HINDI ako makapaniwala na parents ko ang parents ni Ate Catrine, na 'yung bata sa litratong nakita ko nung una kong punta sa kanilang mansyon ay ako pala, si Kuya Vince mismo ang nagkumpirma na ako 'yung bata sa picture nang makita niya ito, dahil nung napulot niya ako ay may nakaburda rin daw na pangalan sa lampin ko, and it's Thalia. Sadyang hindi lang niya pinagamit sa akin ang pangalan na 'yun nung inampon niya ako. Nagpa-paternity test din pala si kuya para masiguro, at positive nga ang lumabas na resulta, ako 'yung nawawalang anak nina Mr. and Mrs. Amelio. And I'm so happy, dahil sa wakas ay nakilala ko na rin kung sino ang totoo kong mga magulang. Sobrang saya ang naramdaman ko, hindi maipaliwanag na saya. And thanks to my Kuya Vince, talagang hinanap niya ang parents ko para sa ak