Chapter 15

1049 Words
Aria Monique’s Point of View “Will you be fine?” Halos hindi ko namalayang nandito na kami sa harap ng susunod na klase ko. Praang nawala ako sas arili after the heated conversation i had with the biggest asshole i’ve met in my life. Sobrang nandidiri ako kapag naiisip ko yung mga panahong inakala kong siya na natala. Napaka walang kwenta niyang tao.  “Okay na ako,” i answered him. He looked extremely worried kaya sinubukan kong ngumiti para maniwala siya na okay na talaga ako.  “Pumasok ka na. Baka malate ka pa,” i exclaimed habang halos ipagtulakan ko na siya para lang umalis na. Malapit lang naman ang building kung saan ang klase niya pero ayoko pa ring mahuli siya.  “First day pa lang naman. Maybe I can sit in?” he asked habang tumitingin sa loob ng classroom. Nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa suggestion niya. Sabi ko na nga ba. “No Carter. Pumasok ka na please. Mas lalong sasama yung loob ko kapag umabsent ka,” pamimilit ko ulit. I even held his arm para tuluyan na siyang mahila palayo sa pinto ng classroom.  “So masama nga ang loob mo?” panghuhuli niya pa sa akin.  “Medyo nastress lang ako pero keri lang! Ano ka ba, magpapaapekto ba naman ako sa palakang yun?” I still tried hard to convince him.  “Are you sure?” he asked, still worried as he held my face. Hinawakan ko naman yung kamay niya na nasa may pisngi ko and gave him a genuine smile.  “I promise I'll be okay. Pumasok ka na sa klase please,” i almost beg him. Mukhang nakumbinsi ko naman na siya dahil unti unti nang nagbago ang facial expression niya.  “Okay. hihintayin kita mamaya,” he exclaimed.  “Itetext kita kapag maaga kaming pinalabas,” i answered as i waved goodbye at pumasok na sa classroom.  I have a 3 hour class after ng klase na to samantalang si Carter naman ay lalabas na ng 5:30. He said he’ll wait for me sa library at gagawa na din daw siya ng mga requirements kung meron na. Pero I doubt because it’s just the first day.  Maaga din namang dumating yung prof and just like the other classed i had, wala namang ginawa kung hindi discussion ng syllabus. Very technical ang prof ko dito so I really need to focus on my projects and reporting.  Maagang na-dismiss yung klase pero ang sunod kong klase ay sa Physci building and i dread to go back there so i decided to just stay in the classroom. Some of my classmates stayed as well kaya hindi naman ako nag mukhang loner.  Medyo kumalma na ako after ng nangyari kanina. Pero ngayon na naiisip ko ulit ay umiinit nanaman yung ulo ko. But I refuse to ruin my day just because of a cheating bastard. Wala na siyang papel sa buhay ko pero ang hilig pa rin umeksena. Ang kapal talaga ng mukha.  Nagbasa ako ng kung ano ano sa phone at nang mabore ay nilabas ko nalang ang iPad to sketch a few drawings. May alam naman ako pero more ako sa digital arts kaysa sa hand drawn. I’m really grateful for technology. Carter is also good with paintings and art stuff and he can do both digital and by hand. Syempre, engineer yun eh.  When the clock striked at 3:45, nagsimula na akong maglakad pabalik ng physci. Sa may likod ako dumaan para hindi ko na kailangang makita si Kian kung sakali mang nakatambay man siya sa tambayan ng org. Mabilis akong naglakad papunta sa third floor. Nararamdaman ko na may mga nakatingin sa akin pero thank god at wala namang lumapit para magtanong.  When i reached the room, bukas na at nandoon na yung mga kaklase ko. My last class for the day is Statistics at laboratory class siya kaya for three hours. Maliit lang yung room at ang lakas ng aircon. Okay na rin para lumamig ang ulo ko. But I'll make sure to bring a jacket next time, para kaming nasa north pole eh.  Akala ko magdidiscuss lang din kami pero the professor gave us a diagnostic exam para daw magauge kung ano ng alam namin sa statistics. Hindi naman siya graded so hindi ko na rin masyadong pinahirapan ang sarili ko.  After the short test ay nag discuss na din ang prof about the syllabus and the activities that we’ll be doing. He also advised us to practice the application that we’ll be using for the course which is yung R. Magpapaturo nalang ako kay Carter since siya yung magaling sa mga ganito.  We were dismissed at exactly 6 pm. Hindi na rin masama dahil 1 hour early naman siya. I immediately texted Carter and he replied na maghintay nalang daw ako sa harap ng building. So I did that.  After waiting for a few minutes, nakita ko na yung Sedan niya. Agad naman akong pumasok sa sasakyan and i was greeted with a cup of ice cream in his hand.  “Wow, may pa ice cream si Mayor. Para saan ‘to?” I asked while he was already driving.  Agad ko naman ng binuksan yung ice cream at nilantakan. Meron naman ng spoon so pwede na siya kainin. Maliit lang na cup kaya okay lang kahit ubusin ko siya before dinner.  “To cheer you up,” he answered as he maneuvered the car papuntang UP gate. But as usual, traffic dahil chinecheck pa ng guards yung stickers ng mga sasakyan.  “Okay nga lang ako. Ang kulit mo,” i exclaimed. Nakahinto yung sasakyan pero nagulat pa rin ako ng hilahin niya ako palapit sa kanya. He hugged me to his chest. Ang lamig ng ice cream at ng aircon ng sasakyan niya pero ang init ng yakap niya. I feel so comfortable.  “I’m sorry that you had to go through all of that,” he exclaimed as he caressed my back.  I already said i’m okay pero dahil sa mga sinasabi at ginagawa niya ay parang nararamdaman kong gusto kong umiyak.  “Okay nga lang ako,” I exclaimed as I fought the sobs crawling in my mouth.  “It’s okay to cry, Monique. ”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD