I LOCKED the door when we got home, hindi ko pinapasok si Kuya Vince sa kuwarto ko. And good thing, hindi naman ito nagpumilit na pumasok at hinayaan lang ako; buong magdamag yata akong umiyak nang tahimik sa loob ng kuwarto dahil sa pangyayari. Hindi ko aakalain na sa ganoong eksena pa kami ni Kuya Vince maaabutan ni Ate Catrine. And now it's morning, nakaupo na ako ngayon dito sa dining area habang nagbe-breakfast kasama si Kuya Vince. Wala akong kibo at nakatingin lang sa ibabaw ng table, tamang inom lang ng gatas dahil ayokong kumain, nasusuka lang ako lalo na kung fried rice na palagi kong kinakain sa umaga dati; ngayon ay ayoko na nu'n, mas gusto ko na lang ng sandwich at gatas. “Huwag mo nang isipin pa ang nangyari kagabi. I've already talked to them,” basag ni kuya sa katahimika