PAGDATING namin ni Kuya Daniel sa kanyang bahay ay agad kong ginamot ang mga natamo nitong sugat, tinuruan niya lang ako kung paano ang tamang paggamot; ayaw naman niya kasi pumunta ng ospital dahil malayo naman daw sa bituka, kaya umuwi na lang kami diretso sa kanyang bahay. Napagdesisyonan na lang din namin na ipagpabukas na lang ang pagpunta namin sa Boracay dahil masakit daw ang kanyang buong katawan; wala rin naman ako sa mood para umalis dahil parang mas gusto ko na lang magpahinga. Matapos kong gamutin ang sugat ni Kuya Daniel ay pumasok na ako sa kuwarto ko na binigay niya sa akin, at naligo na ako sa loob ng bathroom. Sinampay ko na lang sa loob ng shower room ang gown na hinubad ko, parang hindi na mapapakinabangan dahil ang dumi na ng laylayan at basang-basa. Matapos magbihis