"Mag kaaway ba kayo ni Frank?" tanong pa ni Tracey habang nasa banyo ito at naliligo na naka bukas pa ang pinto ng banyo n'ya sa loob ng bedroom n'ya. Sanay na sila na silang makita ang katawan ng isa't-isa dahil bata pa lang naman magkasama na sila, beside ninang din nito ang Nanay n'ya sa binyag. Bumangon si Winter na kinuha ang samurai na naka display sa pader ng kuwarto n'ya. Fake lang yun pero tiyak mapapatay pa rin ng samurai na yun si Tracy kapag nilakasan n'ya ng hataw sa leeg nito.
Tinanggal n'ya ang cover nun at sinumulan na ihataw ng ihataw sa unan na nasa kama habang ini-imagine na si Tracy iyon. Nasa ganun eksena s'ya yung gitil na gitil na sa pag hampas ng unan ng bumukas ang pinto ng banyo habang naka taas ang samurai sa ere na ihahataw na sana n'ya sa unan ng mapigil at napatingin sa kaibigan n'yang ahas.
"Anong nangyayari sa'yo?" natatawa pang tanong nito na lumabas at nag tungo sa closet n'ya na kumuha ito ng damit n'ya na ugaling-ugali nitong hiramin. Masya na itong naging kampante na hiramin ang lahat ng gamit n'ya dahil hinahayaan naman n'ya dahil gamit lang naman ang mga iyon. Hindi lang n'ya akalain na pati boyfriend n'ya hihiramin na din nito ibang klase ang kapal ng mukha na meron ito. Kailan pa kaya s'ya niloloko ng dalawa kung pag babasehan ang paraan ng pakikipag talik ng mga ito malinaw lang na matagal ng ginagawa ng mga ito ang kababuyan at hindi man lang s'ya nakaramdam sa sobrang tiwala n'ya sa dalawang ito. Napahinga ng malalim si Winter na itinago na ang samurai at isinabit sa pader bago nahiga na ulit sa kama.
"Magka-away nanaman kayo ni Frank ano?"
"He's cheating on me." wika ni Winter habang nakatingin sa kisame pero kita n'ya sa sulok ng mata n'ya na nagulat si Tracy sa sinabi n'ya.
"Weh! si Franik? Imposible." wika pa nito na akala mo naman totoong-totoo, sumampa na ito sa kama at patagilid na nahiga paharap pa sa kanya habang nakatuon ang siko sa unan at nakakalang ang kamay sa ulo na nakatingin sa kanya.
"Bilis kuwento na." wika pa ng kaibigan na gusto n'yang bigwasan sa mukha nag titimpi lang talaga s'ya at iniisip pa rin n'ya ang 18 years nilang pagiging magkaibigan.
"Nahuli ko s'yang mag kasama ibang babae sa condo n'ya kahapon?" natuptop nito ang bibig na napabangon.
"Nakita mo yung babae?" umiling s'ya at ayaw din n'yang tumingin kay Tracey dahil baka maiyak lang s'ya sa galing nitong umarte na parang inosente.
"Naiwan nilang naka bukas ang main door kaya naka pasok ako pero hanggang pinto lang ako, hindi na ako tumuloy dahil dinig ko na ang mga kahalayan ginagawa nila. Yung mga unggol at salpukan ng katawan nila."
"Baka naman na nonood lang ng p**n si Frank." muling bumuga ng hangin si Winter.
"Hindi ako tanga girl! Nakakalat sa daanan yung mga damit nila pati pinag balatan ng condom."
"Edi sana pumasok ka at sinugod mo yung babae, kinalbo mo sana naku kung ako yun mang hihiram sa aso ang mukha ng babaeng yun."
"Bakit ko naman gagawin yun? Hindi ako makikipag-agawan sa kapirasong buto kung kaya ko naman kumuha ng mas malaking buto." makahulugan na wika n'ya ng maalala kung paano na wasak ang puday n'ya sa kargada ni Doel na may pag sabi pa sa Tatay n'ya na supot daw ito at mag papari pero lintik ang laki ng kargada ng mayabang na lalaking yun. Kaya hanggang ngayon na hihirapan pa rin s'yang mag lakad at umihi hindi lang s'ya puwedeng kumilos na parang na devirginized dahil malakas makaramdam ang Nanay nila kaya kahit masakit deretso ang lakad n'ya.
"Makikipag break ka kay Frank?"
"Hindi." matigas na sagot ni Winter.
"So okay lang sa'yo na he's cheating on you."
"S'yempre hindi rin pero hindi ko s'ya hahayaan na maging masaya. Gagawin ko rin ang ginawa n'ya, mang lalaki din ako at hindi ako mag papahuli sa kanya at kahit mahuli n'ya ako tatangi pa rin ako." tumawa naman si Tracey.
"Grabe! Ngayon ko lang nakita ang palaban na side mo na yan." ani Tracey na muli ng nahiga sa tabi n'ya.
"Ganun naman talaga tayong mga babae diba, tumatapang kapag na sasaktan. Kung inaakala ni Frank na s'ya lang ang may kakayanan na mangloko kaya ko din. I'm sure pang kama lang ang babaeng yun dahil hindi pa n'ya na kukuha sa akin ang virginity ko at nag hanap s'ya ng babaeng pag paparausan ng libog n'ya."
"May point ka naman baka nga pang kama lang s'ya at ikaw talaga ang mahal n'ya." wika ni Tracey na pumikit na.
"At dahil desidido ka na pala na gantihan si Frank go mo na yan, kung saan makakaluwag ng damdamin mo. Support lang kita basta wag ka lang mag papahuli baka madamay pa ako sa away n'yo sabihin kunsintidor akong friendship." wika pa nito na humalik pa sa pisngi n'ya saka tumalikod na ng higa na niyakap ang isang unan. Inis naman na pinahid ni Winter ang psingi na hinalikan nito at ikinuyom ang kamay na inihaya sa likuran ni Tracey na ang galing umarte kala mo naman totoong-totoo lahat ng sinabi nito sarap balasahin ng mukha. Buti nagagawa pa nito matulog sa tabi n'ya pipikit na rin sana s'ya ng ipitik na n'ya ang daliri para patayin ang ilaw ng kuwarto n'ya ng tumunog ang cellphone n'ya. Si Frank iyon na na hingi ng sorry dahil sa ginawa nito kanina na dala lang daw ito ng selos at galit. Pero imbis na mag reply inilagay n'ya muna ito sa blocked listed ayaw muna n'ya itong maka-usap baka mabigla s'ya makipag break s'ya ng di-oras.
-
-
-
-
-
-
-
-
Palabas na sana ng banyo si Doel ng mapatingin sa laundry basket n'ya na may laman ng maruruming damit n'ya, wala sa loob na kinuha n'ya ang kulay cream n'yang pants na suot n'ya kagabi. May bahig ng dugo ang parte ng hood ng zipper nun at sa may betones. Hindi na n'ya na ibaba ng ayos ang pants n'ya basta inilabas lang n'ya kagabi ang kargada at hindi pa s'ya ready ng maayos ng biglang upuan ni Winter iyon kaya ang bakas ng dugo sa pants n'ya ay patunay lang na he ripped her that he took her virginity last night.
Napapailing na nasapo n'ya ang noo na binitawan ang pantalon, nag sisi talaga s'ya dahil nag padala s'ya sa init ng katawan. Ngayon mula pa kaninang umaga ng magising na wala si Winter sa loob ng kotse medyo na inis s'ya nag mukha s'yang parausang lalaki sa ginawang pang-iiwan sa kanya ni Winter. Iniwan pa nito ang kotse nito kaya napilitan s'yang iwan ang susi sa guard ng bar at nag iwan na lang s'ya ng malaking halaga ng pera para wag nitong sabihin na s'ya ang nag bigay ng susi. Ayaw n'ya ng gulo, hindi pa rin s'ya handang mag-asawa pero oras na malaman ng parents nila ang ginawa nila ni Winter tiyak na pupuwersahin silang mag pakasal. Medyo guilty s'ya dahil matino s'ya kagabi habang si Winter naman ay lasing na lasing at wala na sa tamang pag-iisip. He took advantage na hindi naman n'ya gawain basta hindi na lang n'ya napigilan.
Tinawagan n'ya si Storm kaninang umaga at hinanap si Winter, hindi naman n'ya mahingi ang address nito sa condo. Na hihiya s'ya sa kaibigan at wala s'yang maisip na idadahilan kaya sinabi na lang n'ya na kunwari hinahanap n'ya dahil may atraso ito sa kanya at maniningil lang sana s'ya. Niloko pa s'ya ni Storm na wag na daw s'yang mag pari pakasal na lang daw n'ya ang kapatid nito tutal alam daw naman ng lahat ay may relasyon sila kahit wala naman dahil sa ginawang gulo ni Winter sa kasal ni Kate. Kailangn n'yang maka-usap si Winter ng masinsinan baka bigla nitong maisipan na pikutin s'ya dahil lang sa nangyari sa kanila hindi puwede. Hindi man s'ya totoong mag papari hindi naamn n'ya gustong basta nalang mag-asawa dahil lang nakipag one-night stand s'ya. Kaya kailangan n'yang ayusin ang angulong pinasok n'ya bago pa s'ya paupuin sa silya electrika ng Ninong Sky n'ya.