Chapter 4

1957 Words
Aria Monique’s Point of View “Kailan tayo babalik ng elbi?”  Tanong ko kay Carter habang naglalakad kami papunta kila Aling Tess. Yun lang kasi yung malapit na sari-sari store na may binebentang ice cream na gusto ko. Ewan ko ba, wala naman akong pera pero ang arte ko! Buti nalang galante tong bestfriend ko, haha! “Kailan mo ba gusto?” tanong naman niya. Magsasalita na sana ako nang biglang may dumaang tricycle sa gilid ko. Ang ingay ng motor kaya tumahimik muna ako ng ilang segundo at hinintay makadaan si Manong. Lumingon ako kay Carter para sana sagutin na siya pero bigla niya akong hinawakan sa balikat at pinagpalit ng pwesto. “Aysus, ang arte nito as if naman masasagasahan ako dyan,” pang-aasar ko sa kanya. Laging ganyan ‘yan si Isaiah, kung tratuhin ako akala mo talaga five years old lang ako samantalang 70 years old na siya.  “Baka mabangga ka, kawawa naman yung tricycle kung sakali,” pang-aasar niya naman pabalik. “Yung tricycle pa talaga yung kawawa?!” “Yung driver din,” sagot niya ulit.  “Alam mo pasalamat ka at ililibre mo ako ng ice cream dahil kung hindi kanina pa kita sinipa sa ngala-ngala.” “Ako pa talaga ang magpapasalamat dahil ililibre kita?” takang tanong niya habang nakaturo pa ang daliri sa sarili. Mukha siyang tanga. Ang gwapo namang tanga nito! “Syempre! Ikaw ba naman bigyan ko ng chance na ilibre ang dyosang gaya ko? Aba, malakas ka sakin eh!” I exclaimed as i tiptoed para maabot ko ang balikat niya at maakbayan siya. Minsan talaga nakakairita na ang tanggkad niya.  “Halika na nga, kung ano-ano ang sinasabi mo,” he exclaimed as we walked faster habang naka-akbay pa rin ako sa kanya kaya mukha siyang tanga na nakayuko habang naglalakad.  “Nanay Tess!” naglakad ako papunta kay nanay at nagmano. Ganun din ang ginawa ni Carter. Palagi kaming tambay dito mula pa noong bata kami kaya parang nanay na talaga namin si nanay Tess. Ang laki din kasi ng tindahan niya kaya kapag wala kaming magawa ni Carter, tumutulong kami dito. Para na rin talaga itong mini grocery store.  “Oh, ice cream?” alam na alam na agad ni nanay kung ano ang ipinunta namin dito. Kapag tinutulungan namin siya dati, ice cream lang din ang hinihingi naming bayad eh.  “Opo,” sagot naman ni Carter. Pumunta kami dun sa freezer at namili ng ice cream. Pero syempre, hindi ko na kailangan mamili kasi alam ko na agad ang gusto ko, cookies and cream!  “Oh, eto sayo,” inabot ko din kay Carter yung rocky road kasi yun naman ang paborito niya. “Thank you,” he exclaimed as we walked towards Nanay Tess to pay.  “Kailan ang balik niyo sa Los Baños?” Tanong ni nanay habang kumukuha ng sukli.  “Baka po next week,” sagot ko naman. “Mag-ingat kayo ha,” she exclaimed as she gave the change to Carter. “Magsasasakyan naman kayo diba? Dumaan kayo dito bago bumiyahe kasi maghaharvest kami ng mangga sa susunod na araw. Magbaon kayo,” she added, which made me smile. Si nanay talaga, alam na alam ang mga gusto namin kainin eh.  “Okay po nay, thank you po. You're the best talaga!” I exclaimed at nag thumbs-up pa which made her smile.  Umalis na din kami agad at naglakad pauwi dahil gabi na.  “Tulog ako sa inyo ha,” I exclaimed while licking my ice cream.  “Okay,” he exclaimed at nilagpasan namin ang bahay nila para pumunta sa amin. Oo, sa bahay namin pero hindi ko na maramdaman na dun ako nakatira dahil sa mag-inang bruha na yun.  “Carter! Buti bumisita ka.” Speak of the devil and the devil will reveal itself. Ngiting-ngiti si Brie kay Carter pagpasok namin sa bahay. Kung makatitig kay Carter akala mo lilingkisan na niya eh. Si Carter naman ay walang pakialam. Ganyan naman ‘yan palagi.  “Kukuha lang ako ng gamit,” i exclaimed at naglakad na pataas ng hagdan. “Ha? Bakit? Uuwi ka na ng Los Baños?”  Oh, ‘wag kayong magpapaloko sa parang concern niyang boses. Ayaw akong pauwiin nyan sa elbi kasi ibig sabihin non, uuwi na din si Carter. Patay na patay ata yang bruha na yan sa kaibigan ko eh buti nalang hindi pinapansin ni Carter kung hindi lagot din talaga siya saken.  “Hindi pa. Matutulog ako kila Carter,” sagot ko naman kasi gusto ko siyang inggitin. Napangiti ako ng tago ng nakita ko siyang sumimangot. Tama yan. Maiingit kang bruha ka.  “Carter, pwede din ba akong makitulog?” tumingin siya ay Carter at ngumiti naman ng pagka lapad lapad, halos kita na yung gilagid niya. Chura nito! “Hindi,” diretsong sagot ng bestfriend ko na nagpatawa sa akin. Napatingin sila sa aking dalawa at agad ko namang tinakpan ang bibig ko.  “Bakit hindi?” “Wala kang tutulugan.” “Sa kwarto mo?” pagpupumilit pa niya. Wala talagang hiya.  “Hindi pwede.” “Bakit si Aria pwede?” halos magmaktol na si Brianna at hirap na hirap na akong pigilan ang tawa ko.  “Bakit hindi?” “Eh matutulog lan--” “Ayaw nga niya, ba’t ka ba namimilit?” sumingit na ako kasi baka abutin kami ng pasko dito kay Brianna.  Imbis na sagutin ako, tumalikod na lang siya at naglakad pataas. Binangga pa ako ng bruha at kung hindi ako nahawakan agad ni Carter baka nadulas pa ako sa hagdan.  “Ay, nambabangga? Bulag ka ‘te?” pang-aasar ko kahit na gusto ko na siyang sabunutan sa inis.  Tinignan naman niya ako ng masama at nagmamadaling umakyat sa taas.  “May sira ata talaga sa kukote yun,” I exclaimed at umakyat na din sa taas. Pumasok kami sa kwarto ko na kulay gray at pink ang design. Nanay ko pa ang nagdesign nito, hindi ko na napalitan kasi nawalan na din ng oras. At sabi ko nga, hindi naman ako parati dito sa bahay. Nang maubos na namin ang ice cream, itinapon ko na sa trashcan sa CR yung balot.   Kumuha ako ng damit pantulog at dinagdagan ko na din para may stock ako sa bahay nila Carter. Mayroon naman talaga kong damit dun palagi pero inuwi ko noong nakaraang araw dahil nahita ako bigla kay tita Catherine kasi naman nilalabhan niya pa minsan. Ako na maglalaba no!  “Tara na.” Lalabas na sana kami nang biglang pumasok si Regine, ang nanay ni Brie at kabit ng tatay ko. Nakataas na agad ang kilay niya na akal mo permanente ng ganun ang hilatsa ng mukha.   “Aria, dito ka matulog. Hindi ka ba nahihiya kila Catherine at palagi ka nalang nandon?” Sinasabi ko na nga ba. Nakita ko si Brie sa likod ng nanay niya na naka-smirk. Bwisit. “Palagi naman akong doon natutulog tapos ngayon mo lang papansinin? Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa akin, kasi ako never nagka-pake sayo,” i exclaimed crossing my arms around my chest.  Feeling talaga ng mag inang ‘to, cinderella ang buhay namin. Ako? Magpapa api? Aba mag kamatayan nalang kami dito. Pasalamat nga sila at hindi ako nag dedemand dito sa bahay kahit na ang tutuusin ay bahay ko naman ‘to. Napunta pa nga kay Brie yung extrang kwarto para lang lagyan niya ng damit. Dati kong study room yun pero since magka-college naman na daw ako, inangkin na nila. Ni hindi man lang nagpaalam ang mga bruha at basta na lang tinanggal ang mga gamit ko.  “Aba bastos kang bata ka ha.” “Mas bastos kayo.” “Anong karapatan mo para sagot-sagutin ako ha? Your father will hear about this!” nanggigil na siya at tinuro-turo na ako.  “Ano rin bang karapatan nyo na kwestyunin ang mga ginagawa ko? Sino ka ba? Kabit ka lang ng tatay ko, hindi kita nanay!” nag-iinit na ang ulo ko. Gusto ko pa namang matulog ng mahimbing pero mukhang hindi ko magagawa dahil sa dalawang ‘to. “How dare you speak to my mothe--” “Ako po ang nag-imbita kay Monique na matulog sa bahay. Kung ayaw niyo po siyang payagan dahil nahihiya kayo kay mama. Pwede bang ako na lang yung makitulog dito?” sabat ni Carter.  Natahimik naman ang mag-ina. Alam nilang wala silang karapatang hindi pumayag dahil hindi naman nila bahay ‘to.  “Pero kasi iho--” “Ayaw niyo rin po ba?” “Hindi naman sa ganun pero kasi--” “Sige po. Okay lang,” hindi na siya pinatapos ni Carter at humarap na sa akin. “Next time ka na lang matulog sa bahay Monique. Sayang lang kasi gusto pa naman ni Carson at ni mama na nandun ka, malulungkot yon. “Ah, si Catherine ba ang nagsabi na dun matulog si Aria?” biglang sabat ni Regine habang nakangiti ng malapad. I smirked while looking at them. Siraulo din talaga ‘to si Carter. Alam niyo kasi. Dito sa subdivision namin, para din talagang high school. Mayroong queen bee at si tita Catherine ‘yun. Maraming kaibigan kasi nga mabait kaya marami ding connection. President nga siya ng homeowners association dito eh. Kaya yang si Regine, sipsip yan kay tita. At alam yun ni Carter.  “Opo.” “Ah eh, sige. Okay lang naman pala,” ngiting ngiti pa ang bruha at hinila ako palapit sa kanya.  “Mommy!” relamo pa ni Brie pero nakita kong sinamaan lang siya ng tingin ng nanay niya. “Hatid na namin kayo,” dagdag pa ni Regine na nagpataas ng kilay ko.  “Ah, ‘wag na po. Diyan lang naman po ang bahay,” pagtanggi ni Carter. Nako, ayaw din nyan na pumunta ‘tong mag-ina sa kanila.  “Okay na yan iho. Para din masiguro kong safe kayong makakarating sa bahay niyo diba,” Regine insisted kaya wala na kaming nagawa kung hindi maglakad na lang para matapos na at makatulog na kami.  Binuksan ni Carter ang pinto ng bahay nila at bumungad si tita Catherine na naka pantulog na. “Oh, what took you so long?” she asked. Hindi niya napansin agad sila Regine sa likod namin at saka lang nakita ng magsalita si Brie. “Hi tita!” malakas niyang bati.  “Oh hi, sorry iha pero please lower your voice. Sorry ha, tulog na kasi si Carson eh,” tita exclaimed. Napahiya naman si Brie at pumunta nalang sa likod ng nanay niya. Ayan kasi, eskandalosa.  “Catherine! Kamusta?” bati naman ni Regine at bumeso pa nga sa nanay ni Carter.  “Hi, Regine,” bati din naman ni tita. Best friend sila ng nanay ko at supposedly galit si tita kay Regine pero sobrang bait lang talaga niya at maayos pa rin ang pakikitungo. Hindi rin nakatulong na bigla na lang umalis ang nanay ko at hindi nagparamdam kaya ayan, hindi ko alam kung itinuturing pa ba siyang best friend ni tita. “I’d invite you inside pero gabi na din kasi. Matutulog na din ako at ang mga bata,” tita explained kaya nawala ang ngiti sa mukha ni Regine, pero nabawi din naman niya kaagad at umaktong parang walang nangyari.  “Okay lang ‘yun ano ka ba. Hinatid lang talaga namin itong dalawa,” she exclaimed as she pulled me again. Kanina niya pa ako hinihila ha. “Uwi ka ng maaga bukas ‘nak ha?” she exclaimed as she kissed my cheeks. Yuck. plastic. At ano daw? Anak? Wow. kailan pa? “Akyat na po kami,” Carter intervened. Buti nalang.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD