RHAIVEN'S POV "Babyboy! Okay ka lang ba? Dalawang araw ka ng wala sa sarili ah," pag-agaw ni Luis sa aking atensyon ng minsan ay kumain kami ng snack sa isang cafeteria. Sumimsim muna ako ng drink bago sinagot. Sila-sila lang kasi ang nag-uusap kanina at ako ay wala sa sarili. "Naguguluhan kasi ako," ani ko. Nagkatinginan silang tatlo bago tuluyang itinuon sa'kin. Alam kong maski sila hindi ako maintindihan sa ngayon. "And why is that?" Napabuntong-hininga ako ng malalim. Do I need to share it to them? Baka puro asaran lang din ang makuha ko sa mga ito. Pero gusto ko ng may mapagsabihan sa mga gumugulo ng utak ko. "Si Haila kasi e." "Hulaan ko, inaway mo na naman no?" "Oh baka naman inlab ka na sa kanya," biro ni Chris kaya binato ko sya ng fries na nakahain sa harapan ko. "Ulol!