Kabado si Winter ng umuwi s'ya sa bahay nila dahil tumawag ang Mommy n'ya at pilit s'yang pina-uuwi. Natatakot s'ya paano kung nandun si Doel at sinabi nito ang ginawa nila nila. Kanina pa s'ya nag-iisip ng gagawin alibi, iniisip n'yang itanggi at kunwari wala s'yang maalala.
"Juickolord! tulong naman kahit ngayon lang forgive my sin, hindi ko sinasadyang lumandi. Dala lang po ng alak kaya na gawa ko yun. Pangako po itatakwil ko na ang alak mula ngayon hayaan n'yo lang po akong maka lusot sa isang pag kakamali kong ito. Lalo pa s'yang kinabahan ng makita ang kotseng dilaw na naka park na sa garahe ng bahay nila. Sa alala n'ya naiwan n'ya iyon sa parking lot kasama ng lalaki ka s*x n'ya kagabi dala ng kalasingan na nalimutan n'yang dala n'ya nga pala si Bumblebee sa bar. Natitiyak n'yang si Doel ang nag sauli nun. Possible din kayang nasa loob ng bahay nila si Doel since kaibigan din ito ng twiny n'yang si Storm.
"Huy! Anong ginagawa mo d'yan." muntik pang mapatalong si Winter sa gulat na mapatingala sa terrace sa taas ng makita si Storm.
"Patay ka kay Nanay!" sigaw ni Winter ng makitang may hawak na yosi si Storm na parang nagulat din na biglang pinatay ang hawak na yosi. Hindi nag yoyosi ang Kuya Cloud nila maging ang Tatay nila pero ang Nanay nila nag yoyosi kapag nag babayo lang ito pero nag banta ito sa kanilang lahat na kapag nakita sila na ginaya ang ginagawa nito kahit pa na tae. Ipapalunok daw sa kanila ang yosi at minsan ng na sampolan ni Thunder noong nasa high school palang ito literal talagang pinakain ng Nanay nila kay Thunder noon kay yosi at dahil yun sa kapatid nilang bunso na saksakan ng subungera noon. Kaya naman mortal na magka-away si Luna at Thunder mula noon hanggang ngayon.
"Isusumbong kita."
"Subukan mo dahil isusumbong din kita kila Nanay, hinahanap ka ni Doel kanina pang umaga." napalunok naman si Winter so totoong si Doel talaga ang naka s*x n'ya kagabi at hindi iyon panaginip.
"Ano nanaman ang ginawa mo?" bigla naman nakahinga si Winter ibig sabihin walang sinabi si Doel sa kapatid n'ya.
"Wala! Ano naman gagawin ko sa kanya ano."
"Hindi ka hahanapin ni Doel kung walang dahilan, kilala ko si Doel. May ginawa ka nanaman tiyak."
"Aba edi tanong mo sa kanya, I'm sure na mi-miss lang n'ya ako. Well sorry s'ya pakirabi hindi ko s'ya type." ani Winter sabay irap sa kapatid na ngumiwi pa habang papasok na sa loob ng bahay. Na natigilan sa pag pasok ng makita si Frank at Tracey na akala mo naman walang ginawang kahalayan at ang layo ng upo sa isa't-isa. Well sadyang hindi naman talaga nag tatabi ang dalawang ito noon pa kaya hindi man lang s'ya nagkahinala na may ginagawang kagaguhan ang dalawang ito.
"Bakit ngayon ka lang kanina pa kita tinawagan ah!" galit na tanong ng Nanay n'ya.
"Nag commute lang kasi ako Nay,"
"Oo, si Frank ang may dala ng kotse mo na kinuha daw n'ya sa isang bar kanina ng tawagan daw s'ya." napalunok naman si Winter na napatingin sa nobyo.
"Tita, can I speak to Winter in private." Magalang pang paalam ng nobyo n'ya sa ina na nakangiti pa bago tumayo. Huminga naman ng malalim ang ina na tumayo na din at niyaya pa ang BFF n'ya sa kusina para daw tulungan ang ina na mag handa ng hapunan nila. Senenyasan pa s'ya ni Tracey na dito daw ito matutulog ngayon gabi na gusto sana n'yang irapan. Nagulat pa si Winter ng biglang hawakan ni Frank ang braso n'ya ng mahigpit at kaladkarin s'ya nito palabas ng bahay nila patungo sa gilid ng bahay malapit sa garden ng Nanay n'ya.
"Anong ginawa mo kagabi!"
"Nag bar na mag-isa, tinawagan kita remember." malamig na tugon n'ya rito na pilit itong itinutulak dahil sobrang lapit nito sa kanya at literal s'yang sinasaktan sa paraan ng pag hawak nito sa braso n'ya.
"Mag-isa! Sigurado ka." pagak naman na tumawa si Winter kung makapag salita ito akala mo naman walang kababuyan na ginawa.
"Bakit di mo pa ako deretsohin, parang may gusto kang ibintang." gigil naman na inilabas nito sa bulsa ang isang foil pack na isinalaksak sa bibig n'ya na ikinagulat n'ya kaya galit na itinulak ito ng masaktan s'ya sa ginawa ni Frank na ngayon lang ginawa sa kanya. Mariin itong napamura pero pabulong lang iyon na kitang nag titimpi lang itong masaktan s'ya. Napatingin s'ya sa foil pack na nalaglag sa paanan n'ya. Balat iyon ng isang sikat na brand ng condom na kabado s'ya pero hindi n'ya ipinahalata. Napahawak pa s'ya sa kamay ni Frank na hinila ang buhok n'ya sa likuran. Tumalim ang tingin n'ya rito at parang gusto n'yang sumigaw at humingi ng tulong sa pamilya n'ya pero hindi nya gagawin yun dahil baka magkalasog-lasog lang ang katawan nito sa Mommy pa lang n'ya. Not to mention her father at dalawang kapatid na lalaking naroon sa bahay na iyon. Ang Kuya Cloud naman nila ay nasa kabilang bahay lang nakatira kasama ang asawa nito.
"Ipapaalala ko lang sa'yo na ako ang bumili kay Bumblebee na iniregalo ko sayo ng 1st year anniversary natin. At sa loob ng kotse ko na kuha ang letseng balot na yan na parehas natin alam kung ano yan Winter kaya isang tanong-isang sagot." mariin na tanong nito na palingon-lingon pa sa paligid.
"Are you f**king cheating on me."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Bitawan mo ako kundi sisigaw ko." banta pa ni Winter.
"Sige sumigaw ka ng malaman nila na ang mabait at masunurin nilang anak pokp*k at nag patira sa loob ng kotse na binili pa sa kanya ng boyfriend n'ya." wika pa ni Frank na gigil na sinabunutan pa s'ya pero gigil din na umigkas ang tuhod n'ya sa pagitan ng hita nito dahilan para mapaurong ito at mapadaing na bumagsak sa damuhan na sapo ang gitna. Inis na dinampot n'ya ang balat ng condom at isinilid sa bulsa ng pants nito.
"Wag mo akong sinusubukan Franky, hindi mo pa ako nakikita kung paano ako magalit. Kung gusto mo ng makipag hiwalay sa akin sabihin mo ng deretso hindi yun nag lalagay ka pa ng balat ng condom sa kotse ko para ibintang sa akin ang mga kababuyan na ginagawa mo. May 3rd eye ako gago! Alam ko kung anong ginagawa mo behind my back kaya umayos ka." ani Winter na ipinasok sa loob ng bibig nito ang balat ng condom sa buwisit n'ya. Bago ito iniwan na natigilan pa na napatingala ng makita si Storm na sarap ng upo sa pasimano ng terrace na ikinagulat pa ni Winter ng bigla itong tumalon mula sa taas pababa sa harapan n'ya.
"Sabihin mo lang babalian ko na ng isang tadyang." wika pa ni Storm, ngumiti naman si Winter na tinapik sa balikat ang kakambal.
"Tara na nagutom ako bigla baka ikaw ang balian ko ng tadyang." ani Winter na inakbayan si Storm papasok ng bahay nila.
"Maki pag break ka na! Gago pala yang jowa mo akala ko matino."
"Hindi ko gagawin yun?"
"Tanga ka!"
"Hindi! Kaya hindi ko gagawin yun kasi hindi ako tanga... kailangan muna makahanap ako ng bagong boyfriend bago ako makipag break sa kanya. Hindi ako mag mumukhang tanga sa harapan n'ya taga mo yan sa bato." napangiti naman si Storm.
"Si Doel, patusin mo na ikaw na manligaw makapal naman mukha mo, pinag kalat mo ng buntis ka sa buong angkan nila." tumawa naman si Winter.
"Pag wala ng choice baka pag tsagaan ko na lang s'ya."
"Wow huh! feeling mo naman wala ka naman su-so." ani Storm na ikina-awang ng bibig ni Winter na kukutusan sana ang kapatid ng mabilis na itong nakatakbo. Wala daw s'yang su-so wala sa sarili na sinakot iyon na apaw naman sa kamay nya, may su-so naman s'ya hindi nga lang kalakihan.
"lintik nga kung dedehin kagabi ni doel t___________pucha!" mabilis na tinampal-tampal ni Winter ang bibig ng maalala nanaman si Doel. Marahil iniwan ni Doel ang kotse n'ya sa parking lot at susi sa guard ng bar at dahil kay Frank naka rehistro ang kotse kaya ito ang natawan marahil kaya kinuha ang kotse n'ya na nakuha ang balat ng condom na ginamit nila ni Doel kagabi. Ano kaya ang gagaawin n'ya kapag nag kita sila ni Doel, mas tama siguro na iwasan na lang n'ya ito para tahimik na lang ang mundo n'ya.