Chapter- 7

1501 Words
JAM POV. MABILIS akong tumayo at tuloy tuloy na lumabas ng room ni Aji. Hindi ako dapat na magkaroon ng kahit kaunting simpatya sa kanya. Hindi ko pa nagagawang pabagsakin ang ama nito na siyang dahilan kung bakit nagpakamatay ang aking asawa. Gano’n din ang limang lalaking gumahasa na siyang dahilan kung bakit maaga akong na biyudo. Walang kapatawaran ang ginawa nila kaya ngayon na ang tamang panahon upang pagbayaran ng mga kriminal ang kanilang mga ginawa. Agad akong nagbihis nang matanggap ko ang tawag mula sa taong tumutulong sa akin. At pagkatapos ay agad na naghanda ng mga kakailanganin ko. Thirty minutes later.... Agad akong nagtungo sa rooftop matapos kong mabasa ang mensahe mula sa kaibigan ko. Naghihintay na raw siya sa akin kaya umakyat na ako sa rooftop. Kanina pa pala naroon ang chopper na pagmamay-ari niya na siya rin ang piloto. Almost 10:00-PM na ang oras sa aking relo. Tamang tama lang na darating kami sa aking pakay ay 1:00-AM. “Partner, kung maaari ay huwag kang magpapakita isa man sa mga taong naroroon.” iyon agad ang salubong niya sa akin. “At bakit ko yon gagawin?” “Upang magawa mo ng malinis ang iyong mga plano. Kapag may isa tao man lang ang nakakilala sayo o nakaalam ay siguradong makakarating agad sa matandang yon. Alalahanin mo na isang taon ang ginawa mo upang paghandaan ang paniningil. Ngayon na abot kamay mo na ay baka ka pa pumalpak.” Hindi ako sumagot sa mga sinasabi ng kaibigan ko pero pinag-iisipan kong mabuti. “Sa palagay mo bakit tatlo lang sila, nasaan kaya ang dalawa pa?” sa halip ay humingi ako ng opinion sa kanya. “Nakakasiguro akong naroroon ang dalawa sa big boss nila, at saka mas’ mabuting hindi sila sabay sabay. Mga halang ang kaluluwa ng mga lalaking yon. Kaya sinasabi ko sayo na mag-double ingat ka. Huwag mo rin sanang sayangin ang isang taong hirap mo sa trainig. Sinasabi ko ito sayo hindi dahil tutol ako sa gusto mong mangyari. Kaibigan kita at handa akong tulungan ka. Kung sana payag kang ipaubaya sa akin ang iba.” “No! hindi kita ilalagay sa alanganin. Tama na itong ginagawa mong paghahatid sa akin sa kinaroroonan ng mga tarantanong yon.” “Sana pagtapos nito ay muli kang bumalik sa pagiging lawyer mo. Dahil magmula ng nawala ka sa Law Firm na yon ay naglipana na ang bayarang abogado.” “Hindi na siguro Partner, tama na yong mga dinanas ko wala rin namang kwente ang batas natin. Pera din ang umiiral, nakita mo naman na walang hustisya ang nangyaring yon sa aking asawa?” “Sabagay tama ka, nakakalungkot lang na may mga kagaya mong laywer ang tapat na nagpapatupad ng batas. Pero ang mga nasa posisyon mismo ay tumatanggap ng malaking halaga upang mabasura lang ang kaso.” “…. Maiba ako Partner, kailan mo ilalabas ang iyong alas upang maipamukha sa matandang yon ang ginawa niya?” “Kapag wala na sa landas ko ang limang lalaking yon.” “Huwag mong kalimutan na ang dalawa sa limang lalaking yon ay hinihinalang anak ng mga politician.” “Who cares, kahit kaninong anak pa sila. Ang dapat sa kanila ay putulin ang kasamaan.” “Wala na akong ibang masasabi, Partner kundi mag-ingat ka.” “Lagi akong nag-iingat, Partner.” pagbibigay assurance ko sa kaisa-isang kaibigan ko. “Dapat lang dahil iisa lamang ang buhay natin. Kapag may masamang nangyari sayo ay wala na akong kaibigan. Alam mo naman na nag-iisa ka lang sa buhay ko.” “Tangna, ano ako asawa mo na nag-iisa lang?” “Oo, kaya magpakasal na tayo.” Biro pa ng best friend ko, alam kong sinasabi niya yon dahil gusto lang niya akong patawanin. - Few days later… Nagkalat ang balita tungkol tatlong lalaking duguan ng isugod sa ospital. At ang nakakagulat ay hindi dahil sa tama ng baril o nasaksak ang dahilan. Kundi pinutol daw ang mga kasarian ng mga lalaki at pagkatapos ay ipinasok pa sa sarili nilang bibig. At nilagyan ng packaging tape. Sabihin man na masama akong tao pero sa puntong iyon ay nakaramdam ako ng kasiyahan. Dinampot ko ang remote control at isinara ang tv. Lumabas ako sa aking kwarto at hinanap si Aji. Natanawan ko siyang ginugupitan ang mga halaman. At nang luminga ako sa iba pang parte ng halamanan ay marami na siyang nagupitan. Siya ba talaga ang gumawa ng mga yon? Dahil kung si Aji, ibig sabihin ay napakagaling niyang mag-design. Iniwan ko ng tingin ang mga halaman ng maalala ang tunay kong pakay. “Umamin ka, may iba ka pa bang pinupuntahan maliban dito sa paligid ng resthouse?” Nakita kong natigilan siya ngunit bigla namang umiling. Pero dalawa lang kaming naririto, kung hindi siya ay sino? “…. Walang ibang makikialam ng mga gamit ko sa drawer doon kundi ikaw lang!” at matiim ko siyang tinitigan. Huling huli ko ang pamumutla niya kaya mabilis ko siyang hinawakan sa pulso. “Kailan ka pa pumapasok sa lumang library na yon ha? At anong Karapatan mong pakialaman ang mga gamit ko doon?” “Bitawan mo nga ako! Saka ano naman kung pumupunta ako doon at nakikialam ng mga gamit mo. Sabi mo nga asawa mo na ako kaya may karapatan akong pakialaman lahat ng pagmamay-ari mo!” nabitawan ko siya ng marinig ang malakas niyang boses. At akmang magsasalita pa ako ng mabilis siyang nakalayo sa kinatatayuan ko. Kaya ang tangi kong nagawa ay ikuyom ang aking magkabilang kamay. At sa halip ay naglakad na lang akong papasok sa loob ng resthouse. Ngunit agad rin akong umikot pabalik sa kinaroroon na Aji. “Ipaghanda mo ako ng breakfast, at sabayan mo na rin kumain.” Hindi siya sumagot ngunit pabalibag niyang binitawan ang hawak na grass cutter. Pagkatapos ay malaki ang hakbang na tinalikuran ako. Kaya mabilis ko siyang sinundan at pagdating sa loob ng dining room ay agad akong naupo. Maya maya lang nakita ko na siyang parating dala ang bagong lutong tapa. Meron din fried garlic rice ngunit wala ang paborito kong kape. “Where is my Coffee?” “Gagawa pa po ako, Sir.” “Okay, salamat…. Humn… bakit pala ako nagpapasalamat?” “Hindi mo kailangan magpasalamat, Sir. Mas mabuti na tumahimik ka na lamang kisa naman singaw sa ilong mo ang yung pasasalamat na sinasabi mo!” Sa halip na mainis ay napangiti pa ako sa kanyang mga sinasabi. Lalo siyang gumaganda kapag naiinis, ang mukha niyang napakaliit ay bumagay sa magagadang mga mata. “F*ck! Ano ba ang nangyayari sa akin, bakit ako ngumingiti ng walag dahilan?” Nang bumalik siya ay dala ang umuusok kong kape. Agad ko iyong sinimsim at halos mapapikit pa ako ng maamoy ang kakaibang aroma. Ngunit nang mapasulyap ako sa kanya ay nakatayo lang siya at parang naghihintay ng ibang iuutos ko. “Ano pa ang hinihintay mo, maupo ka na at sabayan mo akong kumain.” “Hindi po ako nagugutom….” Hindi ko siya pinatapos magsalita at inakdaw ko ang pagitan naming. Mapusok ko siyang hinalikan at binitawan lang ng pareho na kaming naghahabol ng hininga. Lalo na siyang namula ang mukha ngunit patay malisya kong hindi pinansin. Bagkus ay naupo akong muli at sinimulan na ang pagkain. Ngunit hindi talaga siya kumakain at hindi ako papayag na hindi siya makasalo. “Gusto mong halikan yatang muli huh!” aniko pa sa kanya at mabilis niyang dinampot ang kutsara at tinidor. Ngunit nag-alala agad ako ng makitang sunod sunod ang ginawa niyang pagsubo. Dinampot ko ang isang basong tubig at nilagay sa kanyang tabi. At yon nga hindi nagtagal ay nabulunan na siya. Kaya napabilis ang aking pagtayo at naglakad ako patungo sa likuran ng inuupuan niya. “Sabi ng magdahan dahan eh, ayan tuloy nabulunan ka na huh!” mahinahon kong pahayag sa kanya sabay hagod ko sa kanyang likuran. “Ahm… mula ngayon huwag ka ng gagawa ng mga g-gawain dito sa bahay.” Nakita kong tila natigilan siya sa pagkain ngunit hindi naman nagsalita. Kaya hinayaan ko na lamang. Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ako. Dahil kapag nagtagal pa ako na malapit sa kanya ay baka higit pa sa halik ang magawa ko sa kanya. At habang palayo ako ay gusto kong pagmumurahin ang aking sarili. Kung bakit gano'n ang inaakto ko sa harap ni Aji. O baka naman may kakaiba na akong narararamdaman para sa dalaga? No! Hindi iyon maaaring mangyari dahil hindi siya ang karapatdapat kong ipalit sa aking namatay na asawa. Hindi ang isang Anja Ingrid Jacinto, na anak ng kriminal ang nararapat. At kaya ko lang siya ginawang legal na asawa dahil iyon sa control ng Jacinto asset. At kung meron man iba pa ay dahil iyon sa init ng pangangailangan ko bilang lalaki. Kailangan lang siya ng katawan ko bilang pangpuno sa aking pangungulila. Lalo pa at naririto kami sa isla. Malamig ang gabi kaya kailangan ko ng kaulayaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD