HAILA'S POV "So hija, kamusta naman ang pag-aalaga mo sa anak ko? Hindi ka ba nahirapan?" Hindi ko inaasahan na tatanungin nya ako ng ganoon. Kinabahan ako bigla. Napatingin sina Manang sa'kin at alam ko na ang ibig-sabihin ng mga titig na 'yun lalo na kay Manang Erica. "Okay naman po Maam, kahit nahirapan ako noong una," pag-aamin ko dahil iyon ang totoo. Ayokong sabihin lahat sa kanya ang mga ganap sa'min ni Sir. Alam ko kasing hindi sya matutuwa't mapapahamak pa kami. Tinapunan nya ako ng panandaliang tingin saka binalik sa pagluluto. Mararamdaman kong hindi sya kampante sa sagot ko at 'yun ang aking nasisiguro. Pero hindi naman yata sya magagalit tutal sinabi ko ang totoo. "Haila, hindi ka ba naaattract sa anak ko?" Namilog ang aking mata sa tanong nyang iyon. Natigilan kaming la