Chapter 10

1281 Words
Aria Monique’s Point of View “Talaga lang ha?” I asked, teasing him. Tinaasan niya lang naman ako ng kilay at hinawakan ulit yung kamay ko. Since nagsawa na rin naman akong mag-cellphone ay nilagay ko na sa bulsa ng hoodie niya.  “Thank you,” I exclaimed.  “For what?” he asked habang patuloy pa rin ang paglalakad. Sa totoo lang, hindi ko na din alam kung para saan ba yung pagpapasalamat ko sa kanya. Thank you kasi pinahiram niya ako ng phone? Thank you kasi binilhan niya akong pagkain? Thank you for being my best friend? Thank you for existing? Thank you for always being there with me?  Sa sobrang daming ginagawa at ginawa ni Carter para sa akin, hindi ko na mabilang at mapangalanan lahat. How the f**k did I become the luckiest person in the world? I don't deserve him. Really, aminado naman ako. Alam kong kumpara sa mga ginawa niya para sa akin, literal na isa lang akong pabuhat sa kanya.  “Monique?” He called my name. Ganun na ba ako katagal nag muni-muni?  “Just thank you,” I exclaimed at dumikit pa sa kanya kasi naman biglang humangin ng malakas.  After walking for a few more minutes, nakarating na kami sa harap ng apartment building niya. Nakita namin si Kuya Remus sa may harap na nagbabantay. Agad naman kaming lumapit para bumati at maibigay na din yung food na binili ni Carter.  “Kuya Remus!” masigla kong sabi at nagmano sa kanya. Mababait kasi talaga yung mga guards dito pati na rin yung mga ibang workers kaya naging malapit talaga ako sa kanila.  “Aba, gabing gabi na. Itong mga batang ito,” pagpapangaral niya na tinawanan lang naman namin. He scanned Carters ID again dahil kailangan yun para malaman din ni Tita Catherine na nakauwi na ang anak niya.  “Kuya, pampagising po.” Inabot na ni Carter yung kape at yung pancakes kay Kuya na tuwang tuwa naman. “Naku! Kayo talaga. Hindi niyo naman ako kailangang laging bilhan din ng pagkain,” he exclaimed pero excited naman na binuksan yung packaging para malaman kung anong laman nung binigay ni Carter.  “Okay lang yan kuya. You deserve it,” Carter exclaimed at nakipag-apir kay Kuya. “Pancake po yan kuya,” I exclaimed ng makitang tinitignan ni Kuya yung balot.  “Ito ba ay masisira na kapag hindi ko kinain kaagad?” he suddenly asked.  “Hindi naman po kuya. Bakit po? Hindi nyo po ba tipo yung ganitong pagkain?” I asked. “Hindi kasi ako masyadong gutom. Ipapasalubong ko nalang sana kay bunso,” he explained which warmed my heart. How can a father be selfless for their children? Bakit may mga ganitong tatay at bakit may mga tatay na katulad ng papa ko? Ang unfair. Gusto ko rin maalagaan at mabigyan ng aruga ng tatay.  “Hindi po yan masisira kuya. Magugustuhan yan panigurado ni Isay,” I assured him. Oo, I also know his family kasi nga mahilig ako makipagkwentuhan sa kanila. Kapag wala akong magawa mas tumatambay pa ako sa guardhouse kaysa sa mismong apartment ni Carter.  “Buti nalang. Ipapasalubong ko nalang to kay bunso. Gusto pa naman nun ng Jollibee. Sabihin ko galing sa inyo,” he exclaimed. I was about to bid my goodbye ng biglang inabot ulit ni Carter yung isa pang balot ng pancake.  “Kainin niyo na yan kuya tapos eto nalang yung ipasalubong niyo kay Isay,” he exclaimed habang inaabot yung balot pero ayaw naman tanggapin ni Kuya Remus.  “Ha? Naku hindi na iho. Sayo na yan eh. Tsaka malapit na ang out ko at makakakain din naman ako ng almusal sa bahay.” “Kung hindi po talaga kayo gutom, ibigay niyo na lang din po kay Ella,” Carter insisted again. Si Ella yung isa pang anak ni kuya Remus. Syempre kung kilala ko ang mga pamilya nila, kilala din ni Carter. Siya yung nakatira dito eh.  “Naku, pwede naman nila itong paghatian na lang iho,” pagtanggi pa rin ni Kuya.  “Kuya kapag hindi mo tinanggap magtatampo kami sayo,” pangba-blackmail ko nalang. Nagpacute na rin ako at nag-pout baka sakaling umepekto. “Tsaka hindi naman talaga mahilig si Carter sa fast food kuya diba, for sure kukuha lang yan ng prutas sa ref niya,” bulong ko pa kay Kuya para naman kunin na niya. Hindi rin naman kasi big deal panigurado kay Carter yung pancake. He probably have a ready mixed pancake in his pantry na pwede niyang lutuin anytime.  “Nag Take-out din kaya kami ng tocino rice kuya,” I exclaimed again. Mukhang unti unti naman nang bumibigay si Kuya Remus kasi wala naman na siyang masabi pa.  “Hay Naku. Kayong dalawa talaga pareho kayong makulit.” “Si Monique lang po,” singit agad ni Carter kaya tinaasan ko agad siya ng kilay. Nakita naman ni kuya yung ginawa ko kaya natawa na lang siya.  “Oh siya. Sobrang thank you ha. Pagpalain kayo ng Diyos. Pumanhik na kayo at malamig,” tuluyan ng inabot ni kuya yung binibigay ni Carter kaya napangiti na rin ako.  “Daan pa kaming parking kuya kasi dadalhan din namin si Kuya Bogart,” pagpapaalam ko bago kami nagsimulang maglakad.  “Oh sige. Thank you ulit ha.” “You’re welcome kuya,” Carter exclaimed at tuluyan na nga kaming naglakad papunta sa parking.  “Dalian na natin at late na late na,” I exclaimed just in time as we reached the parking lot. “Kuya! Food po tsaka kape,” I exclaimed habang inabot naman ni Carter yung balot ng Jollibee. “Aba, sabi ko ‘wag na ah,” kuya Bogart exclaimed pero inamoy naman yung pancake sa loob. Baliw din eh. “Sus, kailangan mo yan kuya para lagi kang energize. Malay mo bigla mong makita ang the one mo habang nagbabantay ka diba,” I exclaimed. Single pa kasi si kuya eh matagal ng lampas sa kalendaryo ang edad niya.  “Paano ko naman makikita yung the one ko dito? Baka nga multo pa ang mas makita ko,” pagbibiro niya na tinawanan lang namin.  “Grabe ka naman kuya!” Hindi na rin kami nagtagal sa parking lot kasi nga malapit ng sumikat ang araw at kailangan pa naming umidlip. When we reached the condo, agad ko ng binuksan yung butter at pinahid sa pancake. I got us spoon and fork habang nagtitimpla si Carter ng gatas. Hindi kasi kami pwedeng magkape na kasi nga kailangan namin matulog.  “Drink this,” he said at nilapag yung glass of milk sa tabi ko. I sliced a piece of the pancake na may butter and syrup at nilapit sa bunganga niya. Akala ko tatangi pa siya pero agad din naman siyang ngumanga.  “Gutom ka din no?” I asked habang sumusubo ulit. Sunod ko naman siyang sinusubuan. “A little,” he answered as he drank his milk as well.  “Pero binigay mo pa rin yung pancake mo kay kuya Remus?” I teased him.  “I didn't believe him when he said that he wasn't hungry. I’m sure he is. Gusto niya lang talagang pasalubungan sila Isay at Ella,” he explained.  “Pero gutom ka rin ah.” “Pwede naman tayong bumili nalang ulit kung talagang gusto natin. And it feels good knowing na matutuwa din yung mga bata and ate Mila as well,” he said pertaining to kuya Remus' wife. “Bakit ang bait mo?” I asked as I gave him another piece.  “Because it’s easier to be kind,” he answered. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD