapitbahay. Iyong renta mo sa susunod na buwan ay ipadala mo na lang sa akin. Nakuha mo naman na ang number ko." "Opo." Sagot ko rito. "Alis na ako. Huwag kang mag-alala, wala namang loko-loko rito. Kaya kahit ganito ang tinutuluyan mo'y walang mangyayari sa 'yo rito." Tango lang ang isinagot ko. Gusto ko na itong itaboy, siguro'y napansin naman nito base sa expression ng mukha ko. Kaya pagkatapos n'yang magbilin ay umalis na siya. Mahirap ang character ko ngayon. Sa sobrang hirap ay naka-latest phone pa ako. Ay, hindi ko rin pala pwedeng kalimutan may ref na ipinahiram iyong landlady. Parang sa itsura'y kaunting hila lang sa pinto ay makakalas na iyon. Pero lumalamig pa naman daw, kaya pwede ko pang gamitin. Nilapitan ko iyon saka dahan-dahan binuksan. Punong-puno iyon ng laman. Mukha lang dapat akong poorita, pero hindi naman pwedeng gutumin ko ang sarili ko. May mga pwede pang pang-steak sa pabaon sa akin ni mama. Pwede rin akong mag-Italian pasta, dahil marami akong groceries at kompleto sa rekado iyon. Dahil tinatamad akong magluto ay nagpasya akong lumabas na muna. Sa labas na lang ako kakain. Medyo lalayuan ko na lang, para hindi ako makilala ng mga new neighbors ko. Naglakad lang ako patungo sa sakayan. Mahabang bestida ang suot ko, abot hanggang sakong. Pati ang sleeve ay gano'n din. Tirik na tirik ang araw. Pero ganito ang ayos ko. Medyo magulo pa nga ang buhok, dahil no'ng umalis ako sa bahay ay wala si mama na siyang tagasuklay ko. "Manong, sa Master's Restaurant po." Utos ko sa driver. Takang tinitigan pa ako nito. Kaya naman ipinakita ko rito ang pambayad ko. Saka lang nito pinatakbo ang sasakyan. Pagdating sa restaurant ay agad akong nag-order ng pagkain. Maganda talaga ang serbisyo rito. Kahit ano pang itsura mo, maayos ka nilang pagsisilbihan. Kaya nga hindi ako nag-alinlangan na bigyan ito sila ng tip. Sa sobrang tuwa ko sa kanila ay nakalimutan ko pang magtira nang pamasahe ko. Kaya ito, naglalakad ako. Namumulot na rin ng mga basurang pwede kong ibenta at ng may maipamasahe ako. Medyo malayo-layo na ako. Ang tagal ko rin kasing tumambay sa restaurant. Nagpakabusog ako. Ngayon parang mawawala na ang kabusugan ko dahil sa kalalakad ko. Papadilim na. Saglit akong huminto sa basurahang may kalakihan, at nagtingin-tingin ng mga pwedeng pakinabangan. "Psst!" sitsit sa akin ng babaeng putok na putok ang blush on. Huminto ako sa pagkalkal nang basurahan nila. Tinitigan ko lang ang babae. Medyo madusing pa lang ako, pero alam kong mas maganda ako kumpara sa mga babaeng nakahanay na sa labas. Kahit na papadilim pa lang. "Ang ganda mo, ah! Basurera ka lang?" ani nito. Pinuri nga ako, pero may kasama naman iyong insulto. "Hindi 'lang' ang pagiging basurera." Sagot ko. "Tignan mo, nakaipon na nga ako. Pambigas na rin ito." "Tsk. Mas malaki ang kita rito. Mas busog ang pamilya. Makukuha mo pa ang mga luho mo sa katawan. Gusto mong subukan? Kulang kasi kami ngayon. Nabuntis iyong isang kasama namin. Ibinahay na no'ng parokyano n'ya." Umiling ako. "Hindi. Ayos lang ako rito." Saka ko ipinagpatuloy ang pagkalkal sa basura. "Server? Ayaw mo? Magse-serve ka lang ng alak sa customer. May 1k ka na agad." "Ang laki naman no'n." Umiling ako. "Ganito talaga ang presyuhan dito. Tataas pa iyan kapag makinis ka at masikip." "Masikip? Magse-serve lang ng alak, kailangan pang masikip?" salubong ang kilay ko. "Aba! Malay mo naman matipuhan ka ng mga parokyano. Yayaman ka rito." "Matagal na kayo rito?" tanong ko. Sabay turo sa signage ng club. "Oo." Sagot nito. "Bakit hindi ka pa mayaman?" nagtawanan iyong mga babae na nakaupo. "Bruha ito! Nagpapayaman pa lang. Kaya ikaw... huwag mong aksayahin ang sarili mo sa pamamasura. Dito kahit sa basurahan ay makakapulot ka ng pera." "Pera rin ito." Iniangat ko ang sako. Oo, nakaisang sako na ako kalalakad. "Barya lang iyan. Dito mabubusog ka pa. Sa pera, sa pagkain, at sa lalaki. Sayang ang ganda mo, hija. Halika na. Subukan mo lang." Lumapit na talaga ito nang tuluyan. Hinila ako. Kahit na sinabi kong ayaw ko. Pagkakataon ko na ito para pumasok sa lugar, nilagyan ko na lang ng kaunting pagtanggi. Pagpasok pa lang ay agad tumambad ang masakit na ilaw na maharot na gumagalaw. Iba't iba pa ang kulay kaya talagang nakakairita. "Manager! Tignan mo itong basurerang nakita ko sa labas. Ang ganda nito. Pwede ipalit kay Sushie." Bahagyang na alerto ang tenga ko. Isa si Sushie sa listahan ko na kailangan kong hanapin. "Basurera?" lumapit pa ang manager na agad sinuri ang itsura ko. "Makinis ba ito? Tsk. May ibang amoy? Amoy mapanghi." Mapanghi? Ako? Hindi, ah. Naghugas ako ng pukelya ko kanina. "Pwede namang maligo, manager. Tiyak kong kapag naayusan ito'y tiba-tiba tayo rito." Ngising-ngisi pang ani ng babae. Tinignan namin ang baklang manager. Waring nag-iisip. "Gusto mo na, hija?" tanong sa akin. "Hindi po. Balik na lang ako sa pagkalkal ng bote." Akmang aalis na ako nang harangin ako ng dalawang bouncer. "Sinong may sabing pwede kang umalis? Dito ka. Balik dito." Itinulak pa ako ng isa pabalik. Nakasimangot na tinignan ko ang lalaki. Dahil itinulak ako nito. Parang magandang gamitin dito iyong bagong gamot na naimbento ko. Imbento ko lang iyon, inspired na inspired ako kay Tatiana, eh. Nag-iimbento ng gamot. Hindi para makagamot. Iyon lang iyong gamot na kinatatayuan ko. Sarili kong gawa, pero sa mga pangit na may sungay ko lang gustong ipagamit. Kapag nalaman kong isa ito sa mga bad boy sa lugar na ito, lagot s'ya sa akin. Markado na agad siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD