Chapter 16

1102 Words
Aria Monique’s Point of View “Sinabi na kasing okay lang ako eh. Yan tuloy,” I exclaimed as I wiped my tears with the tissue he gave me earlier.  Nagsimula ng umandar ang mga sasakyan kaya kailangan na niyang mag drive at kailangan ko nang bumitaw sa yakap niya. We were quiet for a while at hindi ko alam kung anong sasabihin. That's why I almost sighed a sigh of relief when he opened another conversation.  “What do you want to eat?” he asked.  “Can we have sinigang?” I exclaimed.  Napalingon naman siya ng saglit sa akin before putting his attention on the road ahead. Nagkita na siguro at baka mas lalo ko lang pinatunayan na hindi ako okay. Of course sinigang is my comfort food. At sabi ko nga, kahit ano naman kinakain ko kaya hindi siguro siya sanay na nagrerequest ako ng specific na pagkain.  “Okay. Do you want to eat in Sweet Keish?” he asked again.  Sweet Keish is a local restaurant dito sa elbi. Sikat sila dahil sa filipino foods at masarap talaga ang sinigang nila. Hindi din masyadong crowded sa lugar kaya gusto din doon kumain ni Carter. Pumayag naman na din ako kaagad kasi compared sa ibang restaurant, relatively cheaper na ang mga pagkain doon at feeling ko ay afford ko naman.  Nakarating naman kami kaagad ang kaso ang hirap ng parking kaya naghanap pa kami sa ibang lugar at nagbayad na lang. Naglakad kami papuntang Sweet Keish. The wind is cold kaya hindi na ako nagtaka ng inakbayan ako ni Carter.  “People are still staring,” i told him habang naglalakad kami sa sidewalk. May mga tao pa rin talagang tingin nang tingin. Pero ngayon, hindi ko na sigurado kung sakanya ba o sa akin na nakatingin dahil sa nagawa kong eksena kanina.  “Just ignore them,” Carter exclaimed as we continued walking. Nakaating naman kami kaagad kasi nga malapit lang naman yung paid parking. The restaurant isn't full but again, nakatingin nanaman sila.  “What are these people’s problems?” hindi ko na maiwasang mainis kasi akala mo naman artista kami kung pagtinginan nila. Kung may problema sila aba sabihin nila hindi yung parang tarsier sila na pinapanood lahat ng galaw namin.  “Do you want us to go?” he worriedly asked.  “I want to. But i want sinigang,” i exclaimed habang nakakunot ang noo. Ugh! This is supposed to be a good day! Bwisit talaga ang palakang si Kian, buong araw ko na yung sinisira niya! “Take out?” he asked. He was looking at me like i’m such a fragile thing na kailangan niyang mag-ingat sa mga sasabihin niya. I hate it when he does that. We’re best friends, but he’s not my slave! He doesn't need to conform to me all the time.  “That would be such a hassle,” I exclaimed habang tinitignan na ang menu. I just need to do something kasi umiinit na talaga ang ulo ko. “Dito na tayo kumain para makauwi na din ng maaga,” i added.  I wasn't looking at him but I sensed it when he sat in front of me.  “Are you okay?” he asked. Again. “Okay lang,” i answered as i put down the menu dahil wala namang kwenta yung ginagawa ko kasi nga sinigang naman talaga yung gusto kong kainin.  “May napili ka na?” I asked him. Mukhang hindi pa siya nakakapili because he quickly scanned the menu bago tawagin ang ang waiter.  “One order of sinigang, an order of baby back ribs, nachos, chili fries and two water please,” he told the waiter.  Tinanong pa siya sa sizes ng mga inorder niya habang nakatulala nalang ako. Gusto ko na lang umuwi at matulog. Tapos magdasal na sana iba na yung sitwasyon bukas.  When the waiter left, may grupong pumasok sa restaurant at ung sinuswerte ka nga naman, mga tao pa sa org.  “Aria! Carter!” I saw Ciacia with the other members. The only consolation was wala sa grupo si Kian at ang haliparot na si Amelia.  “Okay lang ba kayo,” she asked. She looked concern at naniniwala naman ako na totoo yung pinapakita niya sa akin so i answered her politely. Nakita ko namang tumayo bigla si Carter. Hindi ko na tinanong kung bakit kasi baka magbabanyo lang siya.  Umupo sila Ciacia sa katapat naming table t patuloy na kinausap ako.  “Napagsabihan na namin si Kian. we’ll also have a special meeting regarding sa magiging consequence ng actions niya,” Ciacia started telling me about the supposed meeting.  “Do I need to attend?” I asked. Hindi naman sa ayokong sumali pa ng org, ayoko lang talagang makita si Kian.  “Sana. but of course we would understand if ayaw mo. nakakabastos naman talaga yung mga ginawa ni Kian. hindi ko akalain na ganun siya. Wala naman sa inyong dalawa yung nagsabi na ganun yung nangyari. Akala namin nagising sila ni Amelia after you broke up,” she exclaimed.  Ngumiti na lang ako kasi malamang hindi talaga sasabihin ni Kian na yun yung dahilan. Mapagpanggap yung bakulaw na yun eh. Feeling perfect pero pulpol naman. Walang kwenta. And as for me, ayoko na lang talagang ma associate sa taong yon. Ni hindi ko na binuksan yung conversation about sa nangyari kasi sukang suka na talaga ako sa nangyari sa akin. Ang kapal ng mukha ng manlolokong yun.  “Pero sis ano ba talagang nangyari? Nagawa yun ni Amelia sa yo?” Jared, one of the members na kasama ni Ciacia ang nagtanong. Ito ang iniiwasan ko, yoko talagang pag-usapan yung nangyari kasi naaawa din ako sa sarili ko. Tapos gusto pa nilang ikwento ko? “Paano mo nalaman na nagche-cheat sila sayo? Nahuli mo?” Kiko, another member, joined the conversation.  Pilit ko nalang silang nginingitian kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sasabihin ko banag nakipag break si Kian sa mismong monthsary namin dahil sila na ni Amelia? Sasabihin ko ba na ilang beses muntik may mangyari sa amin kasi naguguilty na akong magka relasyon kami pero ni hindi ko siya mapayagang hawakan ako sa mga parteng wala pang nakakahawak bukod sa sarili ko? Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong nila.  Before I could open my mouth, dumating si Carter with paper bags in his hand.  “Tara na,” he exclaimed as he grabbed my hand.  “Una na kami,” nagpaalam siya kila Ciacia bago niya ako tuluyang hilahin palabas ng restaurant. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD