RHAIVEN'S POV "Lala?" Nangibabaw ang tinig na 'yun sa kabuuan ng munting bahay na kinaroroonan namin. Lahat kami ay napatingin sa may pintuan kung saan naroon ang tinig ng isang lalaki. May kasama itong babae na kung susuriin ay magkasing edad lamang sila. Kung ako ang tatanungin, nagtataka talaga ako kung sino sila. Kung ano ang koneksyon nila kay Haila kaya ganoon na lamang ang gulat nito nang makita sila. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha ni Haila nang makita ang bulto ng lalaki. Napatayo ito at patakbong niyakap. Nakakunot ang noo ko dahil nagmumukha akong mangmang sa mga oras na ito sapagkat wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. "Kuya!" Emosyonal na ani Haila na ikinagulat ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa ng malaman na Kuya niya pala ang bagong dating. Totoo