BUONG magdamag yata akong umiyak, dahil talagang hindi ako pinalabas ni kuya ng kuwarto ko; pinahatiran lang ako nito ng pagkain kay Nana, at pagkatapos nu'n ay naka-lock na ulit ang pinto. Hindi ako makapaniwala na magagawa akong ikulong ni kuya sa kuwarto. He always soft when it comes to me, pero dahil sa nagawa ko ay naging iba na ang pakikitungo niya sa akin, talagang nagalit ko siya nang husto; kahit nag-sorry naman na ako ay balewala lang sa kanya. Parang walang epekto ang sorry ko. Ngayon ay hindi ko naman mapigilang isipin kung ano na ang mangyayari pagbalik ko ng school, wala na yata akong mukhang maihaharap pa sa mga classmates ko dahil sa nangyari; nakakahiya nang pumasok, siguradong pagtitinginan na ako ng mga estudyanteng nakasaksi sa panununtok ni Kuya Vince kay Kevin dahil