Ate Catrine took me to the hospital. Sobra ang kaba ko habang nasa biyahe, hindi ko alam kung bakit ako dinugo pero talagang hindi ko mapigilan ang matakot. Si Ate Catrine ay parang natakot din dahil pansin ko ang pagkataranta nito habang nagmamaneho. Pagdating ng hospital ay agad naman akong inasikaso ng doctor, and it's confirmed that I'm pregnant, dahil sabi ng doctor na tumingin sa akin ay okay naman daw ang baby ko, but I still have to be careful next time. Ngayon ay nakaupo na ako rito sa hospital bed at nakatulala lang kahit nakalabas na ang doctor. Hindi pa rin ako makapaniwala na talagang buntis ako, nabuntis ako ni kuya. “So buntis ka?” Natauhan ako nang magsalita si Ate Catrine. Nang mapaangat ako ng tingin ay nakatayo ito sa harap ko habang nakahalukipkip at masama ang ti