'Wow! Ang ganda naman." Ngumiti naman si Winter ng tabihan s'ya ng store owner ng cafe kung saan nag papaint s'ya ng mural sa pader ng cafe. Nilingon ni Winter si Christian na inakbayan pa s'ya sabay simangot na inirapan ito.
"Para saan naman yun? Ano nanaman kasalanan ko."
"Cafe' ba talaga ito o hideout n'yo?"
"Parang may ibang laman yang utak mo, hoy! Wholesome kami ha." ani Ian na tumalikod para tinginan ang ibang painting na natapos na n'ya.
"Ang awkward lang kasi ang yayaman n'yo na may sari-sarili kayong mga negosyo tapos may pa cyber cafe' pa kayo para saan?"
"Kapag puno-puno ka na ng toxic sa katawan at stress ang gusto mo na lang makapag relax makakita ng ganito kagandang ambiance at mga paintings na magaganda tulad n'yang ginagawa mo. Kakaiba kasi ang cyber cafe' na yun nasa city pero ang theme parang isang hidden paradise na naligaw sa city. Puro halaman sa labas punong-puno ng mga magagandang bulalak luma lang ang building na hindi na pinabago ni Ian pinagapangan lang nito ng mga damong hindi n'ya alam ang tawag. Hindi pa man nag bubukas ang cafe' ang dami ng naka abang paano pangalan pa lang ng cafe' ma cucurious ka na coffee prince, ma papaisip ka bakit iyon ang pangalan pero ang desensyo ng cafe parang babae.
"Tian!" tawag ng isang britonong boses na saglit na ikinalingon ni Winter na ikinalaki ng mata n'ya ng makita kung sino ang pumasok sa loob. Kasosyo din ba ito sa cafe na yun napangiwi si Winter, legit talaga yung hiya na mararamdaman mo kapag makakaharap mo yung lalaking kumain ng PP mo. Halos ilang araw na din ang lumipas sapol ng kagagahan n'ya at iniiwasan muna din n'ya si Frank para naman hindi s'ya makonsensya sa ginawa n'ya. Kapag kasi nakikita n'ya ang nobyo na aalala n'ya ang kababuyan nito kaya pati s'ya nakipag babuyan na din.
"Oh! Enteng Kabisote, teka lang intay lang sagutin ko muna tong call. Take a look a round." wika pa ni Ian na nag paalam, bumilis bigla ang pintig ng puso ni Winter ng marinig ang yabag ng paa ni Doel na papalapit sa kanya.
"Ganda pero mas maganda kung _______hala ka!" bulalas pa ni Doel ng magulat na biglang idikit ng babaeng nag papaint ng pader ang paint palette nito. Napangiwi naman si Winter sa ginawa, na sisiraan na yata s'ya ng ulo bakit n'ya inihilamos ang pintura sa muka n'ya.
"Huy! Anong nangyari." tanong naman ni Ian ng makabalik at lumapit.
"Hindi ko din alam bigla na lang n'yang isinaklob sa mukha n'ya yung paint palette n'ya." wika naman ni Doel na nakatingin sa babae na biglang ikinasalubong ni Doel ng kilay bago unti-unting napangiti ng makilala kung sino ang babaeng nag papaint ng mural sa pader.
"Ang gaga mo naman bakit ginawa mong pang skincare ang pintura." nag mamadaling tumalikod si Ian at nag hanap ng tela na magagamit ni Winter na pang pahid sa mukha. Yumuko naman si Doel para itapat ang mukha sa mukha ni Winter na naka pikit habang punong-puno ng pintura ang mukha.
"You remember everything do you?" tanong pa ni Doel.
"Remember everything? Anong sinasabi mo?" tanong ni Ian na bumalik na may dala ng tela na pinunasan ang mukha ni Winter pero hindi agad iyon na tagal.
"Winter Mondragon, sagutin ko ba yung tanong."tanong ni Doel na halatang nang-aasar lang.
"Who is he?" patay malisyang tanong ni Winter na hindi idinidilat ang mata.
"Si Enteng, yung naka buntis sa'yo."biro pa ni Ian habang pinupunasan ang mukha n'ya.
"Enteng who?" kunwari pang nag isip si Winter.
"Ahhhhh! Yung anak ng Diyos na nag mamagandang lalaki nung kasal nila Dale, yung supot daw." biro pa ni Winter na gusto mapangiwi dahil bakit ba n'ya idinuktong ang supot. Narinig pa n'ya ang malutong na tawa ni Doel na akala mo naman kinikiliti sa itlog kung makatawa.
"Bakit tawang-tawa ka." natatawa na din tanong ni Ian.
"Wala may na aalala lang akong babae na naka one-night stand ko nung nakaraan. Ayaw-ayaw pa kasi supot daw ako pero gusto naman isubo ng buo."
"Yuck! Ang baboy huh! dyan muna kayo mag hihilamos muna ako." wika ni Winter kunwari pero ng mga oras na yun gusto na n'yang lumubog sa kahihiyan.
"Anong meron? Kayo na ba?" tanong ni Ian ng makatalikod ang dalaga.
"Sira-ulo." naman ni Doel na napatingin sa painting ni Winter.
"S'ya ba ang in-charge sa mga mural nitong buong cafe'."
"Oo, ang gaganda diba." ani Ian, 'di naman napigilan ni Doel ang mapangiti ulit ng maalala kung paano biglang inihilamos ni Winter ang paint palette nito kanina. Anong akala nito pag may pintura ito sa mukha hindi n'ya ito makikilala, malinaw lang na ibig sabihin na na aalala nito ang nangyari sa kanila dahil kung hindi, hindi nito gagawin ang bagay na yun.
"Alam mo na hihiwagaan ako sa mga ngiti mo na yan, hindi mo ugali yan. Hindi ka ngingiti ng walang dahilan."
"Ikaw din hindi rin ako sanay na maganda ang mood mo, dahil ba kay Winter? Do you have a crush on her?" tanong naman ni Doel.
"Wag mo akong bina-back to you dahil hindi tatalab sa akin yan. Ikaw si Winter ba ang dahilan ng pag-smile mo, meron ka na bang inililihim sa amin father." ngising biro ni Ian.
"Wala." pag sisinungaling ni Doel.
"Meron e! Na mumula ang hasang mo."
"Ewan ko sa'yo, pumunta lang ako dito para i-check kung okay na ba ang cafe' at mukhang matatagalan pa ang opening natin."
"Hindi na rin konting ayos na lang naman ito. Busy ka next month?"
"Hindi pa ako sure bakit?"
"Papunta akong US medyo baka matagalan ako dun, walang titingin rito sa cafe' pero na sabihan ko naman na sila Blue, Storm, at Ivo. Kayo na lang bahala kung sino available sa inyong sisilip dito habang wala ako." tumango naman si Doel ng sabay pa silang napalingon ng marinig ang pag kalansing ng pinto.
"Frank! Nasa banyo lang si Winter nag hihilamos." wika ni Ian sa lalaking bagong dating.
"Who is he?" pabulong ni Doel na nag tungo sa counter ng cafe' na tiningnan ang mga gamit roon, habang pasimpleng tinitingnan ang lalaking may dalang bulaklak at isang milk tea na naupo sa isang sulok ng cafe' habang iniintay si Winter.
"Karibal mo?" ngising bulong ni Ian na siniko ni Doel.
"Boyfriend ni Winter pero parang may sigalot kaya umabang ka." saka pa lang na aalala ni Doel ang pangalan ng lalaki. Ito yung lalaki tinatawag ni Winter habang nag ses*x sila.
"Ang pangit.' natawa naman si Ian na sinuntok sa hita ang kaibigan.
"Wag kang mapang lait, kasalanan sa Diyos yun, importante mukhang tao naman at mukhang mabango naman." sabay-sabay pa silang napatinging tatlo ng dumating na si Winter na natigilan na napatingin sa lalaking sinasabing boyfriend nito.
"Winter, baby please. Let's talk." wika pa ng lalaking nang ngangalan na Frank na lumapit pa kay Winter na iniiwas ang kamay na hahawakan sana ng lalaki bago ito tumalikod.
"Babe, I'm hungry...let's go." awang naman ang bibig ni Ian na nag palipat-lipat ng tingin kay Winter at Doel.
"What the hell are you doing?' bulong ni Doel.
"Sumakay ka na lang muna please."
"paano kung ayaw ko?" hamon naman ni Doel.
"Baby! Please, I know him alam ko na family friend mo lang sila." wika pa ni frank na lumapit pa sa kanila.
"Then you will have to marry me." mariiin na wika ni Winter na deretsong nakatingin sa mata ni Doel.
"Tagal mong mag banyo, let's go!" wika pa ni Doel na ikinagulat pa ni Winter ng bigla s'yang halikan sa labi at bago pa makapag react si Winter. Nag sasapakan na sila Doel at Frank sa loob ng cafe' habang pilit na inaawat ni Ian na napapamura na lang dahil parehas na malaking tao si Frank at Doel na parehas ng naka war mode.