Chapter 5

1836 Words
Aria Monique’s Point of View “Sorry.” Sambit ko habang nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya ko.  “Bakit ka nag-sosorry?” Tanong naman ni Carter habang pinupunasan din ang buhok niya. Sabay kaming naligo. Oh, ang dumi ng mga isip niyo ha. Sabay kami pero sa magkaibang banyo. Dito ako sa kwarto niya tapos siya naman dun sa common bathroom nila dito sa second floor.  “Ang gulo ng mag-inang yun. Nadadamay ka pa pati si tita,” I explained sabay upo sa kama niya. Nakakahiya talaga. Hindi ko nga alam paanong nakakaharap pa rin ako ng parang wala lang sa pamilya ni Carter. Dito kasi sa subdivision, kalat na yung nangyari sa pamilya ko. Aba, ano bang ineexpect mo sa mga chismosang kapitbahay dito? Buti nga si nanay Tess hindi naman nagbago ang pakikitungo sa akin. Concern naman na siya dati pa sa akin.  Yung iba kasi naming kapitbahay feeling nila isa kaming palabas sa TV na pwede silang magbigay komento kahit wala namang nanghihingi. Sobrang dami nilang unsolicited advice at sobrang nakakairita na ang invested nila sa buhay ko samantalang wala naman akong pakialam sa kanila. My mother left us, and then my father brought home a woman with a teen for a daughter. And I'm left alone with a broken family. f**k. Ang pangit ng buhay ko. Ano bang ginawa ko para maranasan lahat to? Ang unfair. Sobrang unfair.  “Monique….Monique!” Bigla akong napalingon kay Carter ng maramdaman siya sa harap ko with his face very close to mine.  “Ano...” bulong ko dahil sobrang lapit talaga ng mukha niya na akala mo naghahanap siya ng blackheads sa mukha ko. Wala siyang mahahanap no! Mala telenovela ang buhay ko pero maganda pa rin naman ako, buti nalang.  “I’ve been calling you,” he exclaimed habang nakakunot ang noo. Hindi ko siya napapansin kasi ang lalim na naman ng iniisip ko .  “Sorry,” paghingi ko ng tawad. “Stop saying sorry. What are you thinking about so deeply na hindi mo na ako marinig?” he asked habang nakakunot pa rin ang noo. It’s like he's scrutinizing me and he’s seeing everything about me. Well, he does see through me. And ang walang sense lang na magsinungaling sa kanya kasi lagi naman niya akong nahuhuli. But I still tried.  “Nothing,” I answered as I averted my gaze. Mahihiga na sana ako nang hatakin niya ang kamay ko. “Ano?” “What are you thinking?” he asked again. I can't help but sigh. Ang hirap naman maglihim dito kay Carter.  “Carter….” “Hmm?” “Payakap,” I exclaimed habang itinataas ang dalawang kamay ko to welcome him in a hug. Without  saying anything, sinunod naman niya ang gusto ko. He scooted over hanggang sa nakapalibot na sa katawan ko ang mga kamay niya and his head on my neck. Parang ako pa ang nag-spoon sa kanya eh ang laki niyang tao.  “Are you okay?” he asked habang nakayakap pa rin sa akin. Naramdaman ko pa ang mainit niyang hininga sa leeg ko ng magsalita siya. Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya at naramdaman ko namang humigpit ang yakap niya sa akin.  “What is it?” Tanong niya at tumingala sa akin.  Hindi ko na napigilan ang mga luhang unti-unting pumatak mula sa mga mata ko patungo sa aking pisngi. Agad ko namang pinunasan kasi ang oa ko lang. Naiinis ako sa sarili ko. Napaka walang kwenta kong tao. Siguro sobrang insignificant ng buhay ko kasi kung tapak tapakan ako ng mga pagsubok na binibigay sa akin parang wala man lang balak na paahunin ako ulit. Parang hanggang dito nalang talaga ako. Ang sakit lang.  Nagulat ako ng biglang bumitaw si Carter sa yakap. Akala ko iiwan niya na ako doon pero sumampa siya sa kama at sumandal sa headboard bago ako hilahin para mapaupong kaharap siya. I was sitting astride him with his hands on my waist. Ang hirap tuloy itago ng mga luha ko. I tried to wipe them with my hand pero agad niyang hinuli ang mga kamay ko at ipinirmi sa gilid.  “You know that you can tell me anything. Right, Monique?” he asked. Nakakunot ang noo niya at nakikita kong malungkot at concerned ang mga mata niya. Ano ba yan Aria. Nandadamay ka pa ng iba sa kamiserablehan ng buhay mo. Nakakahiya ka talaga.  “Wag na natin pag-usapan Carter kasi ang depressing lang,” I tried to explain pero hindi pa man ako natatapos magsalita ay nakikita kong hindi siya papayag sa gusto kong mangyari.  “Do you really not want to tell me?” he asked. Nakita kong may dumaang takot at lungkot sa mga mata niya. Why is he afraid? What is he afraid of? “Kasi….” I tried to start telling him. We’re best friends. Kahit na mahirap, ayokong maramdaman niya na I’m excluding him from my life. Ayokong mangyari yun sa amin. Ayokong magalit siya sa  akin. Pero bumubuhos lang talaga yung luha ko kapag tinatry ko na magsalita. Nakakainis! Bat ba ako iyak ng iyak. Ang iyakin ko! “You don't have to tell me kung ayaw mo talaga,” he exclaimed at hinila ako para mapa yakap sa kanya. My face is on his chest, ang kaliwang kamay niya ay nakayakap sa baywang ko samantalang hinahaplos naman ng isa ang buhok ko. It was so relaxing. With Carter, I am really at peace.  “Bakit..” sabay hikbi ulit, hindi ko mapigilan ang mga hikbi ko kaya nahihirapan tuloy akong magkwento. “Bakit ganun? Ang unfair? Bakit ganun Carter? Bakit wala akong nanay? Bakit niya ako iniwan? Hindi niya na ba talaga ako mahal?” I repeatedly asked him while crying uncontrollably. Parang any minute from now ay mahihirapan na akong huminga.  “Shh...” pag-aalo naman niya sa akin. He’s not saying anything else. Siguro ay dahil ineencourage niya ako na magsalita pa. I composed myself. I really tried hard to stop myself from crying para kahit paano naman ay makapagkwento na ako.   “Tapos si papa naman. Bakit ganun siya? Nakalimutan na ba niyang anak niya ako? Did he really believe na tatratuhin ako ng maayos ng bago niyang pamilya? Is he really that stupid to beleive na okay lang ako? Does he even care about me?” patuloy kong pagsasabi ng mga hinanakit ko sa buhay.  “Tapos si Kian naman. Ang dali sa kanya na ipagpalit ako na parang wala kaming pinagsamahan? Ganun ba talaga ako kahirap mahalin? Ganun ba kahirap manatili sa akin?” hindi ko nanaman napigilang mapaiyak.  Ngayon lang ata ako nagka-chance na umiyak ulit ng ganito. Sobrang wala akong oras na umiyak kasi ang daming nangyayari sa buhay ko. Parang wala akong karapatan na mag-breakdown kasi wala ng matitira sa akin kung titigil ako. Ang hirap.  “Why am I like this, Carter? Lahat sila iniwan ako so baka ako talaga ang problema? Baka talagang I don't deserve their love? Baka wala akong karapatan maha--” “You’re wrong.” Napatingin ako sakanya ng bigla siyang magsalita. I noticed how red his eyes are. Hindi siya umiiyak pero bakit namumula ang mga mata niya? He also looked angry. I saw how he clenched his jaw na parang nagpipigil ng galit niya. Is he mad at me? “Galit ka?” natatakot kong tanong. Ayokong magalit siya sa akin. Ayoko. Hindi ko na kakayanin kapag pati siya umayaw na sa akin.  “Hindi mo kasalanan na your parents are irresponsible enough to leave you behind.” Nagulat ako ng sabihin niya yon. I’ve never heard him talk s**t about anyone. Well, except kay Kian na kulang nalang ay abangan niya sa may UP gate noong nalaman niya ang nangyari sa akin. But with my parents? Palagi akong nag rarant sa kanya pero lagi niya lang naman akong kinocomfort but he never really commented on what my parents did until now. Hindi ko inaasahan na ganun pala ang opinyon niya. “I respect them. I truly do because they’re your parents but the s**t they pulled? I’d even shout at them for you if ever they decide to show themselves. Sila ang mali Monique. They left you and did not give a reason for what they’ve done. Hindi mo kasalanan yon. Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo,” he continued talking which made me cry even more. Agad naman niyang pinunasana ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko kasi sobrang naghihina na ako at hindi ko na magawang iangat man lang ang mga kamay para pigilan ang mga luha ko.  “And that fucker who you call Kian? He’s nothing but an asshole who doesn't deserve any of your tears. Forget about him because he doesnt deserve someone as magnificent as you thinking about him.” I couldn't help but laugh kasi hindi ko na nabilang kung nakailang mura siya today. Hindi yan normal para sa isang good boy na kagaya ni Carter.  “I’d ask why you're laughing but I don't really care. I’m just glad that you're laughing.” “Thank you,” I sincerely told him. “What would I do without you?” “You don't have to think about that because I'm not going anywhere.” And he kept his promise.  But I broke mine.  After a week, maaga kaming nagising ni Carter dahil ba byahe na kaming pa elbi. Mabilis lang kaming nagpaalam kay tita at kay Carson. Hindi na ako nagpaalam sa bahay dahil for sure wala namang paki yung mga nandun. After just a few hours, nasa maynila na kami. Traffic naman talaga dito so hindi na kami nagtaka na halos hindi umuusad yung sasakyan.  “Gutom na ko,” I exclaimed habang hinahawakan ang tyan. Nag-breakfast naman kami pero ang bilis ko magutom, nakakainis! Sabi ko pa naman na magdadiet ako.  “Mom prepared sandwiches. Nasa likod.” Agad ko namang inabot yung naka-pack na pagkain sa likod. Chicken sandwich iyon at kulang nalang maglaway ako sa amoy. Tita Catherine is the best! Agad ko namang inabot kay Carter yung sandwich niya and when he’s about to eat, saka naman umusad ang mga sasakyan. Habang lumalamon tuloy ako ay naka-concentrate siya sa pagda-drive. Dahil naawa na ako sa kanya at baka gutom na gutom na siya kahit wala naman siyang sinasabi, kinuha ko ang sandwich niya at itinapat sa bunganga niya. Nakakunot noo siyang tumingin sa akin. “Kagat na.” “I can eat later. Kumain ka na lang dyan,” pagtanggi niya sa alok ko which made me raise my brow.  “Dali na. Ang arte nito. Paano na lang kung mahimatay ka sa gutom dyan edi naaksidente pa tayo? Sa ganda kong to, hahayaan mo akong mamatay na virgin?” I exclaimed which made him looked at me with his wide eyes. Hindi ko naman mapigilang tumawa sa itsura niya. Eto naman. Parang hindi pa sanay sa bibig ko.  “Dali na!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD