Chapter 14

1940 Words
Aria Monique’s Point of View “I…..I don't know.” Nakasimangot na si Carter habang naglalakad kami kasi kahit na ang pogi niya, hindi pa rin siya sanay na pinagtitinginan siya ng mga tao. Syempre! Hindi naman siya artista para picturan pa. Oo, nakita ko yung isang babae kanina sa may first floor na nakatutok yung phone kay Carter habang nakangisi pa. Akala mo talaga paparazzi siya. Well, I’m assuming na itong kasama ko yung kinukuhanan kasi nakatutok talaga.  “May dumi ba ako sa mukha?” hindi na nakatiis si Carter at humarap pa sa akin. Kunot na kunot na yung noo niya at kung hindi ko lang ‘to kilala, iisipin kong manununtok na siya any second from now.  “Wala naman eh,” sagot ko na nakakunot na din ang noo. Nakakaloka bakit nga ba? Ngayon lang ba sila nakakita ng pogi? Eh third year na ‘to si Carter!  Hindi namin namalayan na nasa second floor na kami. Nagpaalam siya saglit na magbabanyo siya. Syempre, nandito yung mga tambayan ng orgs sa elbi kaya hindi pa lumipas ang limang segundo ay may narinig na akong tumatawag sa akin.  “Aria!”  Nakita ko si Lana pagkalingon ko. Batchmate ko siya at same din kami ng degree program. Well, masasabi kong kaibigan ko naman siya pero hindi naman kami gaanong malapit. Si Carter nga lang kasi talaga yung kaibigan ko na wala akong inhibitions.  “Uy...” kumaway na lang ako sa kanila at balak na sanang tumalikod kasi ang dami nila sa table pero tinawag ako ni Ciacia, yung presidente namin. Mabait siya, kaya hindi ko din nagawang tumalikod na lang at ignorahin siya.  “Tambay ka muna!” pagyaya niya sa akin. Nakakamiss din pala talaga silang kasama. Kahit hindi ako masyadong people person ay naramdaman ko namang mga mababait sila. Pwera syempre sa hampas lupang Kian na yun.  Speak of the devil and the devil will show himself. Palakad na sana ako kasi balak ko din naman talagang hintayin saglit si Carter na nagbanyo pero biglang dumating ang hampas lupa at ang malandi niyang jowa. Napahinto tuloy ako sa paglapit sa kanila.  “Aria, kamusta? Sana okay ka na,” he exclaimed habang ngumingiti ng tipid. Nag-hang naman yung utak ko kasi ewan ko ba, parang gusto ko siyang tadyakan sa bayag. Ang kapal ng mukhang kausapin ako pagkatapos ng ginawa niya.  Mukhang natulala ata ako ng matagal dahil napansin kong palakad na siya palapit sa akin samantalang yung mga nasa table naman ay nagmamasid lang sa amin.  “Uy… Aria, magkaayos na tayo. Alam ko namang nag-inactive ka dahil sa nangyari sa atin. Ayusin na natin ‘to kahit para sa org lang,” he added na parang siya pa yung putang inang biktima. Wow, ang feeling? Ang kapal ng mukha talaga, ang sarap kiskisin ng bato! Parang biglang nandilim yung paningin ko. Hindi na ako makapag-isip ng maayos kasi gusto ko nalang siyang suntukin. Nagpapa-awa pa ang hayop. Bakit ko ba ‘to nagustuhan? Ganun na ba ako kasabik sa pagmamahal at nakuha kong magkagusto sa palakang ‘to? Naniwala talaga ako na siya na si prince charming? Kadiri! “Aria……. Hahayaan mo naman ba na yung nangyari sa atin ang maging dahilan ng ilangan sa org?” sabi pa niya at ambang hahawakan pa yung kamay ko. Naramdaman kong may humila sa akin para hindi niya ako mahawakan. Amoy pa lang ay alam kong si Carter na yun.  “Gago ka ba?”  Nagulat ako nang biglang magsalita si Carter. Dinala niya ako sa likod niya to blocked Kian from my view kaya hindi ko nakita kung anong naging reaksyon ng hayop nang murahin siya ni Carter. Mahina lang yun pero alam kong narinig ng mga nakapaligid sa amin. Kasama na dun yung mga members ng org.  “Anong sabi mo?” kahit hindi ko siya kita, narinig ko sa boses ni Kian yung pagbabago ng tono niya. Nainis siguro.  “Tinatanong ko kung gago ka ba? Hindi mo naiintindihan? Bobo ka na rin?” Napalingon ako sa mga members ng org ng may narinig akong hagikgik. Nakita kong nakatakip ng bibig sila Archer at Kenneth, mga batchmates ko din. Pati sila Erickson at Paolo na mga officer sa org ay mga nakatakip ang bibig, natatawa siguro.  “Ang bastos ng bibig mo, ah! Hindi ka ba tinuruan ng manners sa engineering?” mayabang na sagot naman ni Kian.  “Ikaw, cheating ba ang tinuturo sayo?” Nakarinig ako ng mga ‘ohhh’ sa mga taong nakapaligid sa amin. Nakakakuha na ata kami ng atensyon at balak ko na sanang hilahin si Carter palayo kasi ayoko naman magkaroon ng komusyon pero biglang tumayo ang haliparot na Amelia at tinabihan ang palakang si Kian.  “Carter, ‘wag ka namang ganyan makipag-usap. Para namang wala tayong pinagsamahan,” mahinhin niyang sabi. Kung hindi nagsisinungaling si Lana, may gusto dati ang haliparot na ‘to kay Carter. Eh hindi siya pinapansin, kaya siguro humanap ng ibang malalandi.  “Kinakausap ba kita? Hindi ka din tinuruan ng manners? Puro landi walang character development?” This time, narinig ko na talaga yung tawa ng mga taong nakapaligid sa amin. Kahit ako, medyo napangisi nalang kasi ang harsh ni Carter pero ay lab it! Ang palaban ng best friend ko.  “Tarantado ka ‘wag mong ganyanin ang girlfriend ko!” Nagulat ako kasi bigalang naglakad palapit si Kian kay Carter at kinwelyuhan niya. And mind you, ang liit lang ni Kian at ang tangkad ni Carter kaya nagmukha siyang trying hard masyado! “Bitawan mo ako bago kita ibalibag.” Nagulat ako sa tono ng boses ni Carter. Natatawa yung mga tao sa paligid namin pero ako kinakabahan na kasi baka seryosohin ni Carter at magkagulo pa dito. Ayokong madala pa to sa dean.  “Ang yabang mo ah!”  Hindi naman nagpaawat si Kian at mas lalong hinigpitan ang hawak sa damit ni Carter. Napaigtad ako ng biglang napasigaw yung mga tao. Hindi ko na napigilan at sumilip na ako. Si Kian at Amelia ay nakasalampak na sa sahig. Paiyak na si Amelia tapos si Kian naman ay pulang pula na ang mukha pati leeg. Very evident sa kanyang umuusok na siya sa galit dahil maputi siya.  “Putangina tinulak lang kita nag swimming ka na sa sahig? Kumakain ka pa ba?” Nang-aasar na sabi ni Carter habang nakatagilid pa ang ulo. Juice colored, ang hot! Pero nakakatakot!  “Carter, tara na.” Hinihila ko na siya kasi dumadami na yung taong nanonood sa amin.  “May klase pa tayo,” I added para lang tuluyan na siyang mahila palayo doon. Sa wakas naman ay tumingin na siya at nagpahila na din palayo. Worried na talaga ako na baka mag-escalate pa ‘tong gulo na pinapasok niya.  Nagsimula na kaming maglakad nang magsalita si Kian.  “Carter! Galit ka ba dahil baliw na baliw sa akin yang kaibigan mo? Itanong mo kung bakit! Itanong mo kung saan ako magaling!”  Tatawa tawang sabi ni Kian. Napatigil naman ako sa paglalakad kasi kahit indirectly niyang sinabi, parang tinawag niya na din akong puta. Hayop siya. Pinapalabas niya bang may nangyari sa amin? Na bumigay ako sa kanya? Aba putang ina pala siya eh.  “Anong sinabi mo?” Magsasalita pa lang sana ako pero nauna ng lumapit sa kanya si Carter. f**k! Nakita kong nanggagalaiti na siya at natatakot akong baka magsimula siya ng away. Mahirap magkaroon ng record sa university! Agad naman akong lumapit para mapigilan siya sa kung ano man yung gusto niyang gawin pero ang putang inang si Kian ay mas lalo pang nangpo-provoke.  “Ang sabi ko, ang sarap ng bestfriend mo!” Alam kong naririnig na ng lahat ang nangyayari dito at nanlulumo na ako kasi ngayon pa lang ay alam ko nang pag-uusapan ako. Umiiwas na nga ako sa gulo tapos ganito pa yung mangyayari.  “Putang ina ka!” Sumugod na si Carter at kinuwelyuhan si Kian pero bago niya pa masuntok ay nagsalita na ako. “Carter tama na!” gulo ko ‘to. Ayokong madamay pa siya. Di bale ng pag tsismisan ako ng mga tao sa buong university basta ‘wag lang siyang masangkot sa kahit anong gulo.  “Oh, ano? Tigil ka na daw,” tumatawa ang gagong Kian habang hawak siya ni Carter sa leeg. Putang ina niya talaga.  “Ano? Sige suntukin mo ako. Pero hindi na niyan mababago ang lahat ng sinabi ko. Hindi ba compliment pa nga ‘yun?” dagdag niya pa.  Anong karapatan niyang pag salitaan ako ng ganyan? Putang ina niya siya pa ang may kapal ng mukha na mag-attitude pagkatapos ng ginawa niya sa akin? Nakikita ko na kung gaano namumula si Carter. Kung hindi dahil sa hawak ko siya sa braso ay paniguradong makakagawa siya ng bagay na pagsisisihan niya din sa huli. Pero putang ina bakit kailangan kong manahimik? Asan na ang tapang mo Aria? Para sa binabad na sukang palakang ‘to ay magpapatalo ka?  “Ikaw ba? Natikman mo na? Mahina ka naman pala eh,” dagdag ni Kian na nakapag pasabog na sa akin. Hayop siya. Gulo ba ang hanap niya? ‘Wag na wag niyang babastusin din ang kaibigan ko dahil lintik lang ang walang ganti.  “Masarap ako?” I smirked. “Paano mo nalaman eh hinahawakan mo pa lang yung kamay ko nasusuka na ako?” I added while laughing at him. Ang kapal ng mukha niya.  “Diba nga yun yung dahilan kung bakit ka naghanap ng iba? Kasi ayokong magpahawak sayo? Oh ayan, nakahanap ka naman ng linta ah, anong problema mo?” Tinignan ko ng masama si Amelia na nakayuko na lang. Aba, kung pinipigilan niya din ang bunganga ng lintik niyang boyfriend ay hindi kami aabot sa ganito. Ramdam ko yung katahimikan sa hallway kung nasaan kami at ramdam ko din na pinagtitinginan kami. Para kaming telenovela sa telebisyon.  “Bakit? Umaayaw na din ba tong p****k na napulot mo?” tanong ko ulit. Nakita ko namang napa angat ng tingin si Amelia sa akin. Umiiyak na siya at namumula na ang buong mukha. “Bakit Amelia? Maliit ba?” I sarcastically asked at tinignan si Kian mula ulo hanggang paa. “Kung sabagay, ego lang naman yata ang malaki sa gagong ‘to eh,” I added.  “Tama na…..” bulong ni Amelia habang mas lalong lumalakas ang iyak. Si Kian naman ay namumula na din ang mukha. Halatang galit na at malapit ng sumabog.  “Oh bakit ganyan ka makatingin? Galit ka na?” I mocked him again. “Gusto mo din ba akong sapakin? Sige try mo para makita ng lahat kung gaano kabaho ang ugali mo!” “Ang kapal kapal ng mukha mo! Pagkatapos mong magloko ay ako pa talaga ang ipapahiya mo? How dare you! How dare you insinuate na hahayaan kong masira mo ang puri ko? Yuck! Isa ka lang uod Kian! Wala kang kwentang tao at wala akong pakialam sayo! At mas lalong wala akong pakialam sa relasyon niyo ng p****k na yan!” “Calm down….” I was about to lash out more when I felt Carter wrapping his arms around me. Naramdaman ko siya sa gilid ko at ang mukha niya sa leeg ko. Halos hindi ko namalayan na nanginginig na pala ako sa galit.  “Tigilan mo ako Kian. ‘Wag mo na akong kausapin ulit, because the moment I hear my name from that filthy mouth of yours again, hindi mo magugustuhan ang lalabas sa bibig ko. Baka nakakalimutan mong alam ko ang mga sikreto mong hayop ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD