JAM POV.
HALOS lahat ng sulok ng kabahayan ay akin nang pinuntahan. Subalit hindi ko talaga makita si Aji, kaya lumabas ako ng bahay. At natagpuan ko ang aking hinahanap. Naroon ito sa likuran at nakahiga sa isang bench.
“Kanina pa kita hinahanap ay naririto ka lang pala?” subalit hindi man lang niya ako sinagot at wala rin reaksyon. Akmang sisigawan ko na siya nang mapagtanto kong masarap pala ang tulog. At ngayon ko lang na pagmasdan ang kabuuan ng babaeng ito. May pagka inosente, maliit na mukha at manipis na mapupulang labi. Gano’n din ang napaka ganda nitong kutis at balat na napakakinis.
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na binuhat ito papuntang kwarto. Inilapag sa ibabaw ng malapad na kama at inayos ang pagkakahiga. Pagkatapos ay sumandal muna ako sa gilid ng wall at pinagmasdan ang banayad niyang paghinga. Senyales na malalim ang kanyang tulog. Lalapitan ko na sana ng bigla siyang gumalaw kaya napaatras ako at bumalik sa kinatatayuan ko.
Siguro naalimpungatan dahil nagpalinga linga pa sa paligid. Baka iniisip na paano napunta sa kwarto samantalang doon naman siya natulog sa isang bench.
"Mabuti naman at nagising ka na! It's almost 2:00-PM.”
“Bakit ako naririto at paanong napatagal ang aking tulog?”
“Huwag mo akong tanungin sa bagay na yon.” at tumalikod ako sa banda niya pagkatapos ay sumilip sa bintana. Hindi nagtagal ay humarap din agad sa babaeng parang walang planong gumalaw.
“.... Bilisan mong kumilos at sumunod ka sa dining room.” at mabilis akong lumabas ng silid na okupado niya. Kailangan magtagumpay ako sa aking plano. Inayos kong mabuti ang mga pagkain na naroon sa ibabaw ng table. Upang hindi siya masyadong makahalata ay kailangan kong kumilos ng normal. At tratuhin siya tulad ng dati o kagaya ng mga unang araw.
“Wow! Ang daming pagkain anong okasyon at sino pala ang nagluto?” habang natatakam na nakatingin siya sa mga pagkain. Pero hindi ko siya sinagot sa kanyang mga katanungan.
"Eat!” utos ko habang seryoso ang aking mukhang nakatingin sa kanya.”
“Okay.” Aniya naman at agad na naupo sa harapan ng mga pagkain. Ako naman ay pinipigilan magpakita ng kahit anong emosyon. Sa halip ay sinusungitan ko pa siya lalo na ng makita kong malapad ang kanyang pagkakaingiti.
"Idiots! Ngumiti ka ng hindi naman dapat.”
“Bakit pati pag ngiti ko ay pinapansin mo, kung gusto mo ay ngumiti ka rin huh!”
Pagtataray pa niyang sagot sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Mukhang mauubusan ako ng mga sasabihin kung magpapatuloy kami sa pagtatalo. Sa tingin ko ay hindi talaga patatalo ang babaeng ito kaya tumahimik na lamang ako.
“Bakit hindi ka po kumakain, Sir?” aba’t ginagamitan pa talaga ako ng salitang “po” ano ako matanda na? gusto ko na siyang parusahan ng halik pero mas' nangingibabaw ang aking pinaplano.
“Don’t talk when your mouth is full!” nakita kong natigilan siyang bigla. Ang akala ko ay nakaramdam ng hiya dahil sa aking sinabi. Ngunit hindi naman pala ng mapansin kong tinaasan pa niya ako ng kilay.
“Bakit ba pati pagsasalita ko ay pinakikialaman mo po, Sir? Isa pa ay hindi naman po puno ang bibig ko huh!”
“Isang po pa at may kakalagyan ka sa akin!”
“Ano po ang sabi mo….” hindi ko na napigilan ang aking sarili at sinibasid ko siya ng halik. Saka ko siya binitawan ng halos maubusan na ng hangin.
“Bastos ka!”
Gusto kong matawa sa pamumula ng kanyang mukha pero ang hindi ko inaasahan ay bigla siyang tumayo. Ang akala ko ay saan siya pupunta yon pala ay sa lababo. Doon ay inilabas niya ang pagkaing laman ng kanyang bibig.
“Hindi pala masarap ang mga pagkain, doon na p… ahm, sa taas lang ako at magsisimula ng maglinis.” Pagpapaalam niya at paakatapos ay nagmamadaling iniwanan ako. Kaya naglakad na rin ako at lumabas ng kabahayan. Tinungo ko ang likuran at binuksan ang secret door. Kinuha ko ang mga gamit sa gardening at sinimulan mag-spray ng fertilizer sa mga orchids. Lately meron kakaiba sa akin parang hindi naman ako dating ganito. Ano nga ba ang tunay na nangyayari at mabilis akong maapektuhan ng presensya ng babaeng yon?
Buong araw akong nagbabad doon kaya ng matapos ay napakalinis ng garden. Lately ay napabayaan ko na ang mga bulaklak. Dahil naging busy rin ako sa pangangalap ng iba pang kakailanganin ko. Nalalapit na ang gagawin kong paghihiganti sa mga taong dahilan kung bakit maaga akong na biyudo.
Gabi matapos kong makapag diner ay naglakad lakad pa ako sa gilid ng dalampasigan. Syempre hindi ko iyon pinapaalam kay Aji. Mahirap na makagawa ng paraan ang babaeng yon upang takasan ako.
Bandang 9:00-PM, naisipan kung bumalik sa bahay at mabilis na naligo.
Habang nakahiga ay hindi ako dalawin ng antok. Paulit-ulit pumapasok sa aking isipan ang mukha at kabuuan ni Aji. Kaya nagpasya akong tumayo at lumabas. Tanging pang-ibabang pajama ang aking suot. Naglakad ako patungo sa kwarto ni Aji, kinatok ko siya ng malakas. Maya maya ay bumukas amng pintuan at mukhang galing na siya sa mahabang tulog. Ayon pa sa itsura ay antok na antok pa siya.
“Sumunod ka sa aking kwarto, ngayon na!” at agad akong tumalikod, hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magtanong. Bumalik ako sa aking kama at nahiga. Iniwan ko rin na nakabukas ang pintuan at hindi nagtagal ay narinig ko na ang kanyang mga yabag.
“S-Sir, naririto na po ako.” imporma niya sa akin na medyo may kalakasang boses.
"Come in!”
“Ahm…. a-ano po ang ipag uutos mo… I mean may ipapagawa ka ba sa akin, Sir?” aniya na may kaunting panginginig ang boses.
Tumayo ako at binuksan ang drawer. Dinampot ko ang mga naka stapler na papel at inabot sa kanya.
"Pirmahan mo ito kung gusto mong makauwi ka na.”
“Ano ang mga ito?”
"Ayaw mo?” sa halip ay yon ang sagot ko sa kanya sabay titig ng seryosong tingin sa kanyang mga mata.
"Ahm... no! I mean yes!” at mabilis niyang pinirmahan ang mga papel ng hindi na pinag-aksayahan basahin. At sa puntong yon ay lihim akong napangiti. Ngiting mala-demonyo ang makikita sa aking mukha, matapos akong magtagumpay. Isang guro ang aking kaharap ngunit dahil atat ng makaalis sa puder ko. Hindi na inalam kung ano ang nilalaman ng mga papel at basta na lang nag-sign.
"Iyan lang ba sir?”
"Bakit may iba ka pa bang inaasahan mula sa akin? O baka naman may mas’ gusto ka na gawin nating dalawa?”
"Ah, w-wala sir, sigr po lalabas na ako.”
Nang sumara ang pintuan ay malawak ang aking pagkakangiti, finally wala ka ng magagawa Aji. Muli kong pinasadahan ng tingin ang signature niya bago ko ipinasok sa loob ng vault at binuksan ang aking laptop.
-
ANJA INGRID POV.
MATAPOS kong mag-sign ay hindi na halos ako makatulog. Sobrang excited na akong makauwi ng bahay. Miss ko na si Yaya Mila, ang kaisa-isang taong kapamilya ko. Siguradong alalang-alala na iyon at halos mabaliw na sa kakaisip sa akin. Ang kawawa kong Yaya, na mula pa noon ay laging nasa aking tabi at itinuturing na akong tunay na anak. Kaya naman ay mag-uumaga na nang tuluyan akong makatulog.
Kinabukasan kahit napuyat ako sa kakaisip ay maaga pa rin akong nagising sa kaalaman na makakuwi na ako sa aming bahay ni Yaya Mila. Makakabalik na rin ako sa aking pagtuturo. Miss ko na rin ang mga estudyante ko. Kaya agad na naligo at pagkatapos ay bumaba at nagsimula ng magluto.
Tatlong putahe ang aking hinanda. Sa huling araw ko man lang dito ay patitikimin ko siya ng aking specialty. Subalit nakatapos na akong magluto ay wala pa rin ang lalaking yon. Kaya tinungo ko ang kwarto nito at malakas akong kumatok. Ngunit walang sumasagot o nagbubukas man lang ng pinto.
"Sir!” At mas’ nilakasan ko na ang sigaw dahil nagsimula na rin akong kabahan. Bakit parang nag-iisa ako ngayon sa loob ng malaking bahay na yon? Talagang wala yata siya sa loob ng kanyang kwarto.
Malakas ang kabog ng aking dibdib na lumabas ng main door. Baka naman naroroon ito sa likuran pero halos galugarin ko na ang buong compound ay hindi ko siya nakita. Kaya bumaling ako paharap sa pintuan at akmang papasok na loob dahil nagsisimula na ang malakas na hangin. Meron din kasamang konting ulan at sa tingin ko ay may parating na bagyo. Pero dapat ko siyang mahanap, upang kausapin tungkol sa aking pag-uwi. Kaya muli akong humarap sa secret door at naglakad patungo roon. Binuksan ko iyon at tumuloy ako sa garden pero talagang wala. Isa na lang ang pag-asa ko ang gym kaya wala akong sinayang na sandali at tinungo ang basement. Subalit laking dismaya ko ng wala talaga ito doon at ni anino ay hindi ko nakita.
Nanghihina akong napasandal sa wall at parang kandila na nauupos. Kawalang pag-asa ang aking nararamdaman habang nakatingala sa kisame ng gym. Nang biglang nakarinig ako ng lagabog kaya dali daling tumakbo ako paakyat sa taas. At sa palagay ko ay gawa iyon ng malakas na hangin.
“Hinahanap mo yata ako, may kailangan ka ba?” pagkarinig ko sa kanyang boses ay agad akong lumingon sa kanyang kinaroroonan.
"Sir, ‘di ba sabi mo ay makakauwi na ako pag pinirmahan ko yong mga papel? Kaya hinahanap kita dahil ready na ako sa aking pag-uwi.”
"What are you talking about?”
"Ahm, a-ang papel na p-pinapirmahan mo sa akin. Ang sabi mo m-makakauwi na ako?” kandautal-utal kong pagpapaliwanag sa kanya.
"Binasa mo ba ang lahat ng nakasulat doon?” tanong pa niya sa akin na nakapagbigay sa akin ng mas malakas na kaba.
"Ha? Ahm… h-hindi, pero ‘di ba sabi mo makakauwi na ako kapag pinirmahan ko yon?” halos manginig na ang aking buong katawan sa tinitimping galit. Dahil sa pananalita ng lalaking ito ay parang hindi tutupad sa pinagusapan namin.
"Listen! Ayon sa pinirmahan mo ay mananatili ka dito sa mansyon. At gusto kong sabihin sayo na ang ibang papel na pinirmahan mo’y marriage contract nating dalawa. Kaya simula ngayon ay mananatili ka dito sa puder ko dahil asawa na kita ngayon!”
"W-what?” dahil sa pagkabigla ay halos pasigaw ang aking naging sagot sa kanya. Pero sa halip ay tinalikuran niya lang ako. Kaya naman halos madulas na ako sa makintab na sahig mahabol ko lamang siya.
"Sir! Anong pinagsasabi mo? Hindi ko maintindihan eh!” sigaw ko pa sa likuran niya upang kunin ang kanyang atensyon. At mabuti naman ay huminto siya sa mabilis na paglalakad.
"Paano mo maintindihan ay walang laman ang utak mo!” aniya pa kaya tuluyan ng nagpanting ang aking tenga.
"Sir, hindi naman tama na pagsalitaan mo ako ng ganyan. Para sa kaalaman mo ay may laman ang utak ko. Hindi lang ako sanay na sumasagot sa matanda, Sir! Pinalaki po ako ng aking Yaya Mila, na mabuting tao at marunong ng salitang respeto!”
"Is that so?” wika pa niyang may ngisi sa labi.
"Oo naman po, sir.”
"Good to hear that, now gawan mo ako ng kape at i-ready ang mga pagkain dahil nagugutom na ang husband mo. See you in the kitchen, honey!” pasigaw pa niyang utos sa akin na mas’ kinainis ko. Kahit ang totoo ay namula ang mukha ko sa paraan ng pagkakasabi niya sa salitang “honey” bigla din ang pag bilis ng t***k mula sa aking dibdib.
"Honey.” Paulit ulit na naghuhumiyaw sa aking isipan. Kaya ipilig pilig ko ang aking ulo baka sakaling mawala sa isipan ko iyon. Baka mamaya ay marinig pa ako ng lalaking yon at mapagkamalang nababaliw. Kinurot ko pa ang aking sarili dahil baka isang ilusyon lang na parang kinikilig pa ako? Bakit ang sarap pakinggan ng salitang "honey" lalo pa at sa lalaking ito nanggaling ang salitang iyon?”
"Hey! Are you okay?”
"Ay! Palakang demonyo!”
"Para kang baliw na papikit pikit pa diyan habang kinakausap ang wall, huh!”
"Hindi ah! Anong pinagsasabi mo riyan?” at nagmamadali ko ng iniwan ang lalaking wala yatang ginawa kundi paglaruan ako.