Chapter- 4

1594 Words
ANJA INGRID POV. NANG mga sumunod na gabi ay lagi na siyang naroon sa aking silid. Ngunit ngayon ay kakaiba ang kanyang ginagawa sa aking katawan. Ang bawat haplos niya ay may pag-iingat. Kaya naman ay hindi ko mapigilan ang mapapikit at namnamin ang kakaibang sarap na aking nalalasap. At nang lumapat ang basa niyang labi sa aking isang didbib ay kumawala ang daing kasabay ng pag liyad ko. Nang bigla akong mapadilat na may kasama pang kakaibang kaba mula sa aking dibdib. Dahil iyon sa matigas na bagay na siyang kumikisikis sa aking namamasa nang lagusan. “Don’t worry hindi ko ipapasok sa loob.” Wika pa niya ngunit bakit parang may panghihinayang yata akong nararamdaman? Agad kong na ipilig ang aking ulo dahil hindi ito tama. Hindi ko kilala ang lalaking ito pero bakit gano’n na lamang ang kasiyahang dulot ng mga ginagawa niya sa aking katawan? “A-Aji…” Pa daing niyang tawag sa aking pangalan. Na kinaliyad ko pa ng husto, hindi na rin nagtagal ay bumilis na ng husto ang pagkiskis niya sa aking basang basa ng hiwa. Hanggang hindi ko na napigilan ay napayakap ako sa kanya ng biglang may lumabas mula sa aking loob. At hindi nagtagal ay naramdaman kong may likido na dumadaloy sa ibabaw ng aking tiyan. Talagang doon pa inilabas ng lalaking ito ang likido. At ilang segundo pa ang lumipas ng bigla siyang tumayo at tuloy tuloy na lumabas ng silid. Ako naman ay tumayo at mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Tumapat sa shower at agad na nag-half bath. Nang matapos ay kagaya ng mga nakaraang gabi ay bumalik ako sa higaan. Ngunit kakaiba ngayon ang aking pakiramdam. Parang may gusto pa akong gawin pero hindi ko alam kung ano yon. Kinabukasan ay nagising akong nag-iisa, walang palatandaan na naroon pa ang lalaking aking nakaulayaw. Kaya ang ginawa ko ay nagtungo sa kitchen mas' mabuting magluto na lang para sa aking sarili. Ngunit inabutan kong meron mga pagkain sa ibabaw ng maliit na table. Meron din note; "eat upang may energy ka ng hindi yong para akong nakikipag-s*x sa patay!” Sa aking nabasa ay umakyat agad ang dugo ko sa ulo dahil sa sobrang inis ko. Anong akala ng lalaking yon sa akin, s*x-slave niya? Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Kundi lang ako gutom na gutom ay hindi ko kakainin ang pagkain na ‘to huh! At padabog akong tumayo sabay lapag ng platong ginamit ko sa loob ng lababo. Nang matapos kong mailagay sa ayos ang pinagkainan ko ay lumabas ako ng main door. Panay ang ginagawa kong pagtingala kung saan ako maaaring dumaan upang makatakas. Pero walang chance, sobrang tataas ang wall. Umikot pa ako sa likuran at nakakita ako ng tila nilulumot nang pintuan. Kaya agad ko iyong nilapitan at malakas na tinulak. Nagulat pa ako ng bumukas iyon. Bumungad sa akin ang malawak na garden at kamangha mangha ang kagandahan ng buong paligid. Sari-saring orchids ang naroroon at iba't-ibang imported na orchids…. Hindi sinasadyang napatitig ako sa isang bulaklak, parang may biglang nag-appear sa aking alaala. Isang may edad na babae habang may hawak na mga bulaklak. Na ipilig pilig ko ang aking ulo upang muling alalahanin kung sino ang babaeng yon sa alaala ko. Ngunit hindi na muling naulit pa at sa halip ay tuluyan ng naglaho. Naisipan kong maglakad lakad pa sa paligid at naghanap ng maaaring madaanan ko sakaling gustuhin kong tumakas. Pero gano'n din kataas ang mga wall at isa pang pintuan ang tumawag pansin sa akin. Nasa pinaka dulo ng halamanan iyon. Kaya agad na naglakad ako patungo doon upang silipin. Baka may exit doon palabas ngunit natigilan ako ng makita ko ang loob. Para iyong isang lumang library at nang akmang isasara ko na iyon ay tila may humihila sa akin na pumasok sa loob. Humakbang ako papasok at naupo sa isang bakanteng upuan na naroon sa mismong gilid ng table. Napansin ko ang drawer sa gilid na nakaawang. Hinila ko iyon at natilihan ako nang biglang makita ko ang mga larawan doon. Wedding picture ng lalaking siyang nagdala sa akin sa lugar na yon at asawa nito na nakasuot ng pangkasal. Nang tingnan ko ang petsa ay mahigit isang taon na ang nakalipas. Isang papel ang nakatupi na kasama ng mga larawan ang aking kinuha. Binuksan ko yon at pinasadahan ng tingin at habang binabasa ay damang dama ko ang sakit mula sa aking dibdib. Hindi ko namalayan na umiiyak ako kundi pa dumaloy sa aking pisngi. Sulat iyon ng pamamaalam, sulat sa lalaking siyang kasama ko ngayon sa isla na kinaroroonan. At halos nang hilakbot ako ng mabasa kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay nang asawa nitong babae. Hanggang nakabalik ako sa loob ng bahay ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mga natuklasan. Ngayon ay unti-unti kong naiintindihan kung bakit sa tuwing titingnan ko ang lalaking yon ay parang punong puno ng galit, poot at pighati ang kanyang mukha. Hindi kaya may kinalaman ako sa mga nangyaring yon sa kanilang mag-asawa? Napaka imposible naman yata.... pero papaano kong involve nga ako? Dahil hindi naman niya ako basta dadalhin sa ganitong lugar lalo pa at isa pa lang lawyer ang lalaking yon. Baka kaya iyon din ang dahilan ng aksidente ko at pagkawala ng aking memory? "Kanina pa kita kinakusap ay hindi ka na naman sumasagot. O baka nananadya kang hindi ako pansinin?" Ano na naman kaya ang problema nang lalaking ito? Dalawang araw siyang nawala paglatapos kung makasigaw ay para niya akong alipin huh!" ".... Hindi ka talaga sasagot?" "Ano ba kasi ang itinatanong mo?" Nakita kong naggagalawan ang kanyang panga kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahirap na baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya ay mas' ikagalit pa ng lalaking ito na akala mo ay babaeng may monthly period. "Ang tanong ko sayo, nagpunta ka ba sa likuran ng Renthouse?" "Ahm... h-hindi ano naman ang meron doon at bakit ako pupunta?" Nakita ko siyang hindi sumagot at parang may gusto pang itanong ngunit mas' pinili na lang tumalikod at umalis. Kaya pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa. "Anong masarap na niluluto mo at bigla akong nagutom?" "Ay! Kabayong demonyo!" "Anong sabi mo?" "Pasensya na po Boss, ikaw kasi ginulat mo ako." "Ihanda mo ang aking hapunan!” Sasagot pa sana ako ng nabitin sa eri ang dapat na mga sasabihin ko nang biglang sumara ang pintuan. Tingnan mo ang lalaking 'to walang modo huh! Hindi man lang ako binigyan ng chance na makapagsalita. Sa bagay ayaw ko rin naman talaga siyang kausapin o makita nga lang ang pagmumukha ay kumukulo na ang aking dugo. Lalo na sa klase ng trato niya sa akin, hindi ba nito alam na isa akong respetadong teacher? Ilang weeks na nga ba akong naririto? Nakakainis lang dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit ako dinala sa lugar na iyon. Ilang beses ko rin sinubukan na tanungin siya ngunit hindi naman niya ako sinasagot. Bagkus ay iba ang sasabihin niya sa akin. Pero ang aking ipinagtataka ay never siyang nagtangka na tuluyan akong angkinin. Laging gano'n lang kami sa ibabaw ng kama. Parausan lang ba talaga ako sa kanyang init ng katawan? “Aba! parang nanghihinayang ka pa yata? Bakit naaakit ka na at gusto mo na ba na magpa angkin sa gwapong iyon?” F*ck! Napamura na lamang ako sa kung ano-anong walang kwentang bagay ang pumapasok sa aking isipan. "Woman! ‘Di ba ng sabi ko ay ihanda mo ang hapunan ko?” "Aji, po ang pangalan ko sir at hindi woman. Hindi ko rin po alam kong gaano ka na katanda upang hindi mo maalala ang mga salitang nasabi ko na sayo?" Nakita kong tumiim ang bagang niya sa inis. Ngunit hindi ko na siya pinansin pa. Nakatayo ako sa harapan ng nakabukas na higanting refrigerator at namimili ng maaaring mailuto. Nang maramdaman ko na may lalaki aking likuran. Kaya’t sa pagkabigla ay hindi ko sinasadyang mapamura. "Ay demonyong g*go!” "What did you say?” "Ikaw naman kasi sir bakit kasi nanggugulat ka?” "Kanina ka pa nakatayo riyan at wala ka naman na inilalabas na lulutuin! At ano ang binubulong bulong mo na para kang isang baliw na babae?” ".... Gawan mo na rin ako ng masarap na kape." "Right away sir." at mabilis kong isinalin sa isang tasa ang bagong gawang kape. At pagkatapos ay dinala sa kanyang harapan." "..... Heto na po ang kape mo, Boss." Ito ang routine ko sa araw-araw, umiikot ang aking mundo sa loob ng rest house o tamang sabihing haunted house na ito. Nagtataka lang rin ako kung bakit sa tagal na pag-stay ko doon ay wala man lang ibang tao na makikita maliban sa aming dalawa. Pero ang aking ipinagtataka ay bakit napaka ganda ng kapaligiran. Ang naglalakihang mga rose, tulips, sunflower at karamihan ay iba't-ibang imported na orchids. Hindi naman ako inosente pagdating sa mga ganitong bagay. Pero sigurado ako na hindi lang basta mga imported ang lahat ng mga halaman sa paligid. Naupo muna ako sa isang bench doon at sumandal, dito ay nakaramdam ako ng katiwasayan. Magmula ng ma-discover ko ang lugar na yon sa likurang bahagi ng resthouse ay palagi na akong naroroon. Doon ko rin napag-alaman na hindi lang basta magaling na lawyer ang lalaking may magandang mga mata. Kundi isang napakagaling at kailanman ay hindi pa natatalo sa mga kasong hinahawakan. At hanggang ngayon ay akin pang naalala ng buksan ko ang lumang library sa pinaka dulo ng mga halamanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD