Chapter 6

1727 Words
Aria Monique’s Point of View “Oh, tubig.” Binuksan ko ang Kleen Kanteen niyang itim at inabot sa kanya. Ang bongga din talaga nito ni Carter. May hydro flask na nga, may Kleen Kanteen pa. Aba, nangongolekta ata to ng mga mamahaling tumbler. Samantalang yung sa akin ay binili ko lang ng 200 pesos sa department store sa SM.  Agad naman niyang kinuha ang inabot ko at uminom. Nung tapos na siyang kumain, nilantakan ko na yung sandwich ko. Hindi kasi ako makakain ng maayos kanina kasi nga sinusubuan ko siya.  “Thank you,” he exclaimed habang nakatingin pa rin sa daan.  “Sus, pasalamat ka malakas ka sa akin,” sagot ko naman.  Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating na rin kami sa Elbi. Nauna naming nadaanan yung apartment ko kasi nga mas malayo sa campus ‘yon samantalang yung sa kanya ay nasa may may Raymundo lang. Kinuha namin ang mga gamit ko sa lumang apartment at agad ng bumyahe papunta sa lilipatan ko. Hindi talaga ako pumayag kahit anong pilit ni Carter na sa kanya nalang ako tumira. Sobrang kapal na kasi ng mukha ko non. I mean makapal naman talaga ang mukha ko pero syempre marunong din naman akong mahiya.  Pagkarating namin sa apartment, wala pa yung mga roommates ko. Apat kami dito pero puro naman kami mga babae. Maliit lang yung apartment kasi nga mura lang naman tapos nasa malayo pa. One thousand five hundred lang ang renta kasama na ang tubig at wifi. Baka nasa 1700 lang ang babayaran kasama na ang kuryente kaya ito na yung napili ko.  Medyo makalat yung apartment. Parang hindi ata nakapaglinis yung mga roommate ko bago nagsi-uwian sa kanila. Yung pinalitan ko na si Allexia, graduate na. Sila Rhea, Annie at Mayette yung mga roommate ko. May group chat na kami kaya alam kong pare pareho kaming mga third year. Iba ibang course nga lang. Oo , third year nako sa papel pero dahil nga may nabagsak akong subject, irregular na ako ngayon. Wala tuloy akong choice kung hindi damihan yung kukunin kong subject ngayong sem. Iniisip ko pa lang yung 23 units naiiyak na ako. Lord, sana naman po makasurvive ako.   “Bakit parang sinalanta naman ng bagyo ‘tong apartment mo?”  Natawa nalang ako sa sinabi ni Carter. Ang kalat nga talaga. Dalawang double deck beds ang nasa magkabilang gilid ng maliit na apartment. Pagpasok ng pinto, nasa kaliwa yung maliit na kusina tapos sa kanan naman yung banyo. May isang malaking cabinet na may apat na divider, tig-iisa siguro kami, tapos meron lang isang table.  “Bakit isa lang ang mesa? Saan ka mag-aaral nito?” tanong ulit ni Carter habang nilalapag ang mga gamit ko sa sahig.  “Dahil siguro ang liit ng apartment. Kung maglalagay pa ng mesa, saan naman ipwe pwesto diba?” sagot ko nalang. Literal na crowded na kasi. Ang daming nagkalat na papel at yung kama ng mga roommate ko ang gugulo din. Pero wala naman akong magagawa kung hindi ayusin nalang. Pero syempre hindi ko papakialamanan yung mga gamit nila. Yung pwesto ko lang yung gagalawin ko.  “Saan ang kama mo?” “Dito sa taas,” sagot ko.  Inilagay naman ni Carter ang foam sa tinuro kong pwesto ko. Binuksan ko ang cabinet na para sa akin at napa buntong hininga nalang kasi sobrang liit lang ng espasyo. Paano ko naman pagkakasyahin lahat ng gamit ko dito? Pero ano nga ba naman ang magagawa ko? Kaysa magreklamo, sinimulan ko nalang na ilagay yung mga damit ko na galing sa bahay. Yung mga naiwan ko kasi sa lumang apartment ay lalabhan ko pa kasi hindi ko na gusto ang amoy.  Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko, nakita ko si Carter na may hinahanap sa may kusina. Walis pala. Buti na lang mayroon nun kaya makakapaglinis ako. Amba na siyang magwawalis ng pinigilan ko siya.  “Ako na dyan. Uwi ka na para maligpit mo na din mga gamit mo,” I exclaimed habang pinagpapatuloy ang pagtutupi. “Kaya ko namang gawin yun mamaya. Tutulungan muna kita.” Nagkibit nalang ako ng balikat. Okay, kailangan ko din naman talaga ng tulong. Ayoko lang maka-abala pa sa kanya.  May mga agiw pa sa apartment. Hindi ba marunong maglinis yung mga roommate ko? Nakakaloka na isang buwan lang naman mahigit yung bakasyon pero parang sampung taon ng walang tao dito sa apartment. Napansin din siguro ni Carter na may mga agiw kaya instead na magwalis ng sahig, inuna na lang niya na tanggalin yung mga agiw sa kisame. After a few minutes, naramdaman ko na na ang init. Agad ko namang binuksan yung electric fan ko. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko pero pagkakita ko kay Carter, parang siya naman yung nasalanta ngayon.   “Sabi kasing umuwi ka na. Ako na dyan,” I exclaimed. Hindi ko na napigilang tumayo para sana agawin sa kanya yung walis. Pero ang bilis niyang iniiwas sa akin yon at pinagpatuloy pa rin ang paglilinis niya.  Anak mayaman si Carter pero marunong siya ng mga gawaing bahay. Gusto kasi ni tita Catherine na matuto siyang maging independent. Kahit na sobrang baby si Carter ng nanay niya, marunong siyang magluto, maglinis at maglaba. Sobrang nakakabilib diba? Pero kahit naman alam kong sanay siya sa mga gawaing bahay, alam ko rin na hindi siya sanay sa mainit. Laking aircon kaya ‘to! Yung buong bahay nila ay centralized na tipong kahit nagpapakulo ka ng tubig sa kusina ay hindi ka pagpapawisan. Tapos ang bilis niya lang din pawisan kaya ngayong nandito siya sa apartment ko ay naliligo na siya sa pawis.  “Akin na Carter,” pagpupumilit ko nanaman.  “Kaya ko naman. Konti nalang eh. Magligpit ka na lang dyan,” he insisted at tinalikuran na ako. Pumunta naman siya ngayon sa kusina at nag-ayos ayos doon. I couldn't help but sighed at binilisan nalang ang pag-aayos ng mga gamit para matulungan ko na siya.  After kong mailagay lahat ng mga damit at gamit ko sa lalagyan, pumunta na akong banyo para dalhin dun lahat ng mga damit na galing sa apartment. Syempre, alangan namang ipa-laundry ko pa to eh napakamahal ng singil dito. I’d rather wash them myself at para na rin malinisan ko yung banyo. Pero bago pa man ako makapasok sa loob, pinigilan na ako ni Carter.  “What are you doing?” he asked with his forehead creased.  “Maglalaba,” sagot ko naman at tuluyan na ngang binuksan ang banyo. Syempre, marumi din. Hindi na kagulat-gulat. Pero buti na lang ay may timba din dito. Mayroon din naman ako pero ang dami ko kasing lalabhan kaya alam kong hindi sapat yung isa.  “You’re going to wash all of that?” tanong ulit ni Carter na nasa may pintuan na ng banyo.  “Oo. Galing sa apartment eh medyo iba na ang amoy,” sabi ko naman. Medyo maarte pa naman ang balat ko kaya mas gusto ko na talaga silang labhan kahit na alam kong mapapagod ako ng bongga. Next week pa naman ang klase kaya may time pa naman ako.  “Let’s just go to my apartment. May washing machine doon. Masyado yang marami para labhan mo using your hands.” Napaisip ako saglit. Mas okay nga yung suggestion niya kasi hindi rin naman nagamit yung mga damit kaya kahit light wash lang. Alikabok lang talaga ang tatanggalin. Pero hindi ba masyado na akong abuso nun? “Okay lang?” I asked with my forehead creased.  “Bakit naman hindi? Just put them in a bag or something,” he answered at pinagpatuloy na ang paglilinis sa kusina.  Inilagay ko sa isang SM bag ang mga damit at itinabi muna sa kama. After that, I went to the bathroom to clean it. Mayroon namang panlinis sa banyo kaya madali ko naman yung nagawa. After a couple of minutes, tapos na naming nalinis yung apartment.   “Finally,” I exclaimed while I stretched my hands. Napagod ako dun ha. Nakita ko naman si Carter na nakaupo na sa kama habang nakatapat sa kanya yung electric fan. Init na init na talaga ang bestfriend ko.  “Tara na ba?” he asked.  “Bihis lang ako,” sabi ko naman at kumuha ng pamalit sa cabinet. Pumasok ako sa banyo at nag light shower bago magpalit into a cut off shorts and a white shirt na may baguio print sa gitna. Nakatayo na si Carter ng lumabas ako sa banyo kaya nagmadai na akong maglagay ng sunscreen, lip balm at lotion sa katawan. Nagsuot na din ako ng itim na flip flops at sinuklay na lang ang buhok gamit ang mga kamay.  “Tara na,” I exclaimed as I got my wallet from my bag, yung susi ng apartment at yung bag na may lamang mga damit ko. Agad naman niyang inagaw sa akin at siya na ang nagdala sa sasakyan.  “Daan tayo ng Jollibee. Ililibre na lang kita as payment sa pagtulong mo saakin,” I exclaimed. Well, wala akong pera pero alangan namang hindi ko man lang pakainin ‘tong taong ‘to.  “Ayoko ng fast food,” sabi niya. Oo nga pala. Hindi mahilig sa fast food to kasi naman healthy living siya.  “Eh, yun lang yung afford ko,” I exclaimed habang pabirong nakangiti sa kanya. Pangiti-ngiti lang ako pero ang lungkot na wala akong pera. May ipon akong 1500 tapos binigyan ako ni Regine ng dalawang libo. Ang saklap diba? Buti nalang binayaran naman niya yung one month advance at one month deposit ko sa bagong apartment. Natuwa pa nga kasi lumipat ako sa mas mura. Nakakagigil talaga yung mag-inang yon. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko lahat ng de lata sa bahay. Kumuha na rin ako ng bigas at pati mga sabong panlaba ay kinuha ko. Aba, hindi ko afford ang mag grocery para sa mga yun.  “Carinderia nalang?” I asked kahit na alam kong hindi papayag to. Hindi naman siya maarte pero hindi lang talaga siya sanay. Bakit nga naman siya kakain sa karinderya kung afford niya naman sa mga restaurant. Pero madalang lang din naman kumain dun si Carter kasi mas mahilig siya magluto. Kaya nga lagi ding libre ang pagkain ko eh.   “No,” sagot niya.  “Eh ano?” “Daan nalang tayo sa grocery. I’ll cook.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD