THIRD PERSON'S POV "Kaawaan ka po ng Diyos, Sir." Napapahiyang ani ng matanda kay Rhaiven matapos nitong magsabi ng hindi kanais-nais kanina. Alam niyang narinig ng binata ang bawat salita na binitawan niya. Sinisi nito kaagad ang sarili dahil nasabi niya ang mga hindi dapat marinig ni Rhaiven pero tapos na, kaniya na itong nasabi. "Rhaiven nalang po, don't call me, Sir." Kumamot pa sa ulo ang binata. Mukhang pinagpasensiyahan nalang niya ang sinabi ng matanda sapagkat hindi pa naman siya nito kilala kanina. Kahit pa man mayroon sa parte nito ang nasaktan. Kalaunan ay binalewala nalang dahil hindi naman 'yun bigdeal sa kaniya. "E, amo ka po ng apo ko e, nakakahiya naman po s inyo." Nahihiya pa si Lola Sonia na tumingin sa napakagwapo nilang bisita. "Lola, wala tayo sa mansyon kaya pwe