ANJA INGRID POV.
GUSTO kong matawa sa aking sarili dahil sa sobrang katangahan ko. Naturingan na isa akong professional pero basta lang naisahan? Naikuyom ko ang aking magkabilang kamay dahil sa matinding galit na nararamdaman. Wala man lang sa aking hinagap ang lokohin ako ng isang lalaki. Ni hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang taong ito. At ano ang tunay na dahilan bakit niya ako dinala sa lugar na yon. Pagkatapos ngayon ay mag-asawa na raw kaming dalawa ?
Paanong basta na lang niya ako nagawang paikutin? Isa akong guro pero sa sitwayon ko ngayon ay talo ko pa ang isang taong walang pinag-aralan. Ngayon anong gagawin ko upang makawala sa lalaking ito?
Hindi ko napigilan ay tumulo ang aking luha. At halos magduguan na ang aking mga kuko sa diin ng pagkakahawak ko sa barandilya ng beranda.
Naririto ako at nakaharap sa kadiliman ng gabi kaya hindi ko nakikita ang kalawakan ng karagatan. Gusto kong mapag-isa kaya pinatay ko rin ang ilaw doon. At habang nakasalampak ako sa sahig ay paulit-ulit kong binabalikan sa aking isipan ang nagawa kong pagkakamali.
Hindi ko rin mapigilan magalit mismo sa aking sarili. Sapagkat hanggang ngayon ay wala pa rin akong naalala. Siguro kung wala akong amnesia kagaya ng sinasabi sa akin ni Yaya Mila. Baka wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon. Kung sana nakakaalala ako ay alam ko ang dahilan ng lalaking ito. Hindi rin sana ako nangangapa o manghuhula kung ano itong kinasangkutan ko. Bakit ganito na lang ang paghahangad ng lalaking yon na ikulong ako sa lugar na ganitong malayo sa lahat.
Nang biglang lumiwanag ang paligid ay mabilis kong pinunasan ang aking mukha. Hindi ako dapat magpakita ng kahinaan sa lalaking ito. Mas’ lalo lang niya akong papahirapan kung makikita niya na isa pala akong iyakin. Kaya naman ay mabilis akong tumayo at pumasok sa loob.
“Kumain ka na ng diner…
“Hindi po ako nagugutom, Sir. At pasensya na dahil ikaw ang nakapag luto. Pero mula bukas ay gagawin ko nang muli ang aking nakasanayang trabaho sa bahay na ito. Sige po doon na muna ako sa aking kwarto at kailangan ko nang matulog. Isa pa ay inaantok na rin po ako.” saka ko siya tinalikuran at mabilis na tumakbo palayo sa kanya.
Kinabukasan, katulad ng binitawan kong salita. Maaga pa ay sinimulan ko na ang pagluluto. Umabot din ako ng halos dalawang oras. Pagkatapos ay mabilis akong kumain dahil kailangan ko ng energy. Hinarap ko naman ang paglilinis ng buong bahay. Gusto kong makalimutan ang aking sitwasyon. Siguro kapag lagi akong pagod ay baka maiwasan kong mag-isip ng tungkol sa nanangyayaring ito sa buhay ko.
Nang ma-siguro kong malinis na buong bahay. Paglalaba naman ang aking hinarap, at pari mga kurtina ay pinalitan ko. Doon man lang ay maging maaliwalas ang paligid ko. Mabuti at hindi niya ako iniisturbo kaya tuloy tuloy akong nakapagtrabaho. Hindi ko na rin namamalayan ang paglipas ng mga oras. Kundi ko pa napansin na madilim ang paligid. Saka ko lamang napagtanto na malapit ng gumabi. Mabilis kong tinapos ang aking ginagawa at nagtungo ako sa kusina para magluto. Subalit napansin kong meron nang mga pagkain sa ibabaw ng table. Nang lapitan ko iyon upang damhin kong malamig na ang mga pagkain. Ngunit mainit pa iyon, ibig sabihin ay katatapos lang lutuin.
Hindi ko na napigilan ang matinding gutom at naupo na ako. Isa-isa kong sinilip ang mga pagkain at agad akong natakam. Tumayo ako at kumuha ng tubig. Mahirap na mabulunan ako sa pagmamadali na kumain. Alam kong sa klase ng gutom ko ngayon ay mapapadami ang aking makakain.
Nakakailang subo na ako ng makaramdam ko ang hapdi mula sa aking mga kamay. At nang makita kong sugat sugat na pala ang aking mga daliri ay hindi ko na mapigilan umiyak. Ang bawat subo ko ay sinasabayan ng tumutulo kong luha. Unti-unti na rin na nawalan ako ng gana kaya ininom ko na lang ang isang basong tubig at agad na akong tumayo. Dinala ko sa lababo ang pinagkainan ko at hinugasan iyon. Napapangiwi ako dahil sa mga sugat sa aking magkabilang kamay. Kaya naman ay may pagmamadali na akong tinapos ang mga hugasan.
Akmang lalabas na ako ng dining room ng masulyapan ko siyang nakasandal sa gilid. Hindi ko man lang napansin na naroon pala ang lalaking yon. At nainis na naman ako sa aking sarili, ngayon na nakita niya ang aking kahinaan. Malamang na mas’ lalo pa akong pahihirapan ng taong ito.
“M-May ipag-uutos ka po ba. Sir?” taas noon kong tanong sa kanya. Ngunit hindi man lang niya ako sinagot kaya naglakad na akong palayo. Hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip pero hindi ko na iyon dapat pang isipin. Isa pa ay nagawa ko naman na ang lahat ng trabaho ko. Hindi ko rin naman inutusan siya upang magluto. So, wala akong dapat na alalahanin pa.
Pagpasok ko sa aking silid ay mabilis akong nag-shower pagkatapos ay nahiga na. Siguro dahil sa sobrang pagod ay agad akong nakatulog.
-
“JAM POV.
NAKAUPO ako sa carpet habang nakasandal sa gilid ng kama na hinihigaan ni Aji. At paminsan minsan ay sinusulyapan ko siya habang banayad na nagtataas baba ang dibdib. Malalim na ang tulog niya kaya malaya kong nagagawang makapag-stay doon.
Hindi sinasadyang matitigan ko ang kanyang mga kamay. At bakit parang meron pumipiga sa aking puso sa kaalamang nahihirapan ito sa piling ko. Ano nga ba ang tunay kong dahilan at ginagawa ang ganitong bagay kay Aji?
Kuyom ang aking magkabilang palad ng pagmasdan ang paltos niyang mga daliri. Kaya tumayo ako at tinungo ang kinalalagyan ng medical kit. Kumuha ako ng cream doon at isa-isang nilagyan ang bawat paltos na naroon. At habang ginagawa ko iyon ay unti-unting kinakain ako ng konsensya. Dahil sa malaking kasalanan ng kanyang ama kaya kailangan ni Aji na pagbayaran iyon.
Ngunit ano itong aking nararamdaman ngayon bakit parang apektado ako sa mga nangyayari sa dalaga? Ang nakikitang nahihirapan siya ay nag papasakit sa aking puso. Alam kong hindi siya sanay sa gawaing bahay. Ngunit sinisikap na gawin ang mga inuutos ko.