“Kuya Lance, dalian mo na po awatin mo sila! Please, stop them, kuya!” pagyugyog ko sa braso ni Kuya Lance na nakatayo sa tabi ko. “Oh, princess, don't mind them. Hayaan mo sila mag-exercise paminsan-minsan,” sagot sa akin ni Kuya Gabriel habang nakaupo sa kanyang motor at nakatingin sa dalawang lalaking naglalaban, talagang nakangisi pa ito na tila nag-e-enjoy sa kanyang pinapanood na laban. “Nagpa-practise lang sila, cous; don't mind them. Ang mas mabuti pa ay sumakay ka na lang sa kotse ni Vince at doon maghintay sa loob. Ulan oh, baka mamaya magkasakit ka pa,” sagot naman ni Kuya Lance sa akin. Hindi naman ako makapaniwala. Paano sila nagiging kalmado nang ganito gayong nakikipagpatayan na ang kaibigan nila? Halata sa itsura nilang dalawa na wala silang balak umawat. I don't know w