Chapter 17

1053 Words
Aria Monique’s Point of View We were uiet the whole ride back to his apartment. Walang nagsasalita at halos walang marinig sa loob ng kotse. We also quietly went up to his room. Hindi ako sanay na ganito pero hindi ko din kasi alam kung anong sasabihin.  Parang may nagawa akong kasalanan.hindi pala parang, may nagawa talaga ako. Ang kapal ng mukha kong magtaray sa kanya when he’s not doing anything wrong. He was there to help me. In fact, he’s always there. Tapos kung itrato ko siya parang wala akong utang na loob.  “I’m sorry--” “We should eat--” Sabay pa kaming nagsalita at nagkatinginan nalang. Probably waiting for each other to talk again pero wala ng naglakas loob. The situation is so awkward. Ayoko ng ganito.  “Let’s eat while the soup is still hot,” he exclaimed as he went to the kitchen to prepare our dinner. Nakatayo lang naman ako sa gitna ng apartment niya habang kumikilos siya. Gusto kong umupo pero parang ayaw atang gumalaw ng mga binti ko. What’s wrong with me? Ang arte ko! “Sit Monique,” he ordered when he saw me still standing.  Halos sabunutan ko yung sarili ko kasi sobrang nakahinga ako nang maluwag ng tawagin niya akong Monique. He’s the only one who calls me by my second name and it’s like my signal that he’s not mad at me from how i acted earlier.  He’s not mad. Because if he is, he would kick me out of his apartment. Nang mawala na ang kaba ko, i went to the kitchen  to help him prepare the food. I got us the utensils while he transferred the food to bowls.  After a few minutes, we were already sitting side by side at his makeshift dining table. Unang higop ko palang sa sinigang ay gumaan na ang loob ko. This is why I love this dish, sobrang comforting. I especially love this kapag si Carter yung nagluluto but alam ko namang naging stressful ang araw na ito kaya hindi ko na siya pinilit na magluto.  “Kumain ka pa,” he suddenly said and then started putting more rice on my plate. Hindi na lang ako nagreklamo kasi for some reason, sobrang gutom ako. Baka nga naubos talaga lahat ng energy ko dahil sa stress. Ayoko na lang isipin lahat ng nangyari. Nakakapang Lambot at nakakainit lang ng ulo.  “Thank you,” I exclaimed as I gladly ate the food he gave me. Hindi kami masyadong nag usap dahil busy kami pareho sa pagkain so i wasn't surprised when we finished dinner quickly. I didn't even give him the chance to fight me when I grabbed all the utensils para ako na ang maghugas. Kilala ko na yan si Carter, magi insist pa siya kung hindi lang ako nagsimula kaagad. Ang konti lang din naman kaya natapos din ako kaagad.  He was already done taking a bath and doing his night routine when i finished cleaning all the mess we made in the kitchen and dining so ako na yung sumunod sa banyo. Hindi naman ako naligo kasi sa apartment ko na yun gagawin. I just brushed my teeth at nag-ayos ng kaunti before going out.  “Uwi na ako,” I exclaimed as I watched him take all his notes from his bag. Ang sipag talaga nito, first day pa alang pero mag-aaral na siya kaagad.  “Okay,” sagot niya kaya kinuha ko na yung bag ko at dumiretso na sa may pinto. I almost rolled my eyes nag sumunod siya hawak ang susi ng sasakyan niya.  “‘Wag mo na akong ihatid. Mag-aral ka na lang,” i exclaimed. Sobrang pangiistorbo na yung ginawa ko sa kanya kaya sana pumayag na siyang ako na lang magisa ang umuwi. It’s just 8:30 at maaga pa iyon sa elbi kaya hindi naman ako natatakot na umuwing mag-isa.  But of course, sobrang kulit ni Carter at ayaw pumayag.  “Bakit ba ayaw mo magpahatid? Galit ka ba?” he asked which made my eyes go bigger with shock. Ha? Ako pa talaga ang magagalit sa kanya eh siya na nga yung nag-alis sa akin sa awkward na sitwasyon kanina? Ang labo din nito.  “Ano bang ginawa ko Monique? Bakit ka galit?” mas nagulat ako ng nakitaan ko ng takot at lungkot ang mga mata niya. Agad din namang nawala at napalitan ng pagkunot noo niya kaya akala ko guni guni ko lang. But I'm sure that I saw his expressions! Bakit siya malungkot at takot? “Hala, hindi ako galit,” i answered with utmost sincerity in my voice. “Hindi ba ikaw yung galit?” I asked him back kasi nga ako yung nagmamaldita sa kanya kanina.  “What? Why would I be mad?” kung kanina ay subtle lang ang pag kunot ng noo niya, ngayon ay kitang kita na ito.  “Because I was being a brat earlier?” I asked. Hindi na rin ako sigurado. Nag-aaway ba kami o ano? Sana hindi.  “You’re my brat,” he exclaimed, which made me smile. Nakakainis! Lagi nalang alam niya kung ano yung sasabihin.  “So, you're not mad?” tanong ko ulit para lang makasiguro na wala kaming pagkakaintindihan. I can't afford to lose Carter in my life. Siya na lang ang meron ako.  “I’m not!” mukhang frustrated na siya at pilit ko nalang tinatago ang tawa ko kasi para siyang cute na bata na namumula na sa inis.  “Why are you shouting then?” I asked just to tease him more. This is what I love doing. Yung asarin siya hanggang mainis talaga siya sa akin. Magaling naman akong mansuyo kaya ayos lang yan. Actually hindi pala ako magaling, kay Carter lang kasi alam ko naman ang mga waknesses ng taong ito.  “Ang kulit mo Monique.” Hindi ko na mapigilan ang tawa dahil nauna na siyang lumabas sa akin. Aba, nagtampo na nga ata.  “Hey, wait mo ako!” I almost shouted as I chased him down the hall. “Akala ko ba ihahatid mo ako eh bakit parang ayaw mo na? Galit ka na talaga?” I asked as i cling onto his arm as we waited for the elevator.  “Ang kulit mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD