Chapter 11

1342 Words
Aria Monique’s Point of View “Hindi rin.” I exclaimed without really thinking about it. Hindi ko naman sinasadya na magtunog bitter pero ganun ata yung naging tono ng boses ko. Carter looked at me sadly na nginitian ko lang naman ng tipid. He’s such a pure-hearted person and if I had the power to make something happen, I would make sure that he’d stay that way.  I don't want him to experience the harsh world kasi yung innocence niya sobrang refreshing. I wish I am still like him but I’m long gone at wala ng pag-asang maibalik ko pa yung dating ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay ko. I only wished for Carter to always be happy. Kahit hindi ako yung dahilan basta sana palagi siyang masaya. Ako yung mas masasaktan if he gets hurt.  “I’m sorry,” he exclaimed na kinunutan ko lang naman ng noo.  “‘Wag ka mag-sorry,” I told him, which in turn he just smiled.  After namin kumain, niligpit ko na yung mga pinagkainan at hinugasan na din yung mga utensils na ginamit. After ni Carter sa banyo, ako naman yung sumunod. Nagsipilyo lang naman ako tapos agad ng sumampa sa kama. Carter was setting a lot of alarms. Worried din siguro na late kami magising. Patay talaga kami kapag hindi kami umabot. Napakahirap kayang mag pre-rog sa UP. Nagiging biglaang talent show talaga para lang makakuha ng subjects. Tapos yung ibang prof halata namang pinagkakatuwaan lang yung ibang estudyante pero hindi naman tatanggapin sa klase nila. Ginawang entertainment. “Good night Carter,” I exclaimed as I hugged him in his waist. Naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa noo before I heard him said his good night as well.  I woke up because of a very loud sound. Yung alarm na siguro ni Carter. Wala na siya sa tabi ko kaya agad ko naman siyang hinanap. Nakita kong nakaupo na siya sa study table niya sa may loft. Napansin niya sigurong gising na ako kaya napatingin siya sa akin.  “Good Morning.” “Good Morning. What time is it?” I asked habang nag-iinat.  “It’s just 7:15. You can still sleep if you’re sleepy,” he answered.  Inaantok pa talaga ako pero ayoko ng matulog kasi ayokong magulantang nalang na alas otso na tapos hindi pa ako ready. Humihikab pa akong tumayo at pumunta sa banyo. After I peed and mag mumog, bumalik ako sa kama para ayusin yung higaan.  Narinig ko namang tumunog yung telepono na nasa may sala kaya pinuntahan ko na agad. Ang aga namang tawag nito.  “Hello po?” “Aria?” na-recognize ko naman yung boses agad agad. Si ate Joyce sa reception.  “Bakit ate?” I asked at humikab ulit.  “Nandito na pinadeliver niyo. Hatid ko nalang ba dyan?” ha? Pinadeliver? Magtatanong pa lang sana ako ng bigla nang nagsalita si Carter.  “I ordered breakfast. Tinamad akong magluto,” he exclaimed. “Nasa baba na?” he added. “Nandun na daw,” I answered him. “Okay, puntahan ko na,” he exclaimed as he went to the door to leave.  Ate ‘wag mo na pong ihatid kasi pababa naman na si Carter,“ I told ate Joyce. She said okay and I said my thanks before ending the call.  While waiting for Carter to come back, naghanda na ako ng mga plato at iba pang utensils. Ayaw kasi ni Carter nung sa take out packaging kumakain. Gusto laging naka-transfer sa plates yung pagkain. Well, ang hirap naman din nga kasing kumain sa maliit na plastic containers. And nandito na lang din naman kami sa apartment niya edi mas okay na ngang gumamit ng plato at kutsara.  I also prepared coffee gamit ang sosyal niyang coffee maker. Sobrang high tech at mamahalin kaya ng mga gamit ni Carter sa kusina. Kahit sino mas gugustuhing magluto dito eh. Pero siguro puyat din siya kaya tinamad ng magluto. Just as I finished preparing his espresso (double shot lang lkasi baka naman dalawang araw siyang hindi matulog kapag tatlong shot) and my latte (with a lot of milk!), narinig ko nang bumukas ang pinto. I saw Micha’s logo sa paper bag na dala niya. Micha’s is originally a bakery na breads and pastries lang ang binebenta pero lumago yung negosyo kaya naging parang restaurant na na may rice meals. Sobrang sarap ng mga paninda nila. A little bit pricey pero sulit naman kasi. Although hindi ako doon madalas kumakain kasi nga kulang ang budget ko. Palagi naman akong nililibre ni Carter doon though kasi nga gusto niya doon tapos gusto niya din akong kasamang kumain kaya nililibre niya nalang ako. Ako naman si patay gutom, tuwang-tuwa.  “Let’s eat. I’m hungry,” he exclaimed at nagsimula ng ilabas yung mga pagkain.  “Ang dami mo namang binili,” hindi ko maiwasang hindi mag komento kasi may bacon, eggs, garlic fried rice, may croissants pa at may naka-cut na na fruits.  “I told you I'm hungry,” he explained and went to the sink to wash his hands. Tapos na akong maghugas at hinintay nalang siya sa hapag.  “Sobrang crispy ng bacon na to,” I exclaimed as I chew my food.  “And it’s not that oily,” dagdag puri niya din. Dahil nga gutom kami at medyo nagmamadali din dahil may ganap nga ng alas otso, mabilis lang kaming natapos. Maghuhugas pa sana ako ng mga plato but Carter said to do it later kasi nga 7:50 na din.  Umakyat kami sa loft at umupo sa kanya kanyang upuan. May pa letter L siya na table dito na white na may cabinets sa baba. May hanging shelf din siya tapos yung pinaka aesthetic nito ay yung may duyan siya sa malapit sa edge. Nakaka relax din mahiga doon talaga. May dalawa siyang upuan kasi nga lagi ako ditong nakatambay. Isa lang yung computer niya pero dalawa yung screen. Nakaready na din yung macbook niya.  “I’ll use the macbook,” I exclaimed. Syempre alangan namang yung iMac pa yung idemand kong gamitin eh nakikihiram na nga lang ako.  We just talked about a lot of random things hanggang mag alas otso na. Nakapag add to cart na rin kami sa SAIS kaya nga literal na pipindutin nalang yung button na finish enrolling. SAIS yung parang shopee sa UP kung saan ka mag checheckout ng mga subjects. Pero unlike sa shopee, limited stocks lang yung mga subjects kaya agawan talaga.  “Yes!” hindi ko na napigilang mapasigaw kasi nakuha ko lahat ng subjects ko. Kahit papaano swerte pa rin naman pala ako. Napatingin naman ako kaagad kay Carter kasi baka nagkaproblema siya.  “Are you done?” I asked.  “Nakuha ko naman lahat ng majors pero puno na yung ibang GE’s,” he answered. Kinabahan naman ako pero buti nalang din at GE lang yun. GE ay mga general education subjects na possibly at most probably ang mga kaklase mo ay mga ibang degree programs. Lahat kasi ng estudyante ay required kumuha ng mga yun.  “Hala, anong gagawin mo nyan?” I exclaimed worried. Magpi pre-rog to malamang. Ang tanga lang ng tanong ko.  “Pre-rog,” he answered. Nakita niya sigurong napasimangot ako kaya agad siyang lumapit para pisilin yung ilong ko. Ito talaga trip na trip niya yung ilong ko buti nga medyo matangos pero sa kakapisil niya baka matapyas na to.  “Don't worry.” “Baka pasayawin ka,” pananakot ko sa kanya kasi may mga prof talaga na ang lakas ng trip. Akala mo mga walang magawa sa buhay. Tapos yung ibang estudyante na nakakuha ng subject na yun ay tatawanan ka pa, mga kulang sa aruga.  “Help me prepare then,” he exclaimed kaya hindi ko mapigilang matawa. I mean magaling mag gitara at kumanta si Carter pero sumayaw? Medyo tagilid tayo dyan. “Why are you laughing?” tanong niya na parang galit pero napapangiti naman. “Mag-download ka na ng tiktok.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD