6

1600 Words
Chapter Six "Manager Tots, ayaw ko. Hindi pang-100k lang ang beauty ko." Singit ko sa usapan nila. "Aba! Kung mataas ba ang bayad ay payag ka?" ani ni manager. "Basta po ako po ang magprepresyo." "Magkano ka?" nakakainsultong ani ng lalaki. "50 milyon. Kung kaya mo ay makukuha mo ako. Virgin. Ma-pink pa ang pukelya." Nagtawanan ang mga kalalakihan. "50 milyon? Ano iyang p********e mo? Gold? May mahuhukay bang kayamanan d'yan?" "Walang gold, pero kaya kang dalhin sa langit." Nai-imagine ko pang nang-head lock ang aking pukelya. Unbelievable. "Pass. Mas marami pang babae d'yan. Hindi ako gagastos ng ganyan kalaking halaga para lang sa 'yo." "Mabuti naman. Hindi rin kasi kita gustong matikman." Hinila na ako ni Bechie. Sumunod si Manager Tots. "Grabe ka sa 50 million. Hindi ka gold, Bebang. Baka nga halagang 1500 ka lang." Nakakainsultong ani ni Manager Tots. "Aba'y kung gusto mong i-check ang pukelya ko, manager, ay okay lang. Para ma-gets mo kung bakit worth 50 million ito." "Yuck! Bakit ko iche-check iyan? Kadiri ka. Kahit ako pa ang bigyan ng 50 million ay hindi ko titignan o hahawakan iyan. Kasuka." Umiling-iling pa ang baklang manager. "Balik na sa trabaho. Para naman may silbi ka." Tinabig pa ako nito. Balik tuloy ako sa trabaho. Sa club na ito ay kahit ata may mag-s*x na rito mismo ay parang normal lang. May mga babae rito sa club na nagpa-table na. Iyong iba ay para na ngang pinaglalaruan ng mga kalalakihan ang katawan nila. Pero tuwang-tuwa pa sila. Sa kasagsagan ng mga tao sa club na ito ay medyo napagod din ako sa pagtratrabaho. Iyong ibang nakainom na ay medyo maiksi na kasi ang pasensya kapag hindi agad nai-serve ang alak nila. Hating gabi, may mga bigating customer na dumating. Sinalubong agad sila ni Manager Tots at in-assist patungo sa private room kung saan paakyat sa mga VIP rooms. Parang na curious ako't nangangating sumunod pero alam ko pa rin namang kontrolin ang sarili ko. "Tiba-tiba na naman ang mga babae sa taas. Sana kailanganin pa nila ng isa. Aakyat talaga ako." Halos pabulong na ani ni Bechie sa akin. "Sino naman iyong mga dumating?" "Mga bigating tao." "Naka-facemask." "Hindi talaga nila ipinapakita ang mukha nila. Iyong mga babae lang doon ang nakakakita sa mga itsura ng mga iyan." Kung gusto kong makita ang mga mukha ng mga iyon ay kailangan kong maging parte ng private room girls. Eme. Ano bang dapat kong itawag sa kanila? Exclusive pukelya? Private pukelya? Expensive pukelya? Ah, bahala na. "Nacu-curious ka na ba sa kinikita nila?" tanong nito sa akin. "Hindi. Mas gusto ko pa ring magbenta ng lata, plastic, at bote. Nakakapag-explore pa ako." "Nakakapag-explore?" "Oo, minsan nakakarating pa ako sa mga iba-ibang bayan. Tapos nakakatulog din ako kung saan-saan. Ikaw ba nakakapag-travel ka?" "Kung iyong pangangalakal sa ibang bayan ang tinutukoy mo ay kahit hindi na lang ako mag-travel." Sarcastic na sagot nito. "Bahala ka. Ang boring ng buhay mo kapag hindi mo i-try." "Kahit hindi ko na lang maranasan." Umiling-iling pa ito. Maraming customer pa ang dumating no'ng bandang 1 am na. Kaya naman 5 am na ng ianunsyo ni Manager Tots na magsasara na ang club. Umalis na rin iyong mga umakyat sa VIP room. "Uuwi na po ako." Paalam ko kay Manager Tots. "Sinong may sabi? Dito ka na matulog, Bebang. May mga silid na extra rito." Nakapagpalit na ako. Bitbit ko na rin iyong mga dala ko kanina. Bukas naman ang pinto. Kailangan mabilis ang takbo ko oras na pigilan nila ako. "Ayaw ko, aalis na po ako." Saka kumaripas ako nang takbo palabas. Sinubukan pa nila akong habulin pero binato ko sila ng lata. Takbo ako nang takbo. Hanggang sa makalayo ako. Kung gusto talaga nila akong maging empleyado roon ay tiyak na hahanapin ako ng mga ito. Kailangan kong medyo magpakipot para pwede akong mag-demand sa kanila. Dahil hindi ko naman nakuha iyong sahod ko sa pag-extra roon ay naglakad-lakad na lang ako habang namumulot ng basura. Nakarating ako sa bahay na inuupahan ko pasado alas-10 na. Gutom, tapos inaantok pa. Naligo muna ako saka nag-init ng pagkain. Gutom na gutom ako, tapos antok na antok pa. Hindi ako pwede sa gaanong trabaho. Baka kung gabi-gabing naroon ako ay baka tulugan ko lang ang misyon ko. Pagkatapos kong kumain ay inilagay ko lang sa lababo ang mga pinagkainan at natulog na ako. "Ah, bilisan mo! Baka dumating na ang mga bata galing sa school." Napabalikwas ako dahil sa halinghing sa kabilang dingding. Parang iniipit ang pukelya no'ng humahalinghing doon. "Sige pa! Sige pa! Ayan na... ayan na malapit na." Hindi ba alam ng mga ganitong kapitbahay kung anong oras pa lang? 2 pm. Base sa orasang nakasabit sa dingding ay 2 pm pa lang. Bukod sa sobrang init ay oras nang tulog sa tanghali. Tapos gagawa sila ng ganitong milagro? The heck. Sinira nila ang masarap na tulog ko, eh. Mayamaya pa ay parang nililindol na sa kabilang bahay. Iyong dingding na halos magkadikit ay parang niyayanig. "Hoy! Magpatulog naman kayo." Inis na ani ko sabay bato ng unang sa dingding. Saglit na nagkaroon nang katahimikan. Pero ang sunod na pag-iingay nila ay hindi na talaga nagpapigil pa. Naghintay pa ako ng sampung minuto ng may magsalita sa kabilang bahay. "Pasensya na, ineng. Ito lang kasi ang oras namin." "Grabe kayo! Hindi ba pwedeng gabi na lang?" nanlalaki ang matang tanong ko sa kanila. "Hindi kasi pwede. Nandito kasi ang asawa ko sa gabi." Ay, putengene! Ibig sabihin ay hindi asawa ng kausap ko iyong kumakana sa kanya. Nalolokang humiga ako ulit. Cheater pala ang mga istorbong ito. Sinubukan kong matulog ulit. Pero parang kahit nakaraos na ang mga kapitbahay ko'y parang naririnig ko pa rin iyong halinghing no'ng babaeng iniipit ang pukelya. Kaya imbes na matulog pa ay nagpasya akong mag-ayos at magtrabaho na lang ulit. Lumabas ako ng bahay na may bitbit na namang sako. Hindi na ako nagsuklay, hindi na nga rin naligo. Kung ano ang itsura ko no'ng nagising ay iyon na iyon. Hindi ko nga rin alam kung bakit clear skin pa ako kahit napaka-unhygienic ko. Hindi na rin ako sumakay. Gusto kong kabisaduhin ang mga daan. Nakarating ulit ako sa club. Maraming laman na basura ang basurahan nila. Nagsimula akong nagkalkal. May mga calling card doon na isinama ko sa pinulot ko. May mga condom pa roon na parang wala lang na dinampot ko at sinipat. "s**t, XXL ito ah! Kaninong ari naman kaya ito? Pang-big man ang titi." Binitiwan ko iyon. Iyong mga beer bottle ay pinagkukuha ko. "Sabi ko na nga ba'y makikita ulit kita rito." Nakita ko si Bechie. Putok na putok na naman ang makeup n'ya. "Huwag mo muna akong kausapin, Bechie. Working hours ko ngayon. Pero kung gusto mong tumulong ay pakihawak na lang itong sako." "Tsk. Seryoso ka ba talagang mas pipiliin mo iyan kaysa iyong mabilisang pera?" "Hawakan mo na ito. Bibigyan na lang kita sa mapagbebentahan." Sagot ko. Binalewala iyong mga sinabi nito. "Nakikinig ka ba sa akin? Nasasayangan talaga ako sa ganda mo. Girl, bet na bet ka rin ni Manager Tots. Kung gusto mo raw ay bibigyan ka n'ya agad ng kwarto sa itaas. Isasama ka n'ya sa mga VIP girls n'ya." "Ayaw ko, Bechie." Inirapan ko pa ito. May nakita akong tinapay sa basurahan. Naka-plastic pa iyon at hindi pa nabuksan. Kaya dali-daling binuksan ko at sinimulan kong kainin pero pinalo nito ang kamay ko kaya nahulog ulit sa basurahan. "Ano ka ba naman? Ang dumi-dumi n'yan." "Mas marumi naman iyong ginagawa---" "Namin? At least may pera kami at hindi namin kailangan mamulot ng basura para makakain. Magtrabaho ka na rito, kumbinsihin daw kita sabi ni manager. Hindi ka namin pipigilang lumabas. After ng trabaho sa club ay pwede kang umuwi. Pwede ka ring um-absent, mag-leave, pero kompleto pa rin ang sahod. Dali na, Bebang." Nakikiusap na ani nito. Saglit akong nag-isip. "Kapag nagtrabaho ako d'yan tapos tinamad ako, pwede akong magpahinga at matulog muna?" "Oo, pwede iyan! Sasabihin lang natin kay manager para mabigyan ka ng kwarto sa itaas." "Sure ka?" "Oo nga. Pwede ka ring tumanggi sa customer. Nakadepende sa 'yo kung gusto mong magpa-table o magpatira. Sa bagay na iyan ay kayo na ni manager ang mag-usap. Kung paano ang hatian ninyong dalawa." Hinawakan na nito ang sako. "Halika na, kailangan kasi talaga namin ng extrang babae rito sa club. Kung gusto mo ay pakainin pa kita. Libre ko na." Hinayaan ko siyang hilain ako. Pagpasok sa club ay abala na iyong mga maglilinis doon. Malawak na napangiti pa si Manager Tots nang makita ako. "Nakumbinsi mo na ba siya, Bechie?" "Oo, manager. Bebang, payag ka na 'di ba?" "Payag na ako pansamantala. Kapag may kapalit na ay aalis na ako." Saglit na nagkatinginan ang dalawa. Saka pareho silang tumango. "Sige, hindi rin naman siguro ito magtatagal." At nagkasundo na nga kami. Pinakain muna ako nito. Binusog. Saka ininsulto na naman dahil ang baho ko. "Ang baho mo na naman, Bebang. Ilang basurahan na naman ba ang kinalkal mo?" Nagbilang ako sa aking isipan. "Trese. Kotang-kota ako ngayon, Bechie. Bibigyan kita kapag na benta ko ang mga iyon." "Tsk. Ilang sabon na naman ang kakailanganin mo n'yan. Ang baho mo kasi talaga. Why not iyong basurahan na lang sa likod ang kalkalin mo habang hindi pa nahahakot? Gano'n na lang, girl. Kaysa kung saan-saan ka nagkakalkal." "Pwede?" tanong ko agad dito. "Pwede. Parang bisyo mo na iyang pagkakalkal ng basura. Kaya roon na lang." Ayos, baka may makuha ako sa basurahan na iyon na pwedeng maging lead ko sa misyon ko na ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD