DAHIL sa nangyaring barilan ay hindi na kami tumira pa ni kuya sa mansyon, kundi dito na sa kanyang bagong bili na hacienda. Talagang bumili nga siya, sinunod niya ang gusto ko, at may mga tauhan na rin siya, 'yung mga katulong sa mansyon ay pinalipat na niya rito sa hacienda, bukod pa ang mga bago niyang kinuha para maging trabahante rito, at syempre mga bodyguard na magiging bantay sa araw at gabi, just in case na may lulusob ulit. Napagkasunduan na rin namin ni kuya na saka na namin ituloy ang kasal kapag nakapanganak na ako. Kahapon ay sinamahan ako ni kuya sa aking OB para sa checkup ko. Medyo nagiging halata na ang pagbubuntis ko dahil unti-unti nang lumalaki ang tiyan ko. Hindi ko rin mapigilan ang matakot, dahil nung isang araw ay naisipan kong manood ng babaeng nanganak, at tala