RHAIVEN'S POV Selos. 'Yan ang naramdaman ko ng makita kahapon sina Kenneth at Haila na magkayakap. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong makaramdam ng ganoon. Wala akong makitang sapat na dahilan. Galit ako sa kanya dahil buong campus pinagbubulungan ako. Kahit saan ako tumingin hindi nakatakas ang mga tao sa'kin. Masyadong traydor ang puso ko dahil galit na nga ako sa kanya, nagagawa ko pang makaramdam ng selos. Hindi ko kinayang sumabay sa kanya na kumain ng snack at kahit pa man lunch. Nagpabili nalang ako kay Luis at kumain sa hindi masyadong matao na lugar. Hindi sa umiiwas ako sa mga tao pero gusto kong mapag-isa. Nahihiya rin akong humarap kay Kenneth dahil nalaman kong nasapak ko pala sya nung gabing nagyaya akong uminom. Alam ko naman kasi na sasabay si Kenneth sa kan