Chapter 12

1068 Words
Aria Monique’s Point of View “Mukha kang tanga.” Hindi ko mapigilang matawa habang seryosong nagpapractice si Carter nung ‘woah’ na sikat na dance sa t****k. Juice colored ang pogi niya pero napaka walang kwenta niyang dancer. Buti naman at may isang bagay na hindi siya magaling kasi sobrang unfair na talaga kung magaling na nga siya kumanta tapos sa sayaw rin? “Ganito kasi,” sabi ko bago i-demonstrate yung sayaw.  After kong maghugas at after namin maligo (ng hiwalay, mga utak niyo!), wala na kaming ibang magawa kaya sineryoso na namin yung dapat na joke lang about sa pagsasayaw. Nakita kong nakatitig lang sa akin si Carter habang effortless kong ginagaya yung mga sikat na dance craze sa t****k.  “Oh, ano pang tinitingin tingin mo? Practice ka na rin!” Agad naman siyang tumabi sa akin at nakisayaw na rin. Hindi ko nanaman maiwasan matawa kasi bakit mukha talaga siyang tanga? “Mukha kang kawayan na nahipan ng ipo-ipo,” hindi ko mapigilang insultuhin siya. Ngayon ko lang naman siya masasabihan ng ganito kasi sa lahat ng mga ginagawa niya ay nageexcel siya. At least ngayon may pang-asar na ako diba? “Wala bang mas madali?” nakasimangot niya namang tanong.  “Anong mas madali eh literal na isang kembot at galaw galaw na lang ng kamay yung gagawin mo dito?” page-explain ko kasi yung mga sikat naman sa t****k na sayaw ay madadali kaya nga sikat diba? “I don't know how to kembot,” reklamo na naman niya.  “Really? You don't know how to kembot?” I sarcastically said para asarin siya lalo. Tinawanan ko lang ulit yung mukha niya nung sumimangot. “You’re such a bully,” pagrereklamo niya ulit. “Pwede naman kasing kumanta nalang ako,” he added.  “Paano kung sayaw talaga yung gustong makita ng prof edi patay ka?” “Ang hirap naman kasing sumayaw!”  “Puro ka kasi reklamo, walang aksyon.” “Pagod na ako!” “Wow, pagod ka na eh para ka ngang tuod diyan?” “Kasalanan ko bang hindi ako marunong sumayaw?” “Oo.” “What?!” natawa nanaman ako dahil sa gulantang na mukha niya. Akala mo talaga kinawawa to si Carter. Sige na nga, pagbigyan. Kawawa naman tong batang to.  “Charot lang! Galit ka agad?”  Buong maghapon yata kaming nagtalo dahil sa pagtitiktok na yan. Ang dami ko na ngang nafilm eh, pero hindi ko naman i-uupload kasi ewan ko. Medyo ayoko ng atensyon. Wow, feel ko namang papansinin yung entry ko kung sakali ano? Pero medyo may talent kasi ako sa pagsasayaw kaya wag niyo na akong kwestyunin.  Mabilis lumipas yung mga araw at hindi ko namalayan na pasukan na. Eto nanaman po tayo sa panibagong semester at wala na namang katapusang pagpupuyat ang mangyayari. Maaga akong nagising dahil may klase ako ng 7am in the morning. Hindi na ako magbebreakfast kasi break ko naman ng alas nwebe kaya dun nalang ako kakain.  Tulog pa yung mga roommates ko kaya ako yung nauna sa banyo. Okay naman sila. Mukhang mababait pero pansin ko palaging mga wala sa apartment. Pero ako din naman kasi palagi akong tumatambay kay Carter. Ayoko kasi na dito kami sa apartment ko tumambay kasi bukod sa masikip, hindi ko din nagustuhan yung masyadong feeling close ni Mayette kay Carter. Alam kong hindi din nagustuhan ni Carter yung pag hawak hawak ni Mayette sa kanya kasi kahit naman mabait yung bestfriend ko eh ayaw pa rin nung nahahawak hawakan ng ibang tao. Lalo na kung hindi niya naman kilala.  Tapos kapag hinahatid na ako ni Carter dito ay grabe makatanong si Mayette kung boyfriend ko daw ba si Carter or what tapos nung sinagot ko ng hindi ay akala mo nanalo siya sa lotto. Naku Mayette, wala kang pag-asa dun girl. Pero hindi ko syempre sasabihin yun ng harapan sa kanya dahil ayoko naman na magkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan. Masyado ng madrama ang buhay ko para dagdagan pa.  Agad na akong nagbihis at nag-ayos after ko maligo. Hindi pa rin sila gising. Siguro hindi maaga yung mga klase nila kaya okay lang na medyo late sila gumising. Si Carter din ay 8:30 pa ang unang klase kaya hindi kami magsasabay. Tsaka malayo nga itong apartment kaya syempre, hindi na niya ako masusundo. Madali lang din namang mag-jeep.  Mabilis din naman akong nakasakay ng jeep kasi nga maaga pa kaya hindi pa punuan. Wala pa atang 6:30 ay nasa university na ako kaya medyo nagsisi ako sana pala nag-breakfast nalang muna ako.  Pero dahil ayoko ng lumabas sa classroom ay naglabas nalang ako ng cellphone para maglaro. Nung bandang 6:50 na ay nakatanggap ako ng text from Carter.  School ka na? Oo. Ikaw? Apartment pa. I’m cooking breakfast? Did you eat? Sasabihin ko sanang hindi pero for sure mag-aabala pa yun na lutuan ako at hatiran eh tuloy tuloy yung klase niya tapos ang layo pa ng building ng mga engineering. Busy yun kasi nga magpi pre-rog kaya ayoko na lang din abalahin.  Kumain na ako. Nandito na prof. Ingat ka pagpasok :) Wala pa naman talaga yung prof pero kasi itetext ako ng itetext nun kapag kapag sinabi kong hindi ako busy eh nagluluto pa naman siya.  “Okay, good luck!” Napangiti nalang ako sa nabasa kong reply niya. Ako pa talaga ang binigyan niya ng good luck eh siya nga yung baka mapasayaw mamaya. Hindi na lang ako nagreply kasi nga diba sabi ko nandito na yung prof baka malaman pa niyang nagsisinungaling ako.  After a few minutes, dumating naman na din yung prof ko sa PI10, Life and Works of Rizal. Isa sa GE’s ito at sabi nila medyo nakakapagod din daw kasi nga madaming readings. Pero swerte yata ako kasi mabait si Sir Ayson. Sinabi niya na mabigat nga daw ang readings pero magkakaroon naman daw kami ng discussions na magiging focus ng quizzes and exams so may guide din naman daw kami.  Madalas din siya mag-joke kaya palagay ko naman ay magiging masaya ang klase. Dahil first day pa lang naman ay maaga niya na rin kaming pinalabas after i-discuss ang syllabus at mga required readings at reading materials na recommended. Marami rami ding ipapa photocopy pero buti nalang may printer si Carter. Bibili na lang ako ng isang ream ng bond paper para mas tipid.  “Class dismiss!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD