5

1647 Words
Chapter Five "Bechie," nakasimangot na lapit ko sa babae na abala sa harap ng computer. "Oh?" ani nito. "Bastos iyong nasa table 11." Reklamo ko rito. Nilayasan ko, sinalo na lang no'ng isang waitress. "Oh, bakit? Hinawakan ka ba? Anong ginawa sa 'yo?" "Tinanong ko kung anong gusto nilang pulutan. Finger daw. Ang bastos-bastos nila." Gigil na ani ko. "Tanga, ano ba ang iniisip mo sa finger na iyan?" "Finger... iyon ano... Basta! Ang bastos nila." "Ano bang sinabi?" "Finger dude raw." "Bukod sa tanga, bingi ka rin pala. Baka naman finger foods?" "Oh, kahit mali ako nang pagkakarinig ay bastos pa rin. Bakit ko fi-finger-in ang foods? Napakababoy naman no'n." "Pumasok ka muna sa loob, Bebang. Baka magbasag na ng bote ang customer sa kabobohan mo." "Sige." Sagot ko rito. Pero hinarang naman ako ng bouncer no'ng akma na akong papasok. "Bawal kang umalis. Maupo ka na lang at maghintay roon sa mga table na pinag-serve-an mo. Baka may kailangan pa sila." Sumunod na lang ako. Naupo ako sa tabi ni Bechie. Pinagmasdan ko ang buong club. Iyong abot lang naman ng tanaw ko. Halata namang mga yayamanin iyong mga customer ng club na ito. Nang mapalitan nang maharot na tugtugin ay lahat ay napabaling ang tingin sa stage. Mayamaya pa'y nasa entablado na lang nakapwesto ang ilaw. Binigyan nang spotlight ang isang hawla na paangat na mula pa sa ilalim ng stage. Sa hawla na iyon ay may babaeng nakakadena. Props lang ba iyon? O, ikinadena talaga siya roon? Naging alerto ako. Nagsigawan ang mga kalalakihan at napapalakpak pa ang mga ito. Parang mga uhaw na uhaw sa babaeng nasa loob ng hawla na ang tanging saplot ay panty at bra lang na waring gula-gulanit pa. No'ng una'y takot na takot ang itsura nito. Pero nang tumayo ito at humawak sa bakal na hawla at nagsimulang gumiling ay na realize ko parte iyon ng performance nito. Ilang kalalakihan ang lumapit sa entablado at naghagis ng pera. Lumabas ang babae sa hawla, mas nakita ko ang ka-sexy-han nito. Nakakadena pa rin ang isang paa at isang kamay nito. Ngunit hindi iyon naging hadlang para damputin ng babae ang mga perang nakakalat sa sahig. Gumiling-giling ito na ikina-excite ng mga kalalakihan. Iyong isa ay inabot pa nga ang pang-upo ng babae at pinalo iyon. Tinawanan lang ng babae, saka lumipat sa kabilang side kung saan may naghihintay rin. Nang tumuwad-tuwad ang babae ay siniksikan pa ng pera ang underwear nito. Hinayaan lang din nitong salatin ng isang lalaki ang gitna nito. It's not fine. Naaawa ako sa babae. Kailangan pa n'yang gawin ang ganoong bagay para lang sa pera. "Hoy!" umupo sa tabi ko si Bechie. "Kawawa s'ya, Bechie. Kailangan n'ya pang gawin iyan para sa pera." "Lahat ng tao rito... ginagawa namin ang mga trabaho namin para sa pera. Ikaw rin." "Hindi, ah! Kung hindi n'yo lang ako pinigilan kanina ay kanina pa sana ako nakauwi. Eh 'di hindi sana nilalamig ang pukelya ko ngayon. Umalis na lang kayo rito, Bechie. Marami pang trabaho na pwedeng pasukan. Kung gusto mo'y sumama ka na lang din sa akin." "Tapos? Anong trabaho?" angat na angat ang peke nitong kilay. "Assistant." Tumawa ito. "Siraulo. Kailangan pa ba ng pulubi na katulad mo ng assistant? Ani iyon, tagapulot ka ng plastic at lata. Tapos ako naman ang tagahawak ng sako? No thanks. I'm very fine here. Mas malaki ang kita rito." "Kung malaki ang kita ay nakapag-ipon ka na ba? Mag-business ka na lang kaya?" "Anong business naman?" tanong nito. "Junk shop. Sa 'yo ko ibebenta ang bote, plastic, at lata. Exclusive lang ako na magbabagsak sa 'yo. Para may mapanghawakan ka na sa 'yo lang ako magiging loyal ay pwede tayong gumawa ng kontrata." "Ang lakas ng tama mo, Bebang. Nakakatangina iyong suggestion mo. Iyong sa ipon... malayo pa. May mga kapatid pa ako na pinapaaral. Tatlo sila. Allowance araw-araw ay tatlong libo sa tatlong iyon." "Tatlong libo?" gulat na ani ko. "Oo. Tag-iisang libo sila. Pamasahe at pagkain nila." "Grabe! College na ba sila?" ani ko. "Junior high school." "Sa exclusive school ba?" "Hindi. Sa public school." "Sana pala naging kapatid mo na lang din ako, Bechie. OA nanan ng isang libo sa isang araw." "Iyon daw kasi ang tamang amount na kailangan nila para makapag-aral sila nang maayos. Kaya pagkatapos ko sa counter, nagpapa-table ako. Kapag natiyempuhan na gusto akong iakyat sa VIP room ay pumapayag ako. Mayayaman ang mga tao rito, Bebang. Kayang-kaya sa isang gabi ang 10k. Higit pa kapag bigatin talaga ang titira sa'yo." "Gusto n'yo ba talaga ang ganitong trabaho?" ani ko. Alam ko namang marami sa kanila rito ay dahil sa kahirapan kaya sila narito. For sure napipilitan lang ang mga ito. "Siyempre hindi! Pero mas mabilis ang pera rito, Bebang. Kaya kahit i-judge ako ng mga tao. Wala akong pakialam." "Alam ba ng mga kapatid mo na ganito ang trabaho mo?" "Ang alam nila ay call center ako. Panggabi. Hindi nila alam na ang ate nila na gabi-gabing umaalis ay pokpok dito sa club. Call center to call girl real quick." Tumawa pa ito. Wala namang nakakatawa roon. Ang lungkot nga ng kwento nito. Kung pwede lang bigyan na lang ito ng milyones para makaalis siya ay willing akong gawin. Kaso kasi may misyon ako rito, eh. "Matagal ka na rito?" "Limang taon? Oo, limang taon na ako rito. Dati'y tulad mo lang din ako. Si Manager Tots ang naka-discover sa akin." "Marami na bang nagtrabaho rito?" "Siyempre naman. Iyong iba inasawa na rin ng mga naging customer nila. May sikat ngang model ngayon na galing dito." "Totoo?" "Oo, siyempre quiet lang kami. Bigatin iyong napangasawa n'ya. Governor." "Ikaw? Wala bang nagbalak na ialis ka rito?" "Sa totoo lang... hiling ko na sana'y walang magbalak. Mas mapanganib... ay, wala iyon. Kalimutan mo na. Basta kung saan ang pera ay roon ako." Para siyang natauhan sa mga sinasabi n'ya. Nang maghiyawan na naman ang mga customer ay bumalik sa stage ang tingin ko. Wala na palang saplot ang babaeng naroon. Ang sakit sa mata na makakita ng gano'n. Mas sanay pa akong makakita ng mga bangkay, wakwak, pugot ang ulo, at duguan. "Sikat iyan dito. Siya si Miraflor. Mga bigating customer natin ang gabi-gabing iniaakyat siya sa taas." "Talaga?" "Oo. Gustong-gusto n'yang nagsasayaw muna. May kasunduan kasi sila ni Manager Tots na 50/50 sa tips. Iyong inihahagis sa stage. Tapos pagkatapos sumayaw ay aakyat na iyan sa VIP room kasi si Manager Tots na ang bahalang pumili sa mga naka-line up na customer. Mas higher ang bayad... akyat agad sa langit. I mean doon sa taas, sa VIP kung nasaan si Miraflor." "Siya lang ang gano'n?" "Hindi, ah! Kita mo iyang mga nasa screen?" tumingin ako sa screen na itinuro nito. May limang babae ang paisa-isang lumilitaw roon. Larawan at video ng mga babae na obvious na magaganda. "Sila ang pinaka-angels ni Manager Tots. Hindi na nila kailangan pang bumaba rito para magtrabaho. Dahil gabi-gabing may customer sila. Hindi sila tumatanggap ng mga saktong bayad lang. Mga rich talaga ang gumagalaw sa kanila." "Kawawa naman sila." Napabuntonghininga ako. "Naawa ka na naman? Kapag nakita mo ba sila ay iimbitahan mong mag-bakal bote na lang?" "Oo." "Naku! Hindi papatol sa gano'n trabaho ang mga iyon. Pera ang mas importante sa amin. Kaya naman tanggapin mo na lang na ganito ang buhay na meron kami. Baka kapag nasubukan mo nang kumita nang malaki rito ay makalimutan mo na ang dati mong buhay." Siguro pagkatapos ng misyon ko ay ako na mismo ang magbibigay sa kanila ng bagong buhay. For now, wala pa akong magagawa. Nang kumaway ang customer sa table #11 ay iniwan ko saglit si Bechie. "Miss Bebs, sayaw ka naman dito sa table namin." Naglabas pa ng makapal na pera ang isang lalaki. Sa dibdib ko nakatitig ang lalaki. "Pasensya na, waitress lang po ako rito." "Tawagin mo ang manager mo. Siya na lang ang kakausapin namin. Mukha kasing mas masarap ka pa sa pulutan. Baka nga'y matikman ko lang iyang p********e mo ay malasing na ako." Gago ito, ah! Bastos. Nai-imagine ko na ngang inuhahampas dito ang bote ng alak. Pero nagpigil pa rin ako. "Magkano ka na, Miss Bebs?" ilang table na ang sumubok bumili sa akin sa unang gabi ko rito. Pero tumanggi ako. "Sa iba na lang po. Kung gusto n'yo ay kakausapin ko iyong mga kasama ko---" "Ikaw nga ang gusto namin." Giit ng isa. Saka ibinato sa pwesto ko ang sampung libong papel. Pero tinignan ko lang iyon. "Matigas din talaga ito. Mas lalo tuloy akong tinitigasan." Napadila pa ito sa labi n'ya saka humagod ang tingin mula paa hanggang ulo ko. "Hindi ko po trabaho iyan, excuse me." Tumalikod na ako. Pero tumayo ang isa at pinigilan ako. 'Hindi ko siya pwedeng balikan ng leeg ngayon.' Iyon ang paulit-ulit kong bulong sa sarili ko. "Bitaw, sir!" pilit kong binawi ang braso kong hawak ko. Kaya ko naman. Pero hindi ko iyon kailangan gawin. Lumapit na si Bechie sa amin at ang dalawang bouncer. "Bosing, bawal iyan." Paalala ng bouncer na may pangalang Eman sa suot n'yang itim na t-shirt. Binitiwan naman ako ng lalaking nagpipilit. "Tangina, tawagin n'yo ang manager ninyo. Itong babaeng ito ang gusto ko." Sabay turo n'ya sa akin. "Ako ba ang hanap mo?" tanong ni Manager Tots. "Gusto ko siya." Deretsong ani ng lalaki na ako pa rin ang itinuro. Habang patuloy lang sa kasiyahan iyong ibang customer. Ito namang lalaking ito ay gumagawa ng eksena. Lumapit ang baklang manager saka bumulong sa lalaki. Pero matalas ang pandinig ko. "Mahal iyan. Kaya mo ba?" "Magkano?" "100k isang gabi." Sagot ni Manager Tots. Parang gusto kong i-uppercut ito. 100k? Sobrang cheap naman. AUTHOR'S NOTE: SINO PO ANG GUSTONG MABASA ANG STORY NI ATALANTA? MURA LANG PO. MAS MAKAKATIPID PO KAYO SA COINS. KASI IYONG COMPLETE NA PO. HIHI S0FT C0PY PO ITO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD