HAILA'S POV Hinabol ko si Sir dahil naiwan nito ang kanyang relo. Pagkakaalam ko, bawas kawapuhan 'yun sa kanya. Mas maarte pa yata sya sakin dinaig nya pa ako. Halos maligo n sya sa pabango sa dami ng nilalagay. Hindi ko sya nagawang kausapin. Lalo na at nakakahiya 'yung ginawa ko kagabi. Lakiramdam ko, lahat ng kahihiyan napunta sa'kin. At sa hindi inaasahang pagkakataon, may nahagip ang mata ko. Naroon sa 'di kalayuan si Sir at may grupo ng kalalakihan ang tumambang sa kanya. Kung ilalarawan ko, tahimik lang sya at hinayaang pagtawanan sya ng mga loko. Hindi ko maintindihan kung paano nya nakayang tiisin ang pang iinsulto nila sa kanya. Kaya naman nyang ipagtanggol ang sarili mula sa mga kalalakihan. Nakapagtataka dahil hindi nya ito ginawa. Mabilis akong lumapit sa kanilang gawi. Ma