DAHIL sa pagdating ng babae ay hindi na natuloy pa ni kuya ang pag-akyat sa akin sa kuwarto para ipagpatuloy ang naudlot na pangyayari sa loob ng kotse. Ako na lang mag-isa ang umakyat sa kuwarto ko at iniwan ko na sila sa baba ng kanyang bisita para makapag-usap sila nang maayos. Akala ko nga ay aalis din agad ang babae, pero nang muli akong bumaba ng kuwarto ay nakita kong kausap pa rin ito ni kuya sa may living area, at parang masaya ang kanilang pinag-uusapan dahil tumatawa ang babae, habang si kuya naman ay napapangiti. Kaya naman mas pinili ko na lang umakyat muli sa kuwarto ko para hindi na makaistorbo pa sa kanilang dalawa, dahil baka magalit pa sa akin si kuya. Lumabas lang muli ako ng kuwarto nang tawagin na ako ni Nana para makapag-dinner na. Akala ko nga ay nakaalis na ang bab