Chapter 9

1841 Words
Aria Monique’s Point of View “Wear this.” Inabutan ako ni Carter ng hoodie niyang kulay army green. Naka-hoodie na din siya na kulay itim. Sobrang kapal, lambot at bango ng hoodie niya kaya ang komportableng suotin. Actually, sobrang daming damit ni Carter na nasa closet ko. Mahilig akong humiram at dumampot ng mga shirts and hoodies niya.  Alam naman niya na kumukuha ako kasi nagpapaalam naman ako. Minsan hindi, pero alam niya na yun. Anyway, ayun nga. Hindi naman siya nagagalit. Binabalik ko naman yung iba eh. Yung iba lang kasi ginawa ko ng pantulog kaya hindi ko na naibalik. Wala naman siyang reklamo eh. Tsaka kapag birthday niya nireregaluhan ko din naman siya ng shirt! Grabe kayang pag-iipon ang ginagawa ko may maibigay lang na matino sa kanya. Ang hirap naman kasi ng walang pera.  “Thank you,” I exclaimed.  Kinuha niya ang wallet at susi ng kotse niya at sabay na kaming lumabas. “Wala akong dalang pera. Libre mo ba?” I couldn't help but ask. Ang ipokrita ko din ano? Ayaw kong humingi ng tulong kasi nahihiya na ako sa kanya pero ako naman itong ang hilig magpalibre. Ewan ko na nga din.  “Ako ng bahala,” he exclaimed as we rode the elevator to the parking lot. Wala naman silang curfew dito sa building. Aba, napakamahal ng renta tapos maglalagay ng curfew? Tsaka matatanda na kami, hindi na namin kailangang matulog ng 10 pm.  We immediately reached the parking lot at sabay na kaming pumasok sa kotse niya. But before he could start the car, an idea popped in my head. “Lakad na lang kaya tayo?” I suggested. Malapit lang naman kasi sa lahat itong building niya. Kaya mahal dito eh. Malapit na nga sa university, malapit pa sa lahat ng establishments dito sa Elbi.  Nakita ko namang nag-isip siya saglit bago nagsalita. “Okay,” he exclaimed, which made me smile. Agad din kaming bumaba ng sasakyan at naglakad palabas ng parking lot. Ang sarap ng simoy ng hangin at sobrang tahimik. Gusto ko lang din talagang maglakad at magmuni muni kaya ko siya inaya. Ang ganda din naman ng panahon at kahit malamig ang simoy ng hangin ay halos hindi ko ramdam dahil na rin sa kapal ng hoodie niya.  Nadaanan namin si Kuya Bogart, yung isa sa mga guards dito sa building. Naka night shift siguro siya. “Hi kuya,” bati ko kaagad. Dahil nga palagi ako dito sa kay Carter, kilala ko na din ang mga empleyado dito. Bumati din si Carter at lumapit kami kay kuya para maiscan yung card ni Carter. May ganun talaga dito kasi naka-connect yung card na yun sa parents ng mga nakatira. Kaya alam ng mga magulang kung kailan umaalis ang mga anak nila. Palagi naman kaming lumalabas ng dis-oras ng gabi at alam kong bago kami umalis kanina ay nagtext na si Carter sa mama niya para hindi mag-alala kapag na-notified.  “Oh, bakit wala kayong dalang kotse?” tanong ni Kuya Bogart habang iniiscan ang card ni Carter. “Eh gusto niyang maglakad lakad kuya,” sagot ni Carter sabay turo sa akin.  “Oh siya, mag-ingat kayo ha. Sa harap na kayo dadaan niyan?” “Bibili kami sa Jollibee kuya. Anong gusto mo?” Tanong ni Carter.  “Ha? Naku wag na. Kayo talaga masyado kayong magastos ha,” pagtanggi ni kuya Bogart pero ngumiti lang si Carter. Alam ko namang bibilhan pa rin namin siya kahit na umayaw siya.  “Alis na po kami,” pagpapaalam ko na tinanguan lang niya.  “Where do you want to eat? Take out na lang ba o doon na?” Carter asked ng makalagpas na kami sa building. Madaling araw na pero may nakakasalubong pa rin naman kaming mga tao, mostly estudyante na nag jojogging. Grabe naman sila, sobrang aga pa.  “Diba bibilhan mo si Kuya ng food? Take out nalang tayo para maibigay mo na agad,” I exclaimed.  “Okay,” he answered. Agad naman kaming nakarating kasi sabi ko nga, sobrang lapit lang naman. May tao naman sa Jollibee kahit ganitong oras, pero dalawa lang sila. Yung isa babae na may laptop sa harapan tapos yung isang guy na nagbabasa ng newspaper. Walang pila kaya gusto kong pumupunta dito ng ganitong oras eh.  “Good Morning Ma’am and Sir, welcome to Jollibee!” masigla pa rin naman yung mga crew kahit na ganitong oras na. Nginitian ko lang si ate at tumingin na sa taas para maghanap ng pwedeng bilhin.  “What do you want?” Carter asked habang nakatingala din at nakatingin sa menu.  “Can I eat rice now?” I exclaimed kasi parang gutom na talaga ako.  “Of course. But you’ll have to wait longer before you can sleep.” “Ay. Gusto ko pa naman ng tocino rice,” bulong ko pero feeling ko narinig din naman ni Carter kasi nga ang tahimik dito.  “We can order rice for you now tapos i-microwave nalang natin in the morning. In the meantime, pancakes nalang muna ang kainin mo. How about that?” he suggested. Tumango naman ako sa kanya ng paulit-ulit dahil gusto ko yung suggestion niya. Yun na nga yung ginawa niya. He ordered two rice meals for the both of us tapos apat na tig two piece pancakes and two coffees.  “Bakit apat na set?” I asked. “I don't know kung sinong naka-duty sa front door but bilhan na din natin,” he answered.  Napangiti na lang ako kasi hindi deserve ng mundo si Carter. Sobrang buti ng puso niya. Hindi ko din siya deserve. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya nagsasawang maging kaibigan ako eh. But I'm always thankful. I really am. At nagpapasalamat talaga ako sa Diyos dahil pinahintulutan niya akong maging kaibigan si Carter. Despite the many challenges that I have faced, walang wala lahat kumpara sa blessing ng pagkakaibigan na meron ako with him. He is the promised light at the end of my very dark tunnel.  “Take out po lahat Sir?” nakangiting tanong ni ateng crew. Kakaiba yung ngiti niya pero hindi na rin ako nagulat. Ang pogi kaya ni Carter! Tapos ang tangkad pa at ang lakas ng dating. Whenever he walks in a room, kahit ano o saan pa yan, hindi talaga mawawala yung napapatingin sa kanya yung mga tao. Kahit nga ganito lang nga na nag-oorder siya eh grabe na yung tingin ni ate. Nasanay na rin ako.  “Yes. Thank you,” sagot ni Carter sabay abot ng bayad.  “Okay sir. Pa-wait nalang po,” the cashier said kaya umupo na lang muna kami sa isa sa mga table doon.  “Anong oras na?” I asked kasi wala naman akong suot na relo tapos hindi ko din dinala yung cellphone ko.  “It’s quarter to three,” he answered after looking at his phone.  “Kailangan pangmalakasan yung alarm natin mamaya. Baka pareho tayong hindi magising, wala tayong makuhang subject.” “I’ll wake you up. I promise,” he suddenly said.  “Sure ka talagang magigising ka pa rin ng maaga no? Despite the time?” “Ikaw lang naman ang tulog mantika sa ating dalawa,” he exclaimed na nagpasimangot sa akin. Tignan mo to, ang aga aga inaasar na ako.  “Saya ka?” I sarcastically said which made him chuckle.  “Oo, masaya ako.” “Sana all na lang,” I answered him sarcastically again kaya natawa na naman siya.  After a few minutes, hindi pa rin kami tinatawag kaya medyo bored na ako. Nasa harap ko si Carter at nakikita kong nakapikit na yung mga mata niya. Inaantok pa siguro talaga siya. Naguilty naman ako kasi ginising ko siya dahil lang nagugutom ako. Haynako Aria. Sobrang spoiled mo talaga.  Gusto ko sanang mang-asar pero inaantok pa ata siya kaya yumuko nalang ako sa mesa para pumikit na rin. I was about to close my eyes when I felt him move. Nagulat nalang ako kasi tumabi pala siya sa akin.  “Are you sleepy?” he asked. I turned my head sideways to look at him.  “No. But I'm bored,” I answered.  “Do you want to play?” he asked as he offered me his phone na agad ko namang kinuha.  “Okay!” May naka-install na agad na farmville sa phone niya kasi yun lang naman yung mga hilig ko na games. Eh palagi kong hinihiram yung phone niya kaya hindi na niya dinelete dito. He also likes playing online games pero more of Call of Duty at Valorant kaya sa computer siya naglalaro. At tsaka minsan ko lang siya makita maglaro kasi nga sobrang busy niya sa degree program niya.  I just played in his phone habang nakikinood lang naman siya. Nakasandal pa ang ulo sa balikat ko. I thought he was really watching me play but when I looked at him, nakapikit na naman ang mga mata. Hinayaan ko nalang siya at hininaan na lang ang volume ng phone para hindi siya maistorbo. Inayos ko din  yung upo ko para hindi siya gaanong mangalay.  I played silently and at last, narinig ko nang tinatawag yung pangalan niya. Ang tagal ha. Pero ayaw ko na lang magsalita kasi basic human decency naman yung maging respectful. Madaling araw na rin so we should also be considerate sa mga crews ng fast food chains. For sure pagod na din sila at gusto nang magpahinga but they cant.  “Sir Carter! Your order is ready po!” I was about to wake Carter up pero nauna na siyang tumayo. Sumunod naman ako sa kanya pero hawak pa rin ang phone kasi nga naghaharvest na ako tapos ang daming orders kaya medyo natataranta ako sa paglalaro.  Nagulat nalang ako nung hinawakan na ako ni Carter sa kamay at hinila na palabas ng Jollibee. Hawak niya sa kabilang kamay yung mga inorder niya samantalang hawak naman niya sa kabila yung kamay ko. Siya yung nasa malapit sa kalsada na part samantalang ako sa gilid niya. I kept playing kasi hindi naman ako madadapa or mawawala kasi hawak naman ako ni Carter.  “Anong level mo na?” he suddenly asked habang nakatutok pa rin yung mga mata ko sa screen ng phone.  “Level 35 na! Medyo nakakainis lang kasi ang dami ng diamond na need para dun sa ibang task. Eh ang mahal kaya!” pagra-rant ko sa kanya. Pero nag eenjoy naman akong laruin yung game at kaya namang hintayin kung walang pambili ng diamond kaya hinahayaan ko nalang.  “Do you want me to buy some for you?” he asked kaya agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. He was looking at me as well and his eyes reflected the moon. Ang pogi pero minsan nakakainis.  “Ang gastador mo! Hindi naman yun essential. Kung ano ano na lang pinagbibili mo ha,” pinagalitan ko siya agad. “If it will make you happy then it is essential.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD