Hindi ko na narinig pa ang boses ni kuya, at hindi na rin gumalaw pa ang doorknob. Nanatili naman ako sa loob ng bathroom. Nang mahimasmasan sa aking pag-iyak ay tumayo na ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Putok ang ibaba kong labi, nagkapasa ang baba ko, mugto ang mga mata ko, magulo ang buhok, at higit sa lahat, napakaraming kiss mark sa buong katawan ko: mula sa leeg, dibdib, bandang tiyan at pababa sa mga hita ko, punong-puno ng mga kiss mark. Mas malala pa ako sa may skin disease, dahil talagang pulang-pula ang buong katawan ko. Napagdesisyunan kong maligo na lang sa loob ng shower room. Sinabon ko nang sinabon ang katawan ko na para bang pilit na binubura ang mga kiss mark, pero naroon pa rin, ayaw talaga maalis. Kaya naman hindi ko na napigilan ang muli kong paghikbi haba